Isang Guro, Isang Nanay
Ni Joshua Aguila
Isang Guro, Isang Nanay
Anumang tawagin mo,
siya pa rin iyon
nanay na, mabuting tagapag-turo pa
Magaling sa kanyang propesyon, magaling mag-alaga
ng mga anak sa sariling pamilya,
mga ina-anakan niya sa eskwela
siya talaga ang pinakamagaling sa lahat
Oo na pasaway kami, pero nagagawa niyang kontrolin
ang kanyang galit at pasensya
may kasalanan kaming nagawa, naaayos din
Siya nga ang tunay na mapag-aruga
Iilang buwan na lang, maghihiwalay na
kahit na hindi na namin makikita ang isa't-isa
patuloy pa rin ang kasiyahan
Ang buhay ay sadyang ganyan.
Isang guro, isang nanay
lahat na nasabi ay nasbi na
ano pa ang igaganti sa kanyang kabutihan
mahal kong Guro, mahal kong pangalawang nanay