Chapter 8: First day of work with Ella (Part 2)A Chapter by rielovellacontinuation of chapter 7Pagkalipas uli ng
ilang oras, nagtatrabaho pa rin si Ella habang nasa couch si Chun at nakatulog. “Totoo ba ito?” sabi
ni Chun sa kanyang sarili habang nakikita niya ng kanyang sarili noong bata pa
siya kasama ang kanyang ina. “Sige pa, kain ka pa
Chunnie…” ngiti ng nanay ni Chun habang hawak ang kutsara. (A/N: I just can’t
think of any nicknames that her mom can call him so I used Chunnie.) Bago niya sinubo ang
pagkain ay nag-beautiful eyes siya sa kanyang ina. “Wow! Pa-cute naman
ang anak ko.” Inilagay niya ang hawak niyang kutsara sa plato at niyakap ang
maliit na Chun. “I love you.” Sabi ng
kanyang ina habang niyayakap ang maliit na Chun. “I lah you…” (A/N: Of course, baby
doesn’t talk straight. In this scene, Chunnie can’t say the letter v or b so
it’s lah.) Nung nakita ito ni
Chun ay sinubukan niya na lapitan ang kanyang ♥46♥ ina at ang maliit na
Chun pero bigla itong naglaho. “Ma? Ma?!” sigaw ni
Chun habang hinahanap niya ang kanyang ina. ♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥ May kumatok sa
pintuan ng office ni Ella. “Can I enter?” Na-recognize ni Ella
ang boses at si Mr. Chen iyon. “Sige Dad.” sagot ni
Ella. Unti-unti binuksan ni
Mr. Chen ang pintuan at nakita niya si Ella ay nakaupo sa kanyang upuan at si
Chun naman ay tulog sa couch. Biglang nahiya si Ella sa kanyang Daddy noong
nakita niya na tulog si Chun sa couch at mukhang mahimbing sa pagkakatulog si
Chun. “Ay sorry Dad.” agad
na lumapit si Ella kay Chun. “Gigisingin ko na lang po siya.” “Hindi, ok lang.
Siguro hindi siya sanay na ganito ang trabaho niya.” Nakangiti na sinabi ni Mr.
Chen. Habang na-uusap si
Ella at Mr. Chen ay biglang nagsasalita si Chun sa kanyang tulog. “Ma? Ma?!” Sigaw ni
Chun. Nagtaka si Ella at
Mr. Chen kung bakit biglang nagsasalita si Chun kahit tulog kaya sinubukan
niyang gisingin si Chun. Tinatapik-tapik ni Mr. Chen ang likod ni Chun. “Mr. Chun?” sabi ni
Mr. Chen na sinusubukan niyang gisingin si Chun. Sa ikatlong beses na
tapik kay Chun ay nagising na siya. ♥47♥ “Ma!” idinilat niya
ang mata niya at nakita niya na nasa harap niya si Mr. Chen at nakatingin si
Ella sa kanya na parang na-weirduhan sa kanya. “Aaah!” napasigaw si Chun. Tumayo kaagad si Chun
at yumuko siya para humingi ng tawad kay Mr. Chen. “Sorry sir at
nakatulog po ako.” Sabi niya habang nakayuko pa rin. Lumapit si Mr. Chen
sa kanya at itinayo si Chun mula sa pagkakayuko. “OK lang yun.” Sabi
ni Mr. Chen Tumingin si Ella sa
kanyang Baby G watch. “Dad?” Napalingon si Mr.
Chen sa kanya at tinanong kung bakit. “We have to go now
Dad.” “O sige at kailangan
mo na ring magpahinga Ella at si Mr. Chun.” Sabi ni Mr. Chen. Lalong nahiya si Chun
at binanggit ni Mr. Chen na kailangan niya na magpahinga. “Sorry po talaga sir.
Hindi na po mauulit.” Yumuko siya uli. “Aasahan ko iyan.”
ngiti ni Mr. Chen. “O sige Dad.” lumapit
si Ella kay Mr. Chen at kiniss niya sa pisngi ang kanyang ina. “Bye Dad.” kumaway si
Ella sa kanyang Daddy. “Bye sir.” Nagpaalam
din si Chun kay Mr. Chen at pagkatapos ay sabay na lumabas si Chun at Ella. ♥48♥ Habang naglalakad
sila papunta sa elevator ay may sinabi siya kay Chun. “Chun, huwag mo nang
ulitin ang ginawa mo kanina.” “Sorry po talaga
Ma’am.” Humingi siya ng tawad sa kanyang boss. “Hindi na po mauulit.” Pagkapasok nila sa
elevator ay may biglang naisip si Ella. “Alam ko na kung
paano ka mapapanatiling gising kung man magtatrabaho ako uli.” sabi ni Ella. Natahimik si Chun at
sinusubukan na isipin kung ano ang plano ni Ella. Pagkalapag ng elevator sa
ground floor ay lumabas agad si Ella sa building at sumusunod uli si Chun.
Pagkapark ng kotse sa harap ng building ay sumakay agad si Ella sa kotse at
napatingin naman si Chun sa langit. Napansin niya ang mga bituin na napakaganda
ng gabing iyon. “Ma…” sabi ni Chun sa
kanyang sarili. “Musta ka na Ma? Nami-miss na kita.” napabuntong hininga siya
at sumakay sa kotse. Habang patuloy sa
pag-andar ang kotse, naisip niya ang mga pagkakataon na pwede niyang makasama
ang kanyang ina pero hindi man lang niya na-enjoy iyon kasama ang kanyang ina.
Habang naisip niya yun ay napatingin siya sa pwesto ni Ella at nabigla siya na
natutulog na pala ang kanyang boss. Chun’s POV Ang ganda naman ni
Ma’am kapag natutulog. Ay mali pala! Maganda na siya kahit na hindi natutulog. End of POV ♥49♥ Napangiti si Chun sa
kanyang naiisip. Habang nasa isip ni
Chun si Ella ay biglang nagpreno ang kotse at bumagsak si Ella sa binti niya.
Sinubukan niyang ayusin si Ella sa pagkakatulog pero nakita niya na mahimbing
sa pagkakatulog si Ella kaya hinayaan na niya. Pagkarating sa bahay
ay pinark sa harap ng bahay at bumaba si Chun. Binuhat niya si Ella ng maingat
at dinala sa kwarto ng kanyang boss. Binuksan niya ang pintuan at nilagay si
Ella sa kama. Pagkalagay ni Chun kay Ella sa kama ay nilagyan niya ng kumot si
Ella at tinanggal ang sapatos ng kanyang boss at nilagay sa ilalim ng kama. “Good night, Miss
Ella.” Ngumiti sya habang pinatay ang ilaw. Pagka-off niya ng ilaw ay lumabas
na siya at nag-stretch up. “Grabe ang mga
nangyari ngayon.” Sabi ni Chun sa kanyang sarili at pumasok sa kanyang kwarto.
Pagkapasok niya ay dumeretso siya sa banyo para magbihis. Hindi niya akalain na
isa na siyang bodyguard ng isang anak ng mayamang businessman. Isinabit niya
ang tuxedo niya sa hanger at inilagay sa rack. Pagkapalit niya ng t-shirt ay
lumabas na siya sa banyo at pagkatapos ay humiga na siya sa kama at mahimbing
na natulog. ♥50♥ © 2010 rielovella |
Stats
316 Views
Added on January 4, 2010 Last Updated on January 4, 2010 AuthorrielovellaMuntinlupa, PhilippinesAboutI'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..Writing
|