PLAYING COURTA Poem by Jude-CipherA once sweet love went to cheating!Playing Court -Jude_Cipher- Aanhin ko pa ang mga mata kong malabo na Ni sa mga bagay na nasa harapan ko na’y Diko parin makita Di ko makitang nasa harapan kita Habang may kasama kang iba Talaga bang ako’y bulag? O nagbubulag bulagan para lang manatili ka? Aanhin ko pa ang bibig ko Kung hindi naman nito nasasabi Ang totoong sakit sa loob ko Ang nagagawa lang nito ay Ang ipagtanggol kita sa kanila Kahit kitang kita na Na ang ipinapagtanggol ko Ay mali talaga At tanging mabibigkas nito ay “Okey lang!” pag nag so sorry ka! At aanhin ko pa ang mga kamay ko? Kung ito’y namamaga na sa kakakapit Sa mga kamay mong Pinipilit akong bitawan Para tuluyang mahulog at Nang iyong mapalitan! Aanhin ko pa nga ba ang mga paa ko? Kung ang mga ito’y nanghihina na Dahil sa katatakbo patungo sayo Habang ikaw nama’y Palayo ng palayo Aanhin ko pa ang isip ko Kung puro kamangmangan ko lang Ang pinapairal ko Ano nga ba ang halaga nito Kung puro ikaw lang ang Nasa loob nito Habang siya naman ang iniisip mo Aanhin ko pa ba naman ang puso ko Ang puso kung minsay patay na patay sayo At araw araw,ito’y binubuhay mo Para na kasi itong playing court, Dati dito mo ako napanalonan Dito rin tayo nagkasiyahan Pero ngayon,may pinasali ka kasing iba eh Dito nyo ako pinaglaruan Dito niyo ako pinag isahan Naglalaro ka nga ba? O nangdadaya ka? Lumaban akong mag isa Kahit walang kasiguraduhang Mapanalohan ka Kahit mga pandadaya niyoy Diko na nasilayan at namalayan Dahil ang galing niyo kasing maglaro Pero pinilit parin kitang ipaglaban Ngunit paano nga ba naman kita maipapanalo Kung ikaw mismo tumutulong sa kanya Na para ako’y matalo Yun na nga dito mo ako isinuko Dito ako nabobo Pero alam mo?dito rin ako natoto! © 2019 Jude-Cipher |
Stats
83 Views
Added on March 5, 2019 Last Updated on March 5, 2019 AuthorJude-CipherPhilippinesAboutCurrently studying with Certificate in Computer Technology as my course.Born on August 2000 in Samar,Philippines.I love writing so much and I believe it is my voice and my feelings. more..Writing
|