SupernaturalA Stage Play by saikonoladySupernatural Aswang, kaluluwang ligaw, mga nuno, demonyo, sundo sa sobrang dami hindi ko na matandaan pa ang iba. Naniniwala ako na nbubuhay sila rito, araw-araw nakikita at nakakausap ko pa sila. Nakakatabi o nakakasabay sa bus, tren at airplane. Yung aswang walang pinipiling oras o panahon basta may makitang bibiktimahin. Yung kaluluwang ligaw nangunguha ng spirituwal ng isang indibidwal n may kapareho nya ng sitwasyon. May isang nuno na nakaupo lang at nagbabantay ng kanyang ari-arian at nagalit ng makitang hindi iginalang ang harapan ng kanyang lupain. Demonyo ang marami, sa bawat araw makikita o mririnig mo na may nabiktima sila at kung ano-anong mga reklamo laban sa knila. Isang beses napansin kong sumilip ang isang sundo, hindi ako sumama kahit na nawalan ako ng malay at akala ko'y isa na akong patay. Nagising na lang ako na parang walang nangyari. Iisipin mong isang panaginip, bangungot kung sa sobrang dilim ngunit hindi lamang ako ang nakaranas ng mga ganun. Lahat tayo may mga nakasama, nakausap at naging kaibigang asawang o anumang kakaibang mga uri nila minsan nagiging katulad rin natin sila.
© 2016 saikonolady |
Stats
95 Views
Added on July 2, 2016 Last Updated on July 2, 2016 Author
|