para kay DADDYA Poem by sheitwhatyouwantI made this poem last year.. i miss my dad soooooo much! :( para kay DADDY by Shei Sansano on Saturday, June 18, 2011 at 11:01pmngayong araw ng mga
ama kahit ika'y wala na nais ko paring iaalay sa iyo itong aking
munting tula sa mga panahong ika'y
aking nakasama sa mga araw na madalas
kang wala ni minsan di kita
nakalimutan sa puso ko'y ikaw ang
siyang nangunguna natatandaan ko pa
daddy ang mga oras na ako'y
iyong sinusutil kay hilig mong ako'y
kurot kurutin saba'y sabing
"dalaga na ang anak kong giliw" hinding hindi ko
malilimutan ang mga oras na sa
aki'y nais mong makipagkwentuhan buhay pag-ibig ko'y
lagi mong nais malaman "sino ba ang
lalaki sa aki'y pumapangalawa" ang lagi mong bungad. O ka'y bilis nga ng
panahon daddy ngayo'y wala ka na sa
aking tabi tanging ang mga
masasayang alaala mo ang siyang sa aki'y
nagpapangiti ngayo'y kapiling mo na
ang Maykapal alam kong ika'y lagi
paring nariyan nawala man ang iyong
katawang lupa ngunit ang kaluluwa
mo'y nanatiling buhay kahit hanggang sa
huli, daddy para sa aki'y ikaw parin ang
nag-iisa kong ama kahit anu pang sabihin
nila "MAHAL NA MAHAL PARIN KITA" MALIGAYANG ARAW NG MGA AMA PARA SA AKING AMANG NAMAYAPA
NA.......... © 2012 sheitwhatyouwantFeatured Review
Reviews
|
Stats
264 Views
1 Review Added on July 28, 2012 Last Updated on July 28, 2012 Author
|