Fruits of Yesterday

Fruits of Yesterday

A Story by Yuki^^
"

This is currently written in Filipino/Tagalog. Will translate in English soon.

"

Nakaupo si Yuki sa may paanan ng kama nya, yakap ang mga tuhod at umiiyak. Pilit nyang tinatakpan ang kanyang mga tenga upang wag marinig ang pag tatalo sa kabilang kwarto ngunit kahit pa anong pag tatakip ang gawin nya ay nauulinigan pa rin nya ang mga sigawan at sumbatan ng Papa at Mama nya.


Lumabas sya ng kwarto at tumakbo sa labas ng bahay. Nanlalabo ang mga matang tinahak ang malamig na kalye ng Japan. Mabilis nyang tinungo ang isang lugar kung saan sya tumatakbo pag mabigat na mabigat na ang loob nya. At doon sa puno ng sakura blossom na malapit sa may bangin, nakaupo ang kaisa isang taong kakampi nya.


"Z-zero." humihikbi niyang tawag dito.


Lumingon ang isang maamong mukha ng isang lalaki na may itim at sinserong mga mata. Ngumiti ito sa kanya at inilahad ang kamay nito.


"Halika, Yuki." anyaya nito.


Lumapit sya dito at yumakap.


"Galit ako sa kanya! Lagi nyang sinasaktan si Mama. Hindi nya kami mahal!" sumbong niya rito.


"Oh, tama na. Tahan na." pag aalo naman ng batang lalaki sa kanya.


"Ayoko sa kanya! Ayoko kay Papa." at humikbi uli sya.


"Tama na yan. Pag lumaki tayo, pakakasalan kita. Hindi kita papaiyakin tulad ng Papa mo. Ibibigay ko sayo ang puso ko ng buo at totoo. Pangako yan." hinagod hagod pa nito ang likod nya.


Nakangiti syang tumitig sa mga mata nito at sumagot,

"Oo. At pangakong iingatan ko ang puso mo. Ikaw at ako ay magiging isa."


====================================================


"Sige! Papiliin mo si Yuki! Alam ko namang hindi sya sasama sa isang duwag na katulad mo!" sigaw ni Juni sa asawa.


"Duwag?! Alam mo kung anong isinakripisyo ko para sa pamilyang ito! Alam mo kung anong dinanas ko maipag laban ka lang, ang anak natin!" sigaw din ni Kibo sa kanya.


"Naipag laban mo nga ba?! Hindi ba't hanggang ngayon ay sila pa din ang una?! At kami? SAMPID na lang, di ba?!" pag didiin pa nito.


"Tama na! Mas makakabuti sa lahat kung lalayo na kayo ni Yuki." mababa ang boses ngunit may diin na sabi ng lalaki.


Tumango-tango si Juni at mapait na ngumiti,

"Mas pinipili mo sila."


"Alam mo-" natigil sa pag sasalita si Kibo ng pabagsak na pumasok sa loob ng silid ang katawan ng anak. Nakahawak ito sa dibdib at tila nahihirapang huminga.


"Yuki?! Anong nangyayari sa'yo?" agad na lumapit si Juni dito.


"Dalhin na natin sya sa ospital." agad na binuhat ni Kibo ang anak at nag aalala namang nakasunod sa kanya si Juni.


============================================


Napatigil sa pag lalakad lakad sa harap ng emergency room si Kibo ng lumabas mula sa pinto nuon ang isang doktor.


"Are you with the patient?" tanong nito na nakatingin sa kanila ni Juni.


Agad na tumayo ang may bahay at sumagot,

"Hai, she's our daughter. How is she?"

(Hai  means yes)


"She is ok now. But you must watch her always. She have a Congenital Heart Disease. It's not so serious though. No need to perform a surgery. But she still has to take maintenance drugs."  sabi ng doktor.


"We understand. Arigato gusaimasu" sabi ni Kibo at umalis na ang doktor.


Napatakip si Juni sa kayang bibig habang pinipigilan ang pag hikbi. Naaawa sya sa kalagayan ng kanyang anak. Nag alalangan naman si Kibo kung aaluin ba nya ang asawa o hindi. Sa huli ay mas pinili na nya lang na hindi kumibo.


Matapos ang ilang segundo ay nag salita ito habang iniaabot kay Juni ang isang credit card.


"Dito mo na kuhanin lahat ng mga pangangailangan nyo. At tawagan mo na lang din ako kung iba ka pang kailangan. Maaari na kayong umalis ni Yuki dito pag kalabas na pag kalabas nya." at nag lakad na ito palayo.


Napatulala na lang si Juni sa credit card nahawak nya at pasalampak na napaupo sa sahig.


Nakita ito ni Kibo at nag talo ang kanyang isip kung babalikan nya ba ito. Ngunit mas pinili nitong talikuran ito at tuluyan nang umalis.


===================================================


Pag dating sa bahay ay dumiretsyo si Kibo sa bar section at kumuha ng alak. Nag lalakad sya papunta sa may garden ng mapatingin sya sa family picture nila. Napabuntong hininga ito at naiwika,


"Hindi ko na alam kung ano ang tama."


Narinig ito ni Kim at naluluhang napasandal sa paser na pinag tataguan.


"Kibo. Bakit hanggang ngayon ay pakiramdam ko hindi ka masaya samin? Bakit wala pa din samin ang pag mamahal mo?" bulong nitong pinipilit pigilan ang pat tulo ng luha.


===================================================

"Mama please. Hayaan nyo akong umuwi muna sa bahay." pag mamakaawa ni Yuki sa ina.


"Hindi Yuki. Aalis na tayo ngayon din. Mahuhuli tayo sa flight papuntang Pilipinas." sabi ni Juni.


"S-sa Pilipinas Ma?" gulat na tanong ni Yuki.


"Oo, dun mas magiging maayos ang buhay natin." sagot ni Juni sa anak.


Naiiyak na tiningnan ni Yuki ang red marker nya. Kapares ito ng blue marker ni Zero. Ginagamit nila itong pansulat doon sa malaking puno ng sakura blossom.


"Babalik ako. Babalik ako Zero." bulong nya.


======================================================


Napatitig na lang si Ayumi sa lalaking nakaupo sa ilalim ng puno sa may tabi ng bangin. Nagulat pa sya ng mag salita ito.


"Akala ko hindi ka darating ngayon araw Yu-" napatigil ito sa pag sasalita at tila nagulat ng sya ang makita nito pag lingon.


"Aahh, ipinapatawag ka na ni Tita Kim." sabi niya dito.


"Mama dapat Ayumi. Hindi tita." pag tatama ni Zero.


"Pero.. Hindi pa naman tayo kasal at hindi din dapat talaga tayo ikasal. Ayokong ikasal sayo." sabi naman ni Ayumi na nakanguso.


Ngumiti si Zero at inabot ang kamay nya.


"Saka na natin problemahin ang tungkol sa nakatakda saten. Wala pa tayong magagawa, sa ngayon." at nag lakad naito habang hawak kamay nya.


Ang gusto ko, pakasalan mo ako dahil gusto mo ko. Hindi ng dahil sa isang kasunduan lang. sabi ni Ayumi sa isip nya.


========================================================


After 15 years....


"Pasensya ka na Zero. Hindi kita masasamahang mag ikot ikot dito sa school. Pero pinakiusapan ko ang bestfriend kong samahan ka." sabi ni Ayumi habang nag mamadaling tinatahak ang pasilyo ng bagong University na nilipatan ni Zero.


"Ayun na pala sya." nakaturo ito sa isang maputing babae na may mahaba at bagsak na buhok. Nakaside view ito sa kanila.


Hindi maintindihan ni Zero pero, pakiramdam nya pamilyar ang babaeng iyon.


"Beh!" bati ni ayumi dito.


Ngumiti ito ng tipid at tila may nag balik sa alala ni Zero.


Isang batang babaeng nakangiti habang yakap nya sa ilalim ng mga umuulang bulaklak ng sakura blossom.


Sya na kaya yun? natanong nya sa isip nya.


"Ikaw na munang bahala sa kanya ah. Una na ko." at umalis na din agad si Ayumi.


Ngumiti sa kanya ang babae.


"Halika na. Mag simula tayo sa library." sabi nito at tumalikod na upang maunang mag lakad.


Napansin ni Zero ang isang marker na ginawang keychain sa bag ng babae. Hindi sya pwedeng mag kamali. Kay Yuki yun.


"Y-yuki?" alanganin pang tawag nya dito.


“Hmm?” hindi lumilingon na tanong nito. “Nasabi na pala sa’yo ni Ayumi ang pangalan ko. Ikaw, anong pangalan mo?”


“Zero.” sagot nya dito.


Napatigil sa pag lalakad ang babae.


Lumingon ito sa kanya at nag tanong, “Anong sinabi mo?”


“Zero. Ako si Zero, Yuki.” at iniabot nya dito ang blue marker nyang kapares ng red marker nito.


Mangiyak ngiyak na nag angat ng tingin si Yuki mula sa marker patungo sa mga mata ng ni Zero. Humihikbing yumakap ito sa kanya.


“Finally, I found you.” bulong ni Zero at hinalikan nito ang ulo ni Yuki.


===============================================


“Bakit nyo po ako ipinatawag Pa?” tanong ni Zero sa nakatalikod na ama.


Nakaupo ito sa swivel chair nito at nakatanaw sa labas ng bintana.


“Alam naman siguro Zero na panahon na para isakatuparan ang kasunduan?” tanong nito ng hindi humaharap sa kanya.


Natihimik si Zero doon. Hindi nya inaasahan na gagawin pa rin nila ang kasunduan gayong wala na ang kanyang lolo.


“Hindi ko akalaing ipipilit nyo din pala iyon. Akala ko’y nakatakas na ko noong nawala si lolo.” walang emosyong sabi ni Zero.


“Ang kasunduan ay kasunduan.” matigas na sabi ng kanyang ama.


“Hindi Pa. Hindi ako gagawa ng isang bagay na pag sisisihan ko habang buhay. Pakakasalan ko ang babaeng gusto ko!” nag taas na sya ng boses.


“Kibo. Tama na yan. Napag usapan na natin ‘to. Hindi ba?” sabi ng ina ni Zero na si Kim na nakatayo sa may pintuaan ng office ng kanyang ama.


Doon humarap ang kanyang ama. Makikita sa mukha nito ang isang tipid na ngiti.


“Gusto ko lang marinig sa kanya ang mga salitang dapat sana’y sinabi ko rin noon.” sagot ni Kibo.


Naguguluhang napatingin si Zero sa kanyang mga magulang.


“Malaya kang gawin ang gusto mo anak.” sabi ni Kim. “Nakausap ko na si Ayumi tungkol dito at naiintindihan nya naman.”


“Ayaw naming maranasan mo pa ang pinag daanan namin noon anak. Sige lang. Ngunit, gusto ko sanang makilala ang babaeng napupusuan mo.” sabi naman ni Kibo.


Makikita ang isang malawak na ngiti sa mukha ni Zero.


“Salamat. Siguradong magugustuhan nyo sya.” at lumabas na ng silid si Zero.


“Nung una pa lang dapat ay ginawa na natin ang tama.” sabi ni Kibo.


“Hindi na natin maiibalik ang panahon, ngunit ang mahalagay natuto tayo at di na natin hahayaang ulitin pa nila ang nangyari saten.” sabi naman ni Ayumi.


============================================================

FLASHBACK


“Hindi ako mag papakasal sa kanya Papa!” pag mamatigas ni Kibo.


“Ako ang masusunod dito!” sigaw ng ama nitong si Sebaztian.


“Matagal nang kasunduan ng pamilya Shibuya at Kanade na ang lahat ng lalaki sa ating angkan ay makakasal lamang sa kanila. Iyan ay upang panatilihin ang matatag na kapangyarihan ng ating angkan.” dugtong pa nito.


“Yun lang ba ang mahalaga sa inyo?!” tanong ni Kibo.


“Oo! Mamili ka! Papapasalan mo si Kim o ipapapatay ko ang babaing gusto mo kasama ang sanggol sa sinapupunan nya?” banta nito.

Natigilan si Kibo.


“Napaka walang puso mo.” nakayukong sabi ni Kibo.


END OF FLASH BACK


=========================================================


Nakatayo sa harap ng isang malaking bahay sina Zero at Yuki.


“Kinakabahan ka ba?” tanong ni Zero sa kasama.


“Oo.” Tipid nitong sagot at pinag cross pa ang mga daliri.


Hinawakan ni Zero ang kamay nito at hinalikan.


“Wag. Dahil kasama mo ko.” malambing na sabi nito.


Ngumiti si Yuki rito at pumasok na sila sa loob.


Nakangiting binati ni Yuki ang inay ni Zero na si Kim.


“Magandang araw po.”


Ngunit nawala ang ngiti sa kanyang labi ng magkatitigan sila ni Kibo.


“P-papa?” nauutal pang sabi nito.


“Y-yuki?” gulat ding sabi ni Kibo.


Naguguluhang nag pabalik balik ang tingin ni Zero sa babaeng iniibig at sa kanyang ama.


“Pa? Anong bang ibig nyong sabihin?” tanong niya.


“Sya ang ‘yong ama?” hindi makapaniwalang tanong ni Yuki sa kanya.


“Oo. Bakit ba? Maaari bang ipaliwanag nyo ang lahat?” frustrated nang tanong ni Zero.


“Zero, hindi mo pwedeng pakasalan si Yuki. Magkapatid kayo.” anunsyo ni Kibo.


“Hindi! Hindi totoo yan!” at nag tatakbo palabas si Yuki.


Hinabol sya ni Zero.


“Yuki!” tawag nito dito.


Napalingon ito sa kanya at di namalayan na may paparating na sasakyan.


Sinubukang sagipin ni Zero si Yuki ngunit huli na. Pareho silang nasagasaan.


============================================================

Namatay si Zero sa aksidente. Sobrang lubha ang pinsala nya at ilang minuto pa lang sa ospital ay malagutan na ito ng hininga.


Si Yuki naman ay may pag asa pa, ngunit mahina ang puso nito at hindi nito kakayanin ang operasyon.


Nuon ibinigay kay Yuki ang puso ni Zero at nakaligtas ito.

============================================================


Nakaupo sa ilalim ng puno ng sakura blossom si Yuki.


Nakatitig sa kawalan.


Hawak hawak nya ang dalawang marker nila ni Zero.


Nag balik sa kanyang alaala ang pangako nila nuon.


“Pag lumaki tayo, pakakasalan kita. Hindi kita papaiyakin tulad ng Papa mo. Ibibigay ko sayo ang puso ko ng buo at totoo. Pangako yan." hinagod hagod pa nito ang likod nya.


Nakangiti syang tumitig sa mga mata nito at sumagot,

"Oo. At pangakong iingatan ko ang puso mo. Ikaw at ako ay magiging isa."

-THE END-

© 2016 Yuki^^


My Review

Would you like to review this Story?
Login | Register




Reviews

"Angel beats"
Ang ganda ng "twist" at ako'y marangyang nalungkot. Salamat!

Posted 8 Years Ago



Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

133 Views
1 Review
Rating
Added on May 28, 2016
Last Updated on May 28, 2016

Author

Yuki^^
Yuki^^

Batangas, IV-A, Philippines