About Noli Me Tangere:�Ang Pamahalaan ay sangkap lamang ng Simbahan�

About Noli Me Tangere:�Ang Pamahalaan ay sangkap lamang ng Simbahan�

A Story by wala_lang
"

My made speech for speaking activity in my FIlipino class...

"

“Ang Pamahalaan ay sangkap lamang ng Simbahan”

 

 

Pinaniniwalaan natin na ang pamahalaan at simbahan ay dapat magkahiwalay sa isang bansa, ayon sa saligang batas sa kasalukuyang panahon. Ngunit, bakit nakialam ang simbahan sa gobyerno noong panahon ng Noli Me Tangere?

 

                Sinasabi ni Pilosopo Tasyo na ang pamahalaan ay kasangkapan lamang ng simbahan. Nasabi niya ito dahil mas malakas ang kapangyarihan ng simbahan kaysa sa pamahalaan noong panahong iyon. Nadagdag rin niya na ang pamahalaan ay naniniwala na kaya siya ay natatag sapagkat nakasandig siya sa pader ng kumbento at babagsak kapag siya’y iniwan. Isa lamang ang ibig sabihin nito. Na ang pamahalaan ay walang magawa buhat ng opinyon ng Simbahang Katoliko at ang kanyang kapangyarihan ng baliktarin ang ano mang plano ng gobyerno upang maisaaaoys ang bayan.

 

                Sa totoong buhay, hindi na natin nakikita itong klase ng pangyayari. Ito ay dahil sa dating pahayag ng Santa Iglesia na naging sakim sila sa panahon ng pananakop. At naisabatas ng mga bansa na magkahiwalay ang estado at simbahan. Dahil dito, naisakatuparan ng gobyerno ang kanilang mga plano para sa bansa. Nakatulong rin ang simbahan, sa pagpapalawak ng espiritwalidad ng mga indibidwal.

 

                Sa kalahatan, may mga magagandang at masasamang epekto ang pagsasama ng simbahan at estado. Tulad na lang para maibalanse ang pagiging maka-Diyos at at makatao, at masama naman kung umabuso sa kapangyarihan ang kahit isa sa kanila. Halimbawa na ang ating bayan, ang Pilipinas. Isang Kristiyanong bansa sa Asya, ay dati magkasama ang dalawa, ngayon ay magkahiwalay. Oo nga na may mga batas ang gobyerno na sinasalungat ng simbahan, ngunit hindi magkaintindihan dahil ‘di naman sila nagbibigay  na kanilang panig. Ang dapat nilang gawin ay magkaintindihan at hingin at desisyon ng nasasakupan para maipakita ang pagiging demokratiko, malaya at pagkaayos ng bansa.

© 2009 wala_lang


Author's Note

wala_lang
don't read if you can;t understand Filipino

My Review

Would you like to review this Story?
Login | Register




Reviews

Will you post the Enlgish version? I had a poem translated to Filipino once here by a WritersCafe member... its on my profile I think...

Posted 15 Years Ago



Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

18547 Views
1 Review
Added on January 23, 2009

Author

wala_lang
wala_lang

Marikina, Philippines



About
I am just a mere mortal living with you people,and I am just a person living in such a small world,I am a person of Just and Justice,I am Fair,and kind to people like me,and if you will anger me,you w.. more..

Writing