Mga BersoA Poem by xianahBayan ay sinalakay Taong bayan ay hinubaran mga bibig ay sinugatan nang ito’y tuluyang di mabuksan nang mukha nila’y aking nasilayan puso ko’y nadaganan sila’y 'di taga-labas o prayle, sundalo o mga matang bughaw dugong kayumanggi natin sa kanila’y nananalaytay Kailan, paano, bakit ang lahat nang ito nagsimula? Di kaya’y sa amin lamang ito nagmula? Ang iba’y labis ang pagsisisi ang iba’y piniling mabingi ang iba’y panay ang dasal at ang iba’y naghihintay ng himala, nagbabakasakaling … kayo’y umahon sa inyong kinalilibingan Mahal naming mga bayani, marahil para sa amin kayo ay lumuluha at sa bawat tulo’y may isang katanungan “Ito na ba ang
kinahinatnan ng nakalipas na
pakikipaglabanan?” Ako ay labis na naniniwala na kayo ay hindi namatay para lamang kami'y malunod sa dagat ng kamangmangan ng mga taong dapat sana’y tularan; sambit noo’y hatid nila ay kinabukasan, pag-asa, pag-ahon, patungo sa liwanag ngunit dala pa nila ay kabalintunaan ... tuluyan nang nabalot ang ating Inang Bayan ng higit pa sa kadiliman Halina't sumanib sa aming mga katawan ito na ang panibagong pakikipaglaban armas ang inyong kagitingan at kadakilaan Ako? Wala akong ibang alam kundi gamitin ang aking utak at pakikiramdam; Lakas-loob na makikipagbakbakan gamit ang mga katagang sigaw ay himagsikan
Kapwa Pilipino, wag na tayong magmaang-maangan pa; dumilat sa katotohanan! hanggang kailan natin ipagdiriwang ang kamalian? Kailan ba magigising ang lahat sa isang masamang panaginip na tayo rin naman ang lumikha?
Makialam! Magsalita! Hindi lahat nang sabihin nila ay tama Ang pumiling hindi makialam Kailanma'y di magdudulot ng kapayapaan sa halip ito’y higit na malaking kasalanan Turuan ang sarili na mahalin ang Inang Bayan hindi ang mga namumuno na nasa maling daan mga taong dahilan ng ating di pag-uunawaan Nasaan ang pag-ibig sa tinubuang lupa na walang iba ay hihigit pa? Wala na nga, wala! Kalayaan, o kalayaan darating kaya ang araw na ika’y tunay na masisilayan? 06.04.20 Pilipinas Kong Mahal © 2020 xianah |
StatsAuthor
|