CHAPTER 1

CHAPTER 1

A Chapter by Yana

"Pabili nga po ng isang Maude!"

Inis kong nilapag ng padabog sa counter 'yung phone na hawak ko at inis na tinitigan ng masama si Elias. Tumawa lang siya habang nakahawak sa tiyan niya. Umirap na lang ako at inis na bumalik sa ginagawa ko. Napatingin ulit ako sa kaniya at nakita kong nakatingin na naman siya at alam kong nang iinis talaga siya.

Napapikit at napabuntong hininga na lang ako. Nilapag ko sa counter 'yung mga canned goods at mariin na din siyang tinignan. Naglabanan kami ng titigan at siya naman 'tong unang umiwas, tumatawa.

"Ano ba!?" Pagmamaktol ko. "Pumunta ka ba talaga dito para mang inis, ha?"

Pang asar siyang ngumiti. "Masama ba na dalawin ko dito 'yung honey bunch ko?" Ngumisi siya.

"Elias," mahinahong tawag ko sa kaniya at dinampot 'yung cutter na nasa tabi ko. Bahagya siyang napalayo nung itutok ko sa mukha niya 'yun. "Lalayas ka o isasaksak ko sa mata mo 'to? Sagot."

"Aalis na po." Dahan dahan siyang naglakad paalis, nakataas ang dalawang kamay. "Kitakits na lang later sa condo! Love you, babe!" Pahabol niya pa.

Saktong pagsara ng pinto nung may bagong dumating. Nagtama pa ang tingin namin pero agad din siyang umiwas. Naubos 'yung oras ko sa pag aayos ng canned foods na 'to hanggang sa dumating na 'yung papalit sa'kin.

Pag uwi ko sa condo, bumungad sa'kin si Elias na nakahiga sa sahig habang nanonood ng TV at kumakain ng chips. Nung makita niya ako agad siyang tumayo at parang aso na sinalubong ako ng yakap.

"Na-miss kita!" Hinigpitan niya 'yung yakap niya sa'kin. Napairap na lang ako at pumasok na sa loob at humiga agad sa sofa. "Babe, alam mo ba kung anong meron ngayon?"

"Ano ba?"

"You failed in our exam," aniya. "Alam mo naman kung ano 'yung consequence 'di ba kapag bagsak?"

"Mukha bang hindi ko alam?" Sarkastiko kong tanong at umupo na. Tinuro ko 'yung box at sinenyasan siya na dalhin sa harap ko. "Sinadya ko naman talaga na i-bagsak 'yung exam."

Pinatay na ni Elias 'yung TV at pareho na kaming nakaupo sa sahig habang nakatingin sa box na nasa harap namin. 'Yung laman ng box at puro matitigas na card na puno ng mahihirap na utos. Para lang siyang truth or dare pero puro dare siya, mahihirap na dare.

We called this as 'Game of Regret' kasi 'yung palaging kalalabasan nung ginawa namin ay minsanang nakakasisi na papangarapin mo na lang na sana hindi mo na lang ginawa. Hindi ko na maalala kung ano ba 'yung dahilan at naisipan namin gawin 'tong laro na 'to.

Tahimik si Elias habang nakatingin sa kamay ko na pinasok ko sa loob ng box. Para siyang aso na nag iintay ng pasalubong sa amo. Nung nakuha ko na 'yung card, ako ang unang tumingin at napanganga na lang.

"Ano nakalagay?" Tanong naman agad nitong si Elias. Sumilip siya sa card at agad ko naman tinulak 'yung mukha niya. "Eh? Damot naman nito! Ano nga kasi?"

"Alam mo," Inis ko siyang sinabunutan. "'Yung mga ginawa kong utos dito ang dali! Tapos ikaw ang hirap! Ang sarap mong igisa, leche ka!"

"Tapos kakainin mo 'ko?" 

"Landi mo," tumayo na ako at hinagis sa kaniya 'yung card. "Tell me when will I start and which household will I apply to."

"Apply to be a maid in a rich household and if you're asked, answer their questions with lies." Basa ni Elias sa card.

It all started with that stupid game of ours. The household that he chooses is the oldest son of one of the richest in this country, 'yung mayabang at kasing sama ni satanas na si Sir Damiane. Hindi ko alam pero bakit napansin ko na ang bagal ng panahon ngayon! Dati, isang utot ko pa lang, panibagong buwan na naman 'yung dumating. Tapos ngayon, ang bagal na!

"I'm Damiane Keane Relish," inalok niya sa'kin 'yung kamay niya. 

Gusto ko sanang sabihin na 'wala akong pake' pero pinigilan ko din agad 'yung sarili ko at tinanggap naman 'yung kamay niya. Napataas ang kilay ko nung mapansin ko na ang lambot ng kamay niya. 

"How many times do I need to tell you to wipe this window every minute!" Sigaw niya.

'Yan na, sinasaniban na siya ni satanas. Tumango na lang ako at pinipigilan ang sarili na magdabog habang lumalakad palapit do'n sa bintana na sinabi niya. Nung tumalikod na siya sa'kin, inambaan ko siya ng suntok at laking gulat ko nung bigla siyang humarap sa'kin.

"You want to punch me?" Tanong niya habang nakataas ang kilay. "Go on, punch me. One punch, no money."

Tumawa ako. "Sus! Ano ka ba, sir? Bakit naman kita susuntukin? Sa gwapo mong 'yan?" Puno ng pagkasarkastiko 'yung boses ko. "At tsaka, hindi ka naman mukhang punch bag, e! Pero kung oo? Matagal na kitang sinuntok." Umirap ako at tumalikod na.

"Okay," tanging sabi niya at naglakad na din paalis.

7:30 PM. Buti na lang talaga wala akong pasok mamaya do'n sa convenience store. May kailangan pa kasi akong assignment na gagawin at baka kopyahin ko na lang 'yung kay Elias at same naman kami ng class.

Umupo muna ako sandali sa sofa dahil wala naman si sir at baka nasa room niya. Papikit na sana ako nung biglang may nag doorbell ng sunod sunod na akala mo hindi kayang makapaghintay. Lumakad na ako palapit sa pinto at agad na binuksan, naiinis, dahil hindi talaga siya natigil sa pagdo-doorbell.

"You punk! Why--" Hindi na niya natuloy 'yung sigaw niya nung ma-realize niya kung sino ako. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Who the hell are you? Don't tell me... you're one of the stupid girls that my brother makes out with?"

Kapatid ba 'to ni Sir Damiane? Ang pogi, ah.

Kunot noo ko siyang tinignan. "Jusko, naman! Napapaligiran na ako ng mga englishero! Dinudugo na naman ilong ko!" Maarte kong sabi. "And excuse me, hindi ako tanga at mas lalong hindi ako isa sa mga babae ng brother mo! Sa ganda kong 'to? Papatulan kapatid mo?"

"As if papatulan ka niya," nilakihan na niya ang bukas ng pinto at pumasok na sa loob. "Kuya, where the heck are you?! I know you're there! Come out!" Umalingangaw sa buong bahay 'yung boses niya.

Sinara ko na lang 'yung pinto at pumasok na sa loob. Nanlaki pa 'yung mata ko nung makita kong nakakalat sa gitna ng daan 'yung walis at pamunas na hawak ko kanina. Tumakbo ako papunta do'n at agad na kinuha.

"Kuya--"

"No need to shout," putol ni Sir Damiane sa kapatid niya. 

Namula 'yung pisngi ko nung makita ko na nakasuot lang si Sir Damiane ng bathrobe at kitang kita ko 'yung dibdib niya! Ang hot, mama! Nakita ko din na basang basa pa 'yung buhok niya at halatang di pinunasan dahil tumutulo 'yun mula sa mukha niya pababa sa dibdib.

"Hallelujah," bulong ko at lumakad na papunta sa kusina kung sa'n malayo sa kanila. 

Uuwi ba 'ko o dito na muna ako magpalipas ng gabi? May kwarto naman na binigay sa'kin si Sir Damiane para incase daw na gabihin ako ng masyado ay dito na muna ako matulog. Mabait naman siya minsan, pero ugaling satanas palagian.

Pero may kailangan pa akong gawin, e. Kung dito ako matutulog, hindi ako makakakopya ng assignment kay Elias. E, palagi ko pa naman inaasa kay Elias 'yung math dahil siya 'tong pinakamatalino pagdating sa math. Umiling na lang ako at tumayo na at binitbit 'yung mga gamit ko.

S'yempre, nadaanan ko 'yung dalawang magkapatid na nag uusap sa may sala at mukhang seryoso ang usapan nila kaya hindi na ako nag abala na magpaalam dahil baka makagulo pa ako. Palabas na sana ako nung biglang may magsalita sa likod ko.

"Where are you going?"

"Amen!" Gulat na sigaw ko. Tumingin ako sa likod ko habang nakahawak sa dibdib ko at nakita ko si Sir Damiane. S'yempre, hindi ko mapigilan ang mapatingin sa dibdib niya! "Ang hot talaga..."

"It's cold, Maude." Seryoso niyang sabi.

Napabalik ako sa sarili ko nung umubo siya. "Ah.. aalis na po ako. May gagawin pa po kasi ako."

"Tulad ng ano?"

"Ah.. inaantay po ako ni mama." Pagsisinungaling ko.

"Text and tell her that you'll sleep here," utos niya, nakasandal 'yung balikat niya sa pader habang nakakrus ang mga braso.

'Di ako makapaniwalang mapatingin sa kaniya. "Batas ka ba?"

"What?"

"Joke!" Patago akong umirap. "Bakit po ba kailangan ko dito matulog? May plano po ba kayo sa'kin? Sa... k-katawan ko?" Nanlalaki ang mga mata kong napahawak sa dibdib ko. "'Wag po!"

"Your body is not my type," kalmado niyang sabi at tinalikuran na niya ako. "Just sleep here. You need to come with me."

"Saan?" Sumunod ako sa kaniya, nakatayo sa likod niya. 

"Grocery,"

"Grocery?" Tanong ko ulit. 

Hindi siya sumagot hanggang sa nakarating na kami sa sala kung sa'n nakaupo 'yung kapatid ni Sir. Gusto ko sana tanungin kung ano pangalan niya at ia-add ko agad sa facebook kaso I'm shy. Marami kasing poser, e. Kaya hindi ko alam kung alin ba do'n 'yung totoong account nila.

"Accompany my older brother to the grocery tomorrow early since you're his maid," aniya. "Hindi kasi siya marunong mag grocery dahil tanga siya."

Kinagat ko 'yung babang labi ko, pinipigilan ang sarili na matawa. "Okay po."

"Shut the heck up," inis na sabi ni Sir Damiane at naglakad na papunta sa hagdan. "Now, do what you want to do here." 

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas o oras dahil ang tagal niya at hindi pa din siya bumababa hanggang ngayon. 'Yung kapatid naman ni Sir ay natutulog na habang nakapatong sa mukha niya 'yung phone niya.

Tumingin ako sa paligid at lalo na sa lalaking natutulog na 'to. Dahan dahan akong tumayo sa inuupuan ko at kinuha 'yung phone ko na nasa bulsa ko lang at agad na nilagay sa camera. Para akong magnanakaw sa ginagawa kong 'to dahil hindi ko hinahayaan ang sarili na gumawa ng ingay.

Agad kong tinutok 'yung phone ko sa mukha niya at pipindutin ko na sana nung bigla siyang dumilat dahilan na mabitawan ko 'yung phone ko dahil sa gulat at tumama 'yun sa mukha niya. Napaatras ako at napatakip sa bibig, hindi alam ang gagawin.

"Ah," nagpapanik na sabi ko. "S-sorry!"

"What the hell are you doing?" Parang galit na sabi niya habang hinihimas 'yung ilong niya kung sa'n tumama 'yung phone. "You know, Maude. If you want to take a picture of me, ask politely. Do not take a picture with me without my permission. Papayag naman ako, e." Sabi niya at agad na kinuha 'yung phone at nag picture siya, naka peace sign pa siya.

"Nice," bulong ko. Tumingin siya sa'kin at inabot 'yung phone sa'kin. 

"There. You can post it online or sell it so you can have money." Kumindat siya. Tumayo na siya at lumakad paalis pero bago pa man siya mawala sa paningin ko ay humarap siya sa'kin. "By the way, Maude. You're my type."



© 2021 Yana


Author's Note

Yana
Remember that this is a TAGALOG story.

My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

21 Views
Added on August 14, 2021
Last Updated on August 15, 2021


Author

Yana
Yana

Quezon City, NCR, Philippines



About
I'm a writer from Wattpad! This is the second website where I will publish my own story. Wattpad: @xyanz_ Email: [email protected] more..

Writing
PROLOGUE PROLOGUE

A Chapter by Yana


CHAPTER 2 CHAPTER 2

A Chapter by Yana


Game of Regret Game of Regret

A Book by Yana