CHAPTER 2

CHAPTER 2

A Chapter by Yana

"Huu! Ang init!"

Pinapaypayan ko 'yung sarili ko gamit 'yung kamay ko dahil 'yung araw is tutok na tutok sa'kin. May payong naman na dala si Sir maliban sa'kin. Pinagdadala niya kasi ako kanina pero sabi ko ayos lang 'di ko na kailangan. Pero, ngayon kailangan ko na! Kanina sabi ko sa kaniya kung p'wede ba ako makisilong pero ang sabi niya lang..

"No. I told you to bring your own."

'Di ba!? Ang sama ng ugali! Kung itulak ko na kaya 'to ngayon nang masagasaan siya! Napairap na lang ako at yumuko. Hindi ko naman kasi ine-expect na dito kami pupunta, sa palengke. Akala ko sa may aircon hindi sa may araw! 

Gamit 'yung palad ko, pinunasan ko 'yung noo kong basang basa na dahil sa pawis. Elias, gusto ko nang itigil 'to! Ayoko na! Suko na ako! Napasigaw ako bigla nung tumama 'yung mukha ko sa nakabungguan ko.

"Ano ba 'yan?!" Reklamo nung babae.

"Ano ba yan!?" Panggagaya ko sa boses niya. Tumingin ako kay Sir at nakitang nakatingin siya sa'kin, inoobserbahan ako. "Oh, ano? Naaawa ka na ba sa'kin? Ang harsh mo masyado sa'kin! Aba'y malay ko ba na iinit ng ganito!? Alam ko ba!? Weather forecaster ba ako!? Ha!?" Sigaw ko at nilayasan na siya.

"Maude," rinig ko pang sabi niya pero 'di ko siya hinarap. Manigas ka diyan, demonyo! "Maude!"

Do'n na ako napatigil nung sumigaw siya. Dahan dahan akong tumingin sa kaniya at nagpakawala ng matamis na ngiti.

"Yes, sir?" Nakangiting tanong ko.

"Let's go home," lumapit siya sa'kin at hinatak 'yung palapulsuhan ko. "If you're being like this, nothing will happen. If you keep complaining, I can't concentrate."

"Eh, bakit parang kasalanan ko pa?" Umirap ako at napatingin sa palapulsuhan ko na hawak hawak niya. "Eh, kung hindi ka sana madamot, hindi ako magrereklamo."

"If you just bring the umbrella, you won't complain to me." He fired back. "Let's just go next time."

Pag uwi namin sa bahay niya ang una kong ginawa ay kinuha ko na 'yung mga gamit ko at hindi na ako nag abala na magpaalam sa kaniya. Akala ko nasa kwarto na si Sir pero hindi ko inaasahan na makabungguan ko siya palabas ng pinto. Hindi ko naman mapigilan ang kiligin dahil napahawak siya sa bewang ko.

"Where are you going? You're supposed to take lunch first before you go." Sabi niya at tinulungan niya ako na tumawa ng maayos. "Stop being clumsy. Kanina ka pa sa palengke."

"Sorry naman!" Pinagpagan ko 'yung damit ko at taas noong tumingin sa kaniya. Napanguso na lang ako nung tignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Anong height mo?"

"What?" Kunot noong tanong niya.

"Bingi ka-- Ah, joke!" Bawi ko at agad na tumawa. "Sabi ko kasi, anong height mo? Ang tangkad mo kasi, e! Parang halos lahat na ata ng feature mo ang perfect!"

"I... don't know," sagot niya at umiwas ng tingin. "I don't measure my height nor weight."

Natawa na lang ako sa sinagot niya at sumunod na sa kaniya sa loob. Sabi niya kasi dito na daw ako mag lunch at ayaw daw niya na tatanggi ako. Siguro, crush niya 'ko? Kaya gusto niya ako makasama sa lunch niya? 

Swerte ko naman pag gano'n.

Nakaupo lang ako sa may mataas na upuan dito sa may counter ng kusina niya at pinapanood siya kung pa'no siya kumilos. Nakasuot pa siya ng aapron at akala mo ang pro niya pagdating sa pagluluto. Let's see na lang sa lasa ng kalalabasan ng pagkain na niluto niya.

"Para saan pala 'yung dapat na bibilhin natin kanina sa palengke?" Tanong ko. Tumingin ako sa paligid ng kusina niya. "Eh, mukhang kumpleto ka pa naman ng mga pagkain dito?"

Napatigil siya sa paghihiwa at tumingin sa'kin. "For my mom. She wants me to go grocery for her."

"Ah," tumango ako. "Ngayon ka lang ba nakapunta sa gano'ng lugar? Para kasing hindi ka sanay nung pinagmamasdan kita kanina, e."

"So, you're observing me, huh?" Ngumisi siya.

"Asa!" Nandidiring sigaw ko.

"But, yeah.. It was my first time going to that crowded place. So I ordered you to come with me."

Nung matapos siyang magluto, tinulungan ko na siyang mag ayos ng plato at hindi ko mapigilan ang matakam dahil mukhang masarap 'yung luto niya dahil sa amoy pa lang. Minamadali ko na ngang kumilos, e. Abot mata ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ko 'yung pasta na niluto niya.

"Enjoy," sabi niya at umupo na din sa may harap ko. 

Pagkasubo ko ng pagkain, hindi ko mapigilan ang mapatili habang nakasara ang mga bibig ko. Ang sarap! This is my first time na nakatikim ako ng ganitong kasarap! Si Elias kasi ang tabang ng luto o kaya naman nasobrahan sa alat. 'Yung kay Sir Damiane naman is sakto lang ang lasa at walang kulang at talagang masarap talaga.

"Sarap," sabi ko at patuloy sa pagnguya. "Siguro, chef ka?"

"No," tumawa siya. 

Napatigil ako sa pagkain nung may ma-realize ako. "Maid mo ako, 'di ba? Hindi ba't dapat ako magluluto ng lunch for you?"

Umiling siya. "I hired you as my maid to clean my house not to cook a food for me."

"Pero trabaho pa din 'yun ng maid, 'di ba?"

"Why? Gusto mo ba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi, noh!" Agad kong sabi. Tumawa naman siya at natawa na lang din ako dahil nakakahawa 'yung mga tawa niya. "Okay na 'yung linis. Wala akong talent sa pagluluto, eh."

"Cooking is not a talent. It's a skill," aniya. "You can learn how to cook by practicing. And you're already old enough, right? Then learn how to cook."

"Eh, pa'no kung gusto ko magpaturo sa'yo?" 

"Then," he shrugged. "I can teach you."

Nakakakilig, huu!

Oh, sa mga may gusto sa Damiane na 'to, ako na ang nanalo! Tuturuan niya daw ako pano magluto. I win, my girls. I win.

Nung matapos na kaming kumain, sabi ko sa kaniya na siya na maghugas ng plato dahil kailangan ko na talagang umalis at isang oras na lang ay male-late na ako sa first class ko. Kung hindi pa ako tinext ni Elias ay hindi ko pa mamamalayan 'yung oras. Nagpalit muna ako ng damit, s'yempre, bago umalis.

"Pagbalik ko, sukatin natin height mo!" Sigaw ko bago ko isara 'yung pinto.

Pagdating ko sa university, si Elias ang una kong nakita. Malaki ang mga ngiti niyang tumakbo palapit sa'kin at tulad ng dati, niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Napairap na lang ako habang napapailing na natatawa ako.

"Bakit hindi ka umuwi kagabi?" Parang batang tanong niya at nagsimula na kami lumakad papasok sa university. "Wala tuloy akong kayakap kagabi."

"Ba't di mo na lang niyakap 'yung unan ko?" Natatawang tanong ko. "Oo nga pala, Elias. Baka hindi ulit ako makauwi mamayang gabi. May gagawin kasi ako mamaya do'n sa bahay ni Sir, eh."

Ngumuso siya. "Okay..."

"Ano ba?!" Natatawa ko siyang inakbayan at hinalikan sa pisngi. "Kahit kailan talaga, isip bata ka. Dare ko 'to, e. Malamang tatapusin ko 'yun at kailangan ko panindigan."

"Tatapusin mo nga, pagsisisihan mo naman 'yung katapusan."

Bigla akong natahimik at napaisip dahil sa sinabi niya. Ano kaya mangyayari after 30 days? After kong magtrabaho do'n? Well, kahit naman nakakasisi 'yung kalalabasan nung ginawa ko.. atlis may pera akong napakinabangan. I always tell lies to him because that's the rule that Elias make. 

I have a new source of money for someone I don't really know. He might know me, for him, but the information I tell him for the 2 days I'm with him was all lie.

"What age did you tell him when he asks you?" Tanong ni Elias.

Napaisip naman ako. "26, ata?"

"Good," he smiled. 

Umuwi muna ako sa condo namin ni Elias at nagpalipas ng isang oras dahil maagang natapos 'yung klase namin. Balak pa sana ni Elias na magluto pero sabi ko sa kaniya ay hindi ko na din makakain 'yun dahil aalis na din ako.

"Elias--" Hindi ko natuloy 'yung dapat kong sasabihin nung mapansin ko na parang ang dilim ng mga mukha niya. "Anong problema mo, Elias? Okay ka lang ba?"

Hindi siya sumagot at nakatayo lang siya sa may kusina at nakayuko. Just looking at him, alam ko na masama ang loob niya. Lumakad ako palapit sa kaniya at hinawakan 'yung pisngi niya. He's about to talk when I stopped him using my lips. Dumilat ako at nakita kong titig na titig ang mga mata niya sa mata ko habang nakalapat ang mga labi namin.

"Galit ka ba kasi wala akong oras sa'yo?" Mahinang tanong ko habang nakayakap sa kaniya. "I'm the player this time, Elias. You need to understand."

He didn't answer me and just cupped my face and deepened the kiss. I close my eyes as I welcome his tongue inside my mouth. I didn't stop him because I also love what we are doing right now.

"Elias..." hingal kong tawag sa kaniya habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.

He's on top of me. He's looking at me, intensely. Gamit ang hinalalaki niya, hinaplos niya 'yung pisngi ko at pinunasan ang mga luhang nagsimulang tumulo. I can't help but groan when I welcomed him inside me.

"I love you," he planted me a kiss.

Tumayo ako sa higaan at tinignan ang oras. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Elias na mahimbing nang natutulog at walang pantaas. Kinumutan ko siya bago ako tumayo pero muntik na akong bumagsak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula nang magbihis.

To: Sir Damiane

eyo mukhang hindi po ako makakapunta dyn 2day kasi may emergensi sa bahay pi...

He replied immediately.

From: Sir Damiane

I don't understand you but okay.

Sa convenience store na lang ako nagtrabaho dahil ilang minuto na lang din naman ang lilipas at ako na ang susunod na shift. Ilang oras ding nakapatong 'yung baba ko sa palad ko habang nag iintay ng may dumating na bibili man ng kung ano. Papikit na sana ako nung biglang tumunog 'yung pinto kaya agad din akong napatayo.

"Welcome--" Napanganga at napatigil ako nung makita ko si Sir Damiane na napatigil din nung makita ako. "S-sir!"

"Maude?" Gulat na aniya. "What are you doing here? I thought there's a emergency to your house? Is everything okay?" Nakatingin siya sa'kin pero hindi sa mga mata ko at parang may iba pa siyang tinitignan sa parte ng katawan ko.

Binobosohan ba niya ako!?

Pero wow, sinaniban ng kabait si satanas. Pero imbes na magsalita ako ay nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung ano 'yung p'wede kong idahilan. Bakit ba nandito si satanas!? Ang layo naman ng bahay niya dito? Lord, ano ba 'to? Bakit?

Laking pasalamat ko na lang ng biglang dumating 'yung boss ko at hindi na natuloy ang pag uusap namin ni Sir. Pumunta na siya sa pwesto kung sa'n nakalagay 'yung basket at napahawak na lang ako sa dibdib ko. Akala ko katapusan ko na! Elias, help me!

"Pogi naman niya," siniko ako ni boss. "Bagay kami, noh?"

"Boss, tirador ka talaga ng mas bata sa'yo." 

"Maude," hinawakan ni boss ang magkabilaang balikat ko at may tinitignan siya sa may leeg ko. "Aware ka ba na may hickey ka sa leeg mo?! Bata bata mo pa tapos--"

"HUH?!" Sigaw ko at agad na napahawak sa leeg ko. "Elias, hayop ka!" Bulong ko at agad na kinuha 'yung salamin na nasa tabi ko lang at kitang kita ko 'yung hickey na iniwan niya!

"Ipagdadasal na lang kita, Claude. Makalakad ka pa sana," mapang asar na ani nito.

Lumipas na naman ang isang gabi at gano'n pa din ang palagian kong ginagawa. Pumapasok ako kasama si Elias at pagtapos ng klase ko ay magbibihis lang ako saglit at minsan ihahatid ako ni Elias do'n sa bahay ng Sir ko. Pagtapos ng trabaho ko sa bahay niya ay sa convenience store naman ang sunod ko at do'n ko na din gagawin 'yung assignment ko kung meron man.

"Do you have a boyfriend?" Sir Damiane asked me.

Tumigil ako sa ginagawa kong ilang segundo. "Ah.. wala po. Bakit niyo po natanong?" Tumingin ako sa kaniya at makahulugang ngumiti. "Crush mo 'ko, noh? Ikaw, ha.."

"Maybe," sagot niya na nakapagpatigil sa'kin. Akala ko babawiin niya 'yung sinabi niya pero ilang segundo ang lumipas at wala siyang sinabi. "Ah, if you don't have a boyfriend.. Do you mind if I ask you to be my date just for the event that I am going to."

"D-date?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "B-bakit ako? Sa dinami daming--"

"I only want you." He said then walked away. "Next week. Don't mind the dress that you will wear. It's all on me."

Bago pa man siya makatapak sa hagdan, tumakbo na ako palapit sa kaniya at imbis na kamay niya ang mahila ko, 'yung polo niya ang nahila ko dahilan na masira ang botones. Eh.. Hindi naman ata masyadong ano 'yung pagkahila ko sa kaniya kaya bakit nasira!? 

Mukhang mamahalin pa naman!

"I'll pay you 10k," he said, seriously.

Nanlaki ang mata ko. "Sige! I'll come!"

"Then, we're good now." Aniya bago naglakad paalis.



© 2021 Yana


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

25 Views
Added on August 15, 2021
Last Updated on August 15, 2021


Author

Yana
Yana

Quezon City, NCR, Philippines



About
I'm a writer from Wattpad! This is the second website where I will publish my own story. Wattpad: @xyanz_ Email: [email protected] more..

Writing
PROLOGUE PROLOGUE

A Chapter by Yana


CHAPTER 1 CHAPTER 1

A Chapter by Yana


Game of Regret Game of Regret

A Book by Yana