Angel's Feathers : Mystery

Angel's Feathers : Mystery

A Story by 박신혜

Prelude: City of    ngels

N

oong unang panahon bago pa man dumating sa mundo ang nagkatawang taong anak ng Diyos pinaniniwalaang and mundo ay hindi lamang tahanan ng iba’t ibang uri nang nilalang na nilikha ng Diyos, Kundi isa rin itong tahanan ng mga anghel ng Diyos. Ang anghel ay mga  nilalang na nabubuhay nang payapa at masaya. Sila din ang inatasan ng Diyos na bantayan ang mga tao mula sa kapahamakan at ialayo sila sa panganib. Ayon sa kasaysahan ng mundo at sa pagsisimula nito nilikha ng Diyos ang Garden ng Eden para gawing tahanan ng mga tao. Ngunit dahil sinuway ng tao ang utos ng Diyos sila ay pinalayas sa harden at namuhay ng malayo sa kasaganahan. Bukod sa Harden ng Eden May isa pang lugar na nilikha ang Diyos. Ito ay ang natatanging tahanan ng mga anghel, masasabing isang paraiso. Sinasabing ang lugar na ito ay kilala sa tawag na Amathea. The City of Angels.

  

            Sinasabing ang Amathea ay ang perpektong paraiso na nilikha ng Diyos. Dito rin na nanatili ang mga kaluluwa ng mga taong namayapa na.

            Ang mga anghel ay mga bantay na inatasan ng Diyos para bantayan ang mga tao. Sa kabila ng nagawa nilang kasalanan. Hindi tuluyang tinalikuran ng Diyos ang mga tao. Ipinadala niya ang mga anghel bilang lihim ba gabay ng mga tao.Subalit sa kabila ng kasayahan at kapayapaan na tinatamasa ng mga nakatira doon ilan sa mga anghel ay hindi na masaya at sang-ayon sa kanilang ginagawa. Iniisip nila na superior sila mula sa mga mortal, ngunit bakit ang tanging ginagawa lang nila ay ang bantayan ang mga tao. Isa sa mga nagpahayag ng kanyang saloobin ay si Lucifer. Si Lucifer ay isa mga mga anghel na Diyos at pinaniniwalaang may mataas na tungkulin. Isa rin siyang matalinong anghel. Naniniwala si Lucifer na sapat na ang kakayahan niya para maging kanang kamay ng Diyos at hindi lang basta bantay at taga paghatid ng mensahe ng Diyos.  Mataas ang tingin ni Lucifer sa sarili niya, dahil doon labis siyang naging mapagmataas at mapaghangad. Ninais niyang maging kapantay ng Diyos.

            Minsan, hiniling niya sa Diyos na sa halip na ang anak ang ipadala nito sa lupa, siya na lamang, malaki ang paniniwala niya na kaya niyang gampanan ang misyon at iligtas ang mga tao na noon ay nalulubog na sa labis na kasamaan. Bukod doon naniniwala siya na siya lang ang may kakayahan upang maging  kanan kamay ng Diyos ama.

S

 

inasabing sa langit puno ng katahimikan. Ang mga anghel ng diyos ay parating Masaya. Sa buong paligid tawa iyong maririnig. Lahat masaya at walang iniaalalang problema. Ito ang gusto ng Diyos Ama. Ang maging masaya ang lahat.

            Ang mga nilalang sa langit ay may iba-t ibang tungkulin. Ang mga ang anghel, ang mga mensahero ng diyos ang nag-uugnay sa tao at sa Diyos. Sila rin ang inatasan ng Diyos upang bantayan ang mga tao. Meron din mga Arkanghel. Sila ay  bahagi sa konseho ng Diyos. Ang pinakamataas sa mga anghel. Ang pinuno sa kanila ay si Michael. Naroon din si Gabriel ang mensahero. Si Raphael ang magagamot at si Uriel ang liwanag ng tumatanglaw. Bukod sa kanilang apat may isa pang pinakamataas na anghel.

Si Lucifer. ay isang kalahok sa konseho sa langit. Siya ay itinuturing bilang isang "Anak ng umaga" at "nasa kapangyarihan, sa harapan ng Diyos.”

Nang ang plano ng kaligtasan ay iniharap sa konseho ng langit. Ipinaliwanag ng Diyos Ama na kailangan ng isang nilalang upang isakatuparan ang pagbabalik sa Kanya ng kanyang mga anak pagkatapos ng kanilang karanasan sa mundo. Lahat ng mga anak ng Diyos ay magkakaroon ng kasalanan habang sila ay nasa mundo. Nais ng Diyos ama na iligtas ang kanyang pinakamamahal na mga nilikha mula sa kasalanan. Ang Plano ng Diyos mula sa simula ay ang ipadala ang kanyang nag-iisang anak sa mundo upang tubusin ang mga tao mula sa kasalanan.

Hindi na gustuhan ni Lucifer ang naging plano ng Diyos Ama. Parasa kanya siya parin ang nararapat na ipadala sa lupa para iligtas ang mga tao. Lumikha siya ng ibang plano mula sa orihinal na plano ng Diyos ama. Nais niyang siya ang ipadala ng Diyos ama sa lupa at angkinin ang Papel ni Kristo bilang tagapagligtas. Ipinangako ni Lucifer na kapag binigyan siya ng ganitong pagkakataon ng Diyos ama tinitiyak niyang maliligtas ang mga tao. Ngunit hindi siya pinagbigyan ng Diyos ama. Labis naman itong dimandam ni Lucifer.

“Bakit? Hindi ko pa ba napapatunayan ang aking sarili. Alam ng lahat ng mga anghel ang taglay kong talino at galing?” Inis na wika ni Lucifer sa harap ng kanyang mga kasamahang anghel.

“Bakit ka nagagalit, Lucifer? Isang malaking responsibilidad ang nais mong angkinin. Tiyak ka ba kaya mo?” Wika ng isang anghel.

“Bakit? Ito na lamang ba ang gusto mo? Ang maging sunod-sunoran? Ako hindi!” wika nito.

“Anong binabalak mo?” Tanong nito.

Nag lunsad ng pag-aalsa si Lucifer laban sa Diyos. Kasama niya ang mg anghel na naniniwala sa kanyang mga pinaglalaban. Nais patunayan ni Lucifer na kaya niyang pilitin ang mga tao na sumunod sa mga utos o pwersahin sila na tanggapin siya bilang kanilang tagapagligtas. Naniniwala siya na mas karapat-dapat siya na hiranging tagapagligtas.

S

inalakay ni Lucifer sampu ng kanyang mga tauhan ang tahanan ng Diyos. Ngunit naroon ang hukbo ni Michael. Naganap nga ang digmaan sa pagitan ng mabubuting anghel at mga anghel ni Lucifer. Ngunit kahit kalian ay hindi maaring magtagumpay ang masama laban sa kabutihan. Si Lucifer at mga kampon niya ay natalo at inihulog sa lupa at sa walang hanggang apoy. Kung saan habang buhay silang magdurusa.

Si Michael ang matapang na Anghel ay nilabanan si Lucifer. Naglaban ang kanilang mga kapangyarihan. Ngunit walang nagawa si Lucifer laban sa kapangyarihan ni Michael.

 

Muling nabalik ang kapayapaan sa mundo dahil sa pagkatalo ni Lucifer at nang mga rebeldeng anghel. Ngunit dahil sa pagkatalo ding iyon lalong naghangad si Lucifer hindi lang ang maging kanang kamay ng Diyos kundi ang angkinin ang mundo.


EPISODE ONE



A

 

ngel of God my Guardian dear to whom Gods love commits me here ever this night be at my side to light and guard to role and guide .. Amen. Ang mataimtim na panalangin ng isang bata habang nakaluhod sa ibaba ng kanyang kama. Ito ang aktong inabutan ng kanyang Lola. Napangiti ito at tahimik na pumasok sa silid ng bata.

            “ Lola!” masiglang wika ng bata ng makatayo na.

            “ Nais  sana kitang kwentuhan. Ngunit batid kung matutulog kana.” Nakangiting wika nito.

            “Kanina ko pa po kayo hinihintay. Gusto kung marinig ng mga kwento ninyo  tungkol sa mga anghel.”

            “Bukas na lang Aya, matulog ka na.” Anito.

            “Sige na po Lola. Gusto ko talagang makining sa mga kwento ninyo.” Pagsusumamo ng bata.

            “Gusto ko ring makinig.” Wika ng batang lalaki na bigla dumating at nakatayo sa labas ng pinto may dala itong unan. Ito ang nakakatandang kapatid ni Aya si Eugene.

            “Halika Eugene.” Wika ng matanda at naupo sa gilid ng kama. Nagmamadali namang pumasok sa kwarto ang batang lalaki at nahiga sa tabi ni Aya.

            “Ang kwento natin ngayon ay tungkol sa Digmaan sa langit.”Wika ng matandang babae.

            “Digmaan sa langit? Meron ba noon? May gamit din ba silang mga kanyon?” Ani Eugene. Payak na tumawa ang matanda sa itinuran ng apo.

            “Bakit ka natatawa lola?” Tanong ni Aya.

            “Apo, walang kanyon sa langit. Ang langit ay ang pinakapayapang lugar na mapupuntahan nating mga mortal. Doon walang kalungkutan. Walang iiyak. Walang magugutom. Lahat ng maririnig mo ay puro tawa at halakhak.” Wika ng matanda.

            “Pero bakit may digmaan?” Tanong ni Aya.

            “Nagsimula ang digmaan dahil sa isang ganid na anghel. Lucifer, Iyon ang kanyang pangalan.” Pag-uumpisa ng matanda sa kanyang kwento. Matama namang nakikinig ang dalawang bata sa sinasabi ng matanda. Naaliw ang dalawang bata sa pakikinig sa kwento nang abuela nila.

            “Lola ako po kaya may anghel na nag babantay? Sabi niyo, nilikha ang mga anghel para bantayan ang mga tao araw-araw naman akong nagdadasal pero bakit hindi tinutupad ni Jesus and wish ko.” Wika ni Aya matapos mag kwento ang lola niya.

            “Naku wala ka namang ibang hiniling kundi sana bukas magluto uilit si mommy ng masarap na pancake.” Wika ni Eugene sa bunsong kapatid at pinisil ang ilong.

            “Hindi no, parati kung pinagdarasal na sana bantayan niya si daddy, sabi ko nga okay lang na di niya ako bantayan basta si daddy parati niyang gabayan araw-araw siyang nagtatrabaho” sagot naman ni Aya.

            Hindi alam ng tatlo na nasa pinto ang mag aswang Harry at Lucy at nakikinig sa pinaguusapan ng tatlo.  Napapangiti lang ang dalawa habang nakikitang nagkakasundo ang tatlo.

“Lola! Gusto kung maging si Michael para maipagtanggol ko kayo nina mama, si papa at si Aya.” Wika ni Eugene.

“Aba OO naman. Magagawa mo iyon Eugene basta magtiwala ka lang sa sarili mong kakayahan at manalig ka sa Diyos. At dapat mangibabaw ang kabutihan sa puso mo. Ang kagustuhang ipagtanggol at protektahan ang mga taong mahal mo ang siyang pinakamalakas na sandata sa mundo.” Anang matanda at hinimas ang ulo ng batang lalaki.

“Simula ngayon si Michael na ang anghel ko.” Ani Eugene.

“Ako si Gabriel parin. Para ihatid niya kay Papa Jesus ang mensahe ko. Gusto ko sabihin niya kay papa Jesus na lagi niyang bantayan. Si lola, Si mommy si Daddy at kuya Eugene.” Wika ni Aya.

“Siya sige, Matulog na kayo. Ayaw ng anghel ninyo na napupuyat kayo. May pasok pa bukas.” Anang matanda.

“Good night lola.” Wika ni Eugene at Aya. Isang masuyong halik sa noo ang ginawad ng matanda bago patayin ang ilaw at tahimik na lumabas sa silid. Nakangiti ito bago isara pinto. Nadatnan niya sa labas ng pinto ang mag asawa.

“Tulog na sila.” Masayang wika ng matanda sa mag-asawa.

“Salamat po.” Wika ni Lucy sa ina niya.

“Kelan niyo balak puntahan ang ina mo Harry. Malaki na ang mga anak mo, sapalagay ko naman hindi na pareho ang galit nila sa inyo.” Wika ni Dolores at bumaling kay Eugene.

“Naghahanap lang ako ng magandang pagkakataon.” Sagot ni Harry.

“Kelan naman iyon? Pitong taon na mula nang umalis ka sa bahay niyo. Wala naman sigurong magulang na matitiis ang anak nila. Kahit anong galit ang nararamdamn nila para saiyo, ang katotohanang anak ka nila hindi maalis iyon. Isa pa lumalaki na ang mga anak mo. dapat naman sigurong ipaalam mosa kanila kahit ang bagay na iyon. Bukod doon mababait ang mga anak mo. tiyak na magguustuhan sila nang ina mo.”

“Tatandaan ko po ang sinabi niyo” ani Harry at sinundan nang tingin ang papalayong biyanan. Ngumiti naman si Lucy sa asawa at hinawakan ang kamay nito.

L

Ang sekreto sa likod ng digmaan sa langit.

ingid  sa kaalaman ng marami may mga naganap sa digmaang iyon na hindi naisulat sa kasaysayan. Iyon ay ang kwento ng anghel na si Achellion. Ang naging kanang kamay at matalik na kaibigan ni Lucifer. Isa si Achellion sa mga tapat na naglilingkod sa Diyos. Hindi siya kasing husay at talino o kasing espesyal tulad nina Lucifer ngunit matatag ang pananampalataya niya at tiwala sa Diyos. Tutol siya sa nais mangyari ni Lucifer. Alam niyang nabubulagan lamang ang kaibigan dahil sa labis na galit at selos. Ginawa niya ang lahat upang pigilan ito sa nais gawing digmaan laban sa Diyos. Ngunit hindi parin niya nabago ang pasya ni Lucifer.

            Hindi nais ni Achellion na kalabanin ang isang matalik na kaibigan subalit kailangan niyang manindigan para sa tama. Nais din niyang ituwid ang baluktot nitong paniniwala.

            Sinimulan ni Lucifer ang digmaan niya laban sa Diyos. Isa-isa niyang sinalakay ang ibang mga anghel.

            “Achellion!” Gulat na wika ni Lucifer ng makita ang kaibigan na ipinagtatanggol ang ibang mga anghel.

“Itigil mo na ang walang kwentang digmaang ito Lucifer.” Wika nito.

“Ganoon pala, Sa bandang huli isinuko mo ang pagkakaibigan natin. Bakit? Dahil ba hanggang ngayon isa ka ring hamak na sundalong anghel? Aha! Alam ko na, kaya ka pumapanig sa Kanya dahil nais mo akong palitan sa Pwesto ko.” Wika ni Lucifer.

“Nagkakamali ka! Hindi ako mapaghangad na gaya mo! Lumalaban ako sa kung ano ang tama. Walang saysay ang digmaang ito Lucifer. Magagapi ka lamang. Bakit hindi ka humingi ng tawad sa Diyos. Tiyak kong patatawarin ka niya.” Anito.

“Manahimik ka! Wala akong balak makinig sa isang traidor na kaibigan. Ngayon na alam ko na kung saan ka panig. Ipagpaumanhin mo. Dahil hindi kita hahayaang mabuhay.” Wika nito at inatake si Achellion. Habang patuloy ang labanan bigla namang dumating ang mga Arkanghel kasama ang hukbo ng mga Anghel.

Sina Michael ang lumaban sa hukbo ni Lucifer. Nagkaroon din ng dwelo sa pagitan ni Michael at Lucifer.

Naging matagal ang laban ng hukbo nina Michael at hukbo ni Lucifer.  Maraming anghel ang nasawi sa digmaang iyon. Sa huli, kabutihan parin ang nanaig. Nang matalo ni Michael ang hukbo ni Lucifer, Inihulog sila sa walang hanggang apoy ng impyerno doon habang panahon sila magdudusa at makukulong sa walang kamatayang apoy. Sa digmaan ring iyon may mga anghel na nahulog sa lupa. Nawalan ng pakpak at nagmistulang mga ligaw na kaluluwa na hindi alam kung saan pupunta. Habang panahon silang mananatili sa mundo at maglalakbay sa ibat-ibang panahon. At dahil ang mga anghel na nahulog sa lupa ay mga rebelding anghel. Kinakailangan nilang mahuli ang mga ito at maipadala sa impyerno bago pa sila maghasik ng kasamaan sa mundo.

Napiling ipadala sa Lupa si Achellion, dahil na rin sa kanyang ipinakitang katapatan at katapangan. Ibinigay sa kanya ang isang misyon upang Hanapin lahat ng mga fallen angel at maibalik sa impyerno. Ngunit sa kanyang patugis sa mga fallen angel, hindi na nakabalik sa langit ang anghel.  Sa laban niya sa mga fallen angel, napahamak si Achellion ay nagapi, lubhang nasugatan ang anghel at nawalan ng alaala nabali din ang pakpak niya na naging sanhi upang mawala ang alaala nito at maging mortal ang katawan nito.

Ilang taon na nanatili si Achellion sa lupa. Ngunit sa lahat ng mga nilalang na nakita niya ang batang si Aya ang tanging nakakuha ng kanyang atensyon. Masayahin ang bata, inosente sa lahat ng bagay sa paligid niya. Parating may ngiti sa mga labi kahit na nasasaktan mula sa mga pambubully ng ibang mga kaklase. Hindi nito ipinapakita ang malungkot na mukha sa iba. Parati niyang sinusundan ang batang babae. Ang parating kasama nito ay ang high school student na kuya nito. Nakikita niyang Masaya ang batang babae na kasama ang kuya niya. Parati silang nagkukulitan. Walong taon ang tanda ni Eugene sa kapatid na si Aya. At dahil mas bata ng walong taon si Aya talaga namang prenoprotektahan ni Eugene ang kapatid.

Sa lahat ng ng mga nilalang sa lupa si Aya ang tanging nakakakita sa kanya at nakakausap niya. Hindi niya alam kung paano nangyari pero nakikita siya ni Aya. Minsang naupo siya sa tabi nito sa swing ng school ni Aya. Umiiyak ito at nag-iisa matapos mabully nang mga kaklase niya. Ito ang ginagawa ni Aya tuwing nalulungkot. Nakupo sa swing at iiyak ng ilang minuto mayamaya ay limot na nito ang nang yari  at patatawarin ang mga kaklase.

Tahimik niyang tinitingnan si Aya nang bigla siyang kinausap nito.

“Sabi ni lola, kapag mabait ka babantayan ka nang anghel para hindi ka daw iiyak. Bakit ganoon? Parati nila akong inaaway pero hindi naman ako pinagtatanggol nang anghel ko. Say mister, naniniwala ka ba sa anghel? ” nabigla siya at hindi alam kung ano ang sasbihin. Paanong ang isang ordinaryong bata ay nakikita siya.

“AYA!” biglang tumayo ang batang babae nang marinig ang boses ng kuya niya na tinatawag siya. Nakikita din niya ito sa di kalayuan.

“Hey mister, pwede bang huwag mong sabihin kay kuya na umiyak ako. Alam mo kasi magaglit na naman iyon kapag nalaman na wala na naman akong ginawa sa mga bully na iyon.” Anito sa kanya. “Heto saiyo na lang, hindi naman sa sinusuholan kita, isipin mo nalang na regalo mo dahil nakikinig ka sakin.” Dagdag pa nito at iniabbot sa kanya ang isang Candy. Nakatingin lang si Achellion sa kamay ng bata. Nang hindi niya ito inabot. Kinuha ni Aya ang kamay niya at inilagay doon ang candy.

“Paalam!” masayang wika ni Aya sa kanya habang tumatakbo ito at kumakaway sa kanya.

Inihatid lang niya nang tingin ang batang babae. Ito ang unang beses na nakatanggap siya ng isang regalo mula sa mortal ito rin ang unang beses na nakita siya nang isang mortal. Hindi niya alam kung anong meron sa bata at nagagawa siya nitong Makita at makausap.

© 2016 박신혜


My Review

Would you like to review this Story?
Login | Register




Reviews

Very well written. You did a fantastic job.

Posted 8 Years Ago



Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

236 Views
1 Review
Rating
Added on April 4, 2016
Last Updated on April 4, 2016
Tags: Chapter 1