Chapter 10: I hate this life

Chapter 10: I hate this life

A Chapter by rielovella
"

In the last chapter, Arron is alone and Seina visited her. Selina suggested to Arron that she'll live for some days with Arron. With no choice, Arron said yes. And that night, Arron thought of Guigui.

"

Kinabukasan, ginising ni Selina si Arron.

“Arron? Arron?” sabi ni Selina habang tinatapik si Arron sa likod. Pagkatapos ng ilang tapik ay nagising si Arron.

“Wha?!” sabi ni Arron. Nabigla siya at umaga na.

“Anong oras na?” tanong ni Arron.

Tumingin si Selina sa kanyang relo at Sinagot si Arron. “10 na.”

“Ano?!” gulat na sinabi ni Arron. “Late na ako!” kinabahan bigla si Arron dahil baka hindi siya pagtrabahuhin kapag nalaman na late siya. Nagmadaling nagpalit ng damit si Arron at bago siya umalis ay nagpaalam siya kay Selina.

“Bye Sel.” sabi ni Arron at nagmadaling umalis.

“Bye.” kumaway si Selina kay Arron.

Pagkarating ni Arron sa talyer ay galit na galit ang kanyang boss.

“Late ka nanaman Arron.” sabi ng boss.

“Sorry po boss, na-late lang po ako sa gising ko.” humihingi siya ng tawad.

“Gagawa ka pa ng rason mo?” galit na sinabi ng boss ni Arron. “Kaya ngayong araw na ito ay hindi ka muna magtatrabaho.”

“Pero boss, kahit anong araw niyo po ako huwag pagtrabahuhin. Basta huwag lang po ngayon.” nagmamakaawa na sinabi ni Arron.

“Sana naisip mo yan bago ka na-late.UMALIS KA NA!” Sigaw ng boss at sinara ng malakas ang pintuan.

     54

“Aaaaaaahhhhh!” napasigaw si Arron sa galit.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

“15 NTD po.” sabi ni Selina sa kanyang customer. Kumuha ng pera sa bulsa ang customer at binigay ito kay Selina. “Salamat po!” ngiti ni Selina at umalis na ang customer.

Pagkalabas ng customer ay may pumasok na lalaki. Ang lalaking pala na iyon ay si Arron. Pagkapasok ni Arron ay nakita siya ni Selina. Napa-upo si Arron sa upuan at napalumbaba siya sa mesa.

“Oh, bakit andito ka at mukhang malungkot ka?” tanong ni Selina kay Arron at lumapit siya.

“Eh kasi, late na ako nakapasok at hindi ako pinagtrabaho ng boss namin.” galit na sinabi ni Arron at napabuntong-hininga siya.

“Kaysa sa pagtatampo mo diyan na walang mangyayari, tulungan mo na lang ako sa pag-aayos.” tinuri ni Selina nag isang rack ng damit na magulong-magulo.

Dahil sa wala rin naman talagang ginagawa si Arron ay sinunod naman niya si Selina. Habang nag-aayos sila ng mga damit, may isang lalaki uli ang pumasok na naka-tuxedo. Napatingin si Selina sa lalaki.

“Ano po ba Kailangan niyo?” tanong ni Selina.

Napangiti ang lalaki at sinabi “Meron po ba kayong dress at boxers sa aking dalawang best friend.” sabi ng lalaki.

Nakilala ni Selina ang boses at paano nagsalita ang lalaki.

“Wait! Ikaw si…” Naputol ang sinabi ni Selina nang tinanggal ng lalaki ang kanyang shades.

     55

”Chun?!” tanong ni Selina.

“Syempre! Sino pa ba?” ngiti ni Chun.

Napatalon sa saya si Selina at nilapitan si Chun para yakapin ito.

Habang yakap ni Chun si Selina ay tinatawag niya si Arron.

”Arron! Arron!”

“Si Chun nandito?” tanong ni Arron.

Nang narinig ni Arron ang sinabi ni Selina ay agad niyang tinignan kug sino at pagkakita niya ay niyakap niya rin si Chun ng parang magkapatid na lalaki at tinapik nito ang likod ni Chun.

“Oh musta na bro sa trabaho?” sinabi ni Arron nang tinigil niya ang pagyakap kay Chun.

“Ito, ok lang naman.”

“Mukha nga eh.” ngiti ni Selina habang naka-sandal(lean) siya sa balikat ni Chun.

“Oo nga pala,” may biglang naalala si Arron. “Maganda ba yung boss mo?” tanong ni Arron na nakangisi.

“Natatandaan mo pa ba ang babaeng tumawag sa iyo ng guard at pinagkamalan ako na magnanakaw?” tanong ni Chun.

“Oo. Siya ba?”

Napangiti na lang si Chun na ibig sabihin ay ‘oo’.

“Wow! Mataas ang sweldo mo tapos instant CHICK pa.” ngumiti si Arron. “Ano pangalan niya?”

“Ella Chen pangalan niya.” sabi ni Chun. ”Ikaw talaga.” ginulo niya

     56

ang buhok ni Arron.

 “Teka lang,” napaisip si Chun. “Bakit ka andito? Eh di ba may trabaho dapat ikaw?”

“Eh kasi…” biglang tumahimik si Arron at nagkamot ng ulo. “Late ako nagising.” mahina na sinabi ni Arron.

“Sabi ko na nga ba eh.”

Natahimik uli si Arron sa sinabi ni Chun. Habang tahimik ang paligid, napansin ni Arron kung gaano ka-pormal ang kanyang best friend.

“Ang pormal mo ngayon ah.” sabi ni Arron habang tinitignan si Chun.

“Talaga?” umikot si Chun para ipakita ng itsura ng buong tuxedo.

“Paano mo nakuha iyan?” tanong ni Arron.

“Binilhan ako ni Miss Ella.”

Habang nag-uusap ang dalawang magkaibigan ay si Selina ay tingin ng tingin kung saan saan na parang may hinahanap. Napansin ni Chun ang lumilipad na isip ni Selina at tinanong ito.

“Anong mayroon?” napalingon din siya sa kung saan saan para makita kung ano nga ba tinitignan ni Selina.

“Ah wala. Hinahanap ko lang sila Angela at Rainie. Nagtataka kasi ako kung bakit wala pa sila pero mabuti na iyon para makapag-usap tayong tatlo ng mas maayos.” sabi ni Selina at napabuntong hininga siya.

Noong nag-uusap silang tatlo ay may biglang yumakap kay Arron. Paglingon ni Arron sa kanyang likod ay si Angela pala iyon.

     57

“Anong nangyari at ako ang niyayakap mo?” tanong ni Arron.

“Ay!” biglang bumitaw si Angela sa pagkakayakap. “Akala ko naman si Kuya Chun. Kaya naman pala mabaho ang buhok eh.” asar ni Angela.

“Ako pa ngayon ang mabaho ah. Eh ikaw? Ano tingin mo sa sarili mo? Ma…” Naputol ang sinabi ni Arron nang nagsalita si Angela.

“Wow!” nilapitan niya si Chun at niyakap ito.

“Ang gwapo mo naman Kuya Chun sa suot mong tux.” tinignan ni Angela ang mukha ni Chun.

“Oo nga pala Angela, bumili kayo ng isang box ng hanger.” sabi ni Selina na sinusubukan niya na umalis si Angela.

“Eh! Ate Selina naman!” tampo ni Angela dahil alam niya na pinapaalis siya. “Sige na nga!” lumapit si Angela kay Selina at kinuha ang pera at pagkatapos ay umalis siya. Pero bago siya umalis ay nag-fly kiss siya kay Chun at sinubukan naman ni Chun na iwasan ang kiss ni Angela. “Bye Kuya.” at pagkatapos ay umalis na si Angela.

“Phew! Buti na lang!” sabi ni Selina.

Tawa naman ng tawa si Arron sa pagiging ‘hugger’ ni Angela. Noong una pa lang na nagkita si Chun at Angela ay lagi talagang niyayakap ni Angela si Chun ng patago kaya ngayon ay sanay na talaga si Chun sa ginagawa ni Angela.

“Nakakatawa kayong tignan ni Angela.” sbi ni Arron.

“Inggit ka lang.” pinagmalaking sinabi ni Chun. “Kaw kasi, wala kang babae na hugger.” binelatan niya si Arron.

     58

 “Ok lang.” sabi ni Arron. “At least, walang nambubulabog sa akin.” natawa siya.

Habang tumatawa si Arron ay tumunog ang cell phone ni Chun.

“Ay wait!” umalis muna si Chun at kinuha ang cell phone mula sa bulsa.

“Hello?” tanong ni Chun sa tumawag sa kanya.

“Si Miss Ella mo ito.” sabi ni Ella. “Punta ka kaagad dito sa bahay.”

“Opo Ma’am.” pagkasabi ni Chun nito ay binaba na ni Ella ang cell phone niya.

Bumalik siya sa lugar kung nasaan si Selina at Arron at nagpaalam sa dalawa niyang bestfriend.

“Bye Arron at Selina!”

“Ingat ka.” sabi ni Selina at pagkatapos ay umalis na si Chun.

Pagkaalis ni Chun ay ginawa na nila uli ang kanilang trabaho noong wala pa si Chun.

     59



© 2010 rielovella


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

268 Views
Added on January 7, 2010
Last Updated on January 7, 2010


Author

rielovella
rielovella

Muntinlupa, Philippines



About
I'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..

Writing
Mirror Mirror

A Poem by rielovella