Chapter 11: The other side of Ella (part 1)

Chapter 11: The other side of Ella (part 1)

A Chapter by rielovella

Si Chun ay nagmadaling pumunta sa bahay ng mga Chen. Pagkarating niya sa bahay ay agad siyang sinalubong ni Ella.

“Alika na!”  binuksan ng driver ang pintuan  ng kotse at pumasok na si Ella.

“Saan po ba tayo pupunta?” tanong ni Chun kay Ella.

“Sa Toy Shoppe.” sagot ni Ella.

Nagtaka si Chun kung bakit doon sila pupunta ni Ella. Sumakay si Chun at umalis na ang kotse.

Pagkalipas ng ilang minute, dumating na sila sa Toy Shoppe. Pagkarating nila doon ay may agad iniutos si Ella kay Chun.

“Kumuha ka ng mga laruan na magugustuhan talaga ng mga bata.” sabi ni Ella habang naghahanap ng mga laruan si Ella.

“Sige po.” pagkatapos ay agad na rin siya naghanap ng mga laruan. Habang tumitigin siya ay may mga laruan na napansin niya ng sobra. Ito ang mga laruan na lagi niyang hinihiling niya noong bata pa siya at tuwing hinahawakan niya ang mga laruan ay parang bumabalik siya sa kanyang pagkabata at gusto rin laruin ito. Pagkatapos ng ilang minuto ay binili na ni Ella ang mga laruan na napili niya at ni Chun. Pagkatapos ay binitbit ni Chun lahat ng mga pinamili at sumakay na uli sa kotse kasama si Ella.

Pinagmasdan ni Chun anng labas at nagulat siya na papunta sila sa isang kakaibang  daanan. Pagkatigil ng kotse ay bumaba si Chun at kinuha ang mga laruan sa likod ng kotse at napansin ang nakasulat sa building na tingilan nila.

“Yin Wei’s Orphanage.” basa ni Chun sa nakasulat. Nang binasa ito

     60

ni Chun ay agad niyang tinanong si Ella.

“Bakit po ba tayo nandito?” tanong ni Chun kay Ella habang nakangiti si Ella sa pagtingin niya sa orphanage.

Kaysa sa sumagot si Ella ay pumasok na lang siya at sinundan naman ni Chun. Pagkapasok ni Ella ay sinalubong siya kaagad ng mga bata.

“Hi Ate Ella!” bati ng isang batang babae.

“Hi Liriel! Kamusta ka na?” sagot ni Ella sa batang babae na nakangiti.

“Ito po, ok naman po.”

“Oh, musta na kayo ni Lei?” tanong ni Ella na pabulong.

“Ok naman po.” ngiti ng bata.

Habang nag-uusap si Ella at ang batang si Liriel ay napansin ng bata si Chun na kasama ni Ella.

“Ate, sino po ba ang lalaki sa likod niyo po? Boyfriend niyo po ba siya?” tanong ni Liriel.

“Yihee! Si Ate may boyfriend na!” natuwa ang mga bata sa kanilang pang-aasar.

Napatingin si Ella kay Chun at napangiti siya.

“Ah! Siya nga pala si Kuya Chun niyo. Siya ang bodyguard ko ngayon.”

“Eh Ate, hindi naman po siya mukhang bodyguard eh.” sabi ng isang bata. “Mamaya niyan, nagsisingulang po kayo.”

Natawa si Chun at tinakpan niya ang kanyang bibig kung sakali na

     61

makita ni Ella ang pagtawa niya.

Piningot ni Ella ang ilong ng bata.

“Ikaw talaga.” sabi ni Ella.

Pagkatapos sabihin ni Ella iyon sa bata ay binigay na ni Chun ang mga laruang binili nila sa toy store sa mga bata.

“Mga bata, ito na ang mga laruang binili ng Ate niyo.” sabi ni Chun at nagkagulo ang mga bata sa harap niya na nag-aagawan sa laruan.

Napatingin si Ella sa magugulong bata at naging masaya siya. Tumingin siya uli kay Chun at ningitian niya ito uli.

“Alika.” sabi ni Chun kay Ella. Pagkalapit ni Ella ay kinausap niya ang mga batang tuwang �"tuwa sa mga laruan.

Si Chun naman ay namimigay pa rin ng mga laruan nang may nakita siya ng dalawang bata na nag-aagawan sa isang kotse. Lumapit siya sa dalawang bata at kinausap ito.

“Oh, anong nangyayari dito?” tanong ni Chun.

“Kasi po eh,” sabay na sinabi ng dalawang bata.

“Inagaw niya po ang laruan ko.” tinuro ang bata na kaagaw niya sa laruan at umiyak.

“Huwag na kayong mag-away.” sabi ni Chun. Ibinigay niya ang laruan sa isang bata.

“Paano naman po ako?” tanong ng bata at umiyak.

Pagka-iyak ng bata ay may parang kinuha si Chun sa likod at pagkalabas ng kanyang kamay ay may isang laruan na kotse na

     62

kamukha ng pinag-aagawan nila.

“Ito oh. Para sa iyo.” binigay ni Chun ang laruan at iniwan muna ang dalawang bata na naglalaro na ng kotse nila. Pagkaiwan ni Chun sa dalawang bata ay lumapit siya kay Ella na mukhang ang saya-saya.

“Masaya talaga ako sobra kapag andito ako at kalaro ang mga batang ito.” sabi ni Ella habang nakatingin sa mga batang masaya na naglalaro. “Tignan mo yung batang iyon,” Tinuro ni Ella si Liriel, ang batang unang bumati sa kanya. “Siya si Liriel. Isa siya sa mga bata dito na tuwang-tuwa kapag andito ako kasi…” tumigil si Ella at may binulong kay Chun. “Kasi, may gusto siya doon oh.” Tinuro niya si Lei, ang crush ni Liriel. “At kapag andito ako, magkukwento siya sa mga nangyari sa nakalipas na araw.” sabi ni Ella at kumuway sa bata na ngumiti sa kanya. Napangiti si Chun sa mga ginagawa ni Ella para sa mga bata.

Chun’ POV

Hindi ko aakalain na isang babaeng mayaman at may pagka-siga ay mahilig din pala sa mga bata.

End of POV

Habang titig na titig si Ella sa mga bata ay may bigla siyang naalala.

“Oo nga pala,” sabi ni Ella. “Alika na cHun at may kailangan pa tayong gawin.”

Bago umalis si Ella ay may binigay siya na pera sa may-ari ng orphanage at pagkatapos ay sumakay na sila sa kotse para makaalis na sila.

Pagkaalis nila ay may isang lalaking naka-itim ang sumulpot sa likod

     63

ng pader ng orphanage.

     64



© 2010 rielovella


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe

Advertise Here
Want to advertise here? Get started for as little as $5

Stats

239 Views
Added on January 25, 2010
Last Updated on January 25, 2010


Author

rielovella
rielovella

Muntinlupa, Philippines



About
I'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..

Writing
Mirror Mirror

A Poem by rielovella