TAKOT MAG-ISAA Poem by saikonoladyayokong naiiwanang mag-isa sa bahay, sa mall, bumiyahe, sa cafeteria, kht sa silid-tulugan. takot ako maiwan mag-isa, takot akong walang nakikitang kakilala. ayokong panay katahimikan sa aking kapaligiran at ayoko sa kadiliman na walang kasiguruhan na may liwanag na madaratnan. nalulungkot ako sa mga paalamanan. parang wala akong ibang nararamdaman kapag mag-isa lang ako kundi panay kahungkagan. naduduwag ako sa pag-iisa ko. wala akong mayakap sa pagluha ko walang ka-high five kapag masaya ako. hindi masaya kapag mag-isa para kang tanga. tatawa, iiyak, ng mag-isa o di ba parang tanga talaga? sana makilala ko ung takot rin mag-isa para dalawa na kaming labanan ang pag-iisa naming dalawa.
© 2016 saikonolady |
StatsAuthor
|