Blikan ang nakaraan

Blikan ang nakaraan

A Poem by saikonolady

 
Gusto kong binabalikan ang nakaraan.
Mga alaalang nakatanim sa akong memorya na may masaya, malungkot at minsan nakakatakot.
Binabalikan ang nakaraan na parang nandun ako at bumalik sa panahon noong bata pa ako.
Bumalik sa panahong makita ko lang ang mga kalaro ko masaya na ako, makakain lang ng spaghetti kahit walang party masaya na'ko.
Makapaglaro sa bahay ng kapitbahay parang nakasakay na ako ng eroplano.
Makasabay sa pagbi-bisikleta ang crush ko para na akong nanalo s lotto.
Masaya ang mga panahong parang nakarating na ng disneyland kapag nakita si Mickey Mouse sa Disney Channel, dinaig ng Famcom ang Xbox, nahiram na manga mula sa kakilalang kalapit-eskwelahan.
Magtakbuhan sa kalsada simula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali, kailangan munang umuwi upang kumain sa tanghali.
Manonood ng tv, maglalaro ng pitik-bulag, siyesta, merienda at balik sa labas kasama ang barkada upang makapaglarong muli.
Alas-sais na at kailangang umuwi, sabik sa panibagong kinabukasan dahil makakapaglarong muli.
May away, may pikunan ngunit hindi tumatagal dahil takot mawalan ng kalaro, ng makakatawanan at makakasabay sa pagligo sa ulan.
Masarap balikan ang nakaraan, para kang nag-time travel ng walang gastusan.
Hndi mo alam kung saan nagsipuntahan o kung ano ang kanilang buhay makalipas ang ilang taon.
Masarap balikan ang nakaraan
Nakakaaliw, nakakatuwa, nakakalungkot at nakakatakot.

© 2016 saikonolady


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

76 Views
Added on July 2, 2016
Last Updated on July 2, 2016