Chapter 6: Peace Offering

Chapter 6: Peace Offering

A Chapter by rielovella
"

Chun offered something to Ella.

"

Kumatok sa pintuan ni Ella si Chun. Pagkakatok niya ay binuksan niya ng konti at kinausap si Ella.

“Uhmmm… Miss, Pwede po ba pumasok?”

“Sige pwede.” Sabi ni Ella habang nanonood pero pinatay niya ang t.v.  noong pumasok si Chun. “Upo ka dyan.” Tinuro ni Ella ang mahabang sofa. Agad umupo si Chun sa Itinuro ni Ella.

Kinakabahan si Chun at napatingin siya sa braso ni Ella. Nagulat siya at may benda ang braso ni Ella.

“Ok ka lang ba Miss? Sorry po.” Itinuro niya ang braso ni Ella.

“Ah ito,” tinignan niya ang kanyang braso. “Ok lang, hindi ito pilay.  Nagboxing lang ako kanina at napagtripan ko ang braso ko kaya, ok lang.” Ngumiti si Ella. For the first time, nakita ni Chun ang ngiti ni Ella.

“Pero, sorry pa rin sa ginawa ko. Di ko sinasadya.” Inabot ni Chun ang kanyang peace offering na rose.

“Wow! Pero actually, I don’t like flowers for gift. But still thanks.” Napatitig si Ella sa rose na ibinigay ni Chun at inilagay sa vase. Pagkalagay niya ay nagsalita siya. “”Sorry din kung napagbintangan kita. Mahalaga din kasi sa akin yung sapatos na iyon.”

Napangiti si Chun sa sinabi ni Ella.

“So…we’re friends now?” tanong ni Ella. Napatungo si Chun at nakipag-hand shake si Ella kay Chun. Habang nagha-hand shake sila ay may kumatok sa pintuan.

    32

“Si Mr. Chun po, hinahanap ni Mr. Chen. Bumaba daw po kayo.” Sabi ng katulong.

“Sige, mauuna na po ako Miss.” Yumuko si Chun at agad bumaba.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

“Iyang treadmill ay doon sa kwartong iyon.” Itinuro ni Mr. Chen sa kargador. Si Chun naman ay pababa na ng hagdan. Nagtaka si Chun at maraming work out machine ang ipinapasok sa bahay.

“Sir kailangan ninyo raw po ako.” Sabi ni Chun habang nakatitig sa mga machine na nasa paligid.

“Mr. Chun, ok na ba ang mga work out machine na ito?” Tinuro niya ang mga machine sa kanilang harapan.

“Opo sir, bakit?” titig na titig si Chun dahil ang dami ng mga machine at bagong-bago pa ang mga ito hindi katulad ng nasa gym na pinupuntahan niya.

“Kaya ko ito natatanong dahil itong mga pang-work out para sa iyo, Mr. Chun.” Ngiti ni Mr. Chen kay Chun.

“Sigurado po kayo?” Nabigla siya at ang lahat ng iyon ay mukha nga ibibigay sa kanya.

“Oo, siguradong-sigurado ako. Ganito na lamang ang iyong isipin, ito ang mga bagay na ibibigay ko bilang pasasalamat sa pagligtas mo sa akin at sa pagtanggap mo bilang bodyguard ng aking anak.”

“Pero sir,” Nahihiyang sabi ni Chun. “Ok na po ang sweldong ibibigay ninyo po.”

“Nalaman ko kasi sa iyong kaibigan na boxer ka kaya binili ko ang

    33

ang mga ito para makapag-practice ka man lang kahit andito ka.”

“Si Arron talaga!” bulong ni Chun sa kanyang sarili. “Salamat po sir.” Sa loob-loob niya ay masayang-masaya siya dahil minsan lang siya magkaroon ng mga ganoong kagamitan.

Habang tingin ng tingin si Chun sa mga work out machine at inaayos ni Mr. Chen ang mga gamit ay bumaba si Ella.

“Hi Dad!” bati ni Ella sa kanyang tatay.

“Hi Ella.” Napalingon si Mr. Chen kay Chun. “Oo nga pala, ok na ba kayo ni Chun?”

Napatango si Ella at ngumiti si Mr. Chen.

“Good!” sabi ni Mr. Chen.

 ♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

Sa talyer naman, si Arron naman ay nagpapahinga. Napasigaw si Arron sa sobrang pagod.

“Arron, ito na ang tubig.” Inabot bigla ni Selina ang tubig kay Arron.

“Salamat!” ngumiti si Arron at tinanggap ang inumin. Pagkakuha niya ay uminom kaagad siya. Habang umiinom siya ay pinupunasan naman ni Selina ang pawis ni Arron. Nabigla si arron at napatigil sa pag-inom. Napatingin siya kay Selina.

“Sel, anong mayroon ngayon?” nagtakang sinabi ni Arron.

“Syempre tinutulungan ko kaibigan ko.” Sabi niya habang pinupunasan ang pawis ni Arron.

“Siguro, may gusto ka sa akin noh?” biro ni Arron.

“Ako?” napatigil si Selina sa ginagawa niya. “Hindi ah.” Tinanggi

    34

niya.

Napangiti si Arron.  “Biro lang.” Napatingin siya kay Selina. Napaisip siya. “Siguro, iniisip mo pa rin siya. Tama ba?” tanong ni Arron.

Napayuko siya at tinignan niya ang bracelet na ibinigay ni Lee Hom bago pa niya iniwan si Selina. Tumingin din siya kay Arron at ngumiti.

“Hindi noh.”

“Talaga lang ha?” hinawakan ni Arron ang braso ni Selina at hinawakan ang bracelet. “Eh bakit suot mo pa iyan? Di ba iyan ang binigay ni Lee Hom bago pa siya umalis?”

“Syempre naman, bingay sa akin ito kaya sinusuot ko ito.” Nalungkot si Selina pagkatapos niya sabihin iyon.

“Huwag ka nang malungkot.” Hinimas ni Arron ang likod ni Selina. “Andito pa naman ako.” Biro niya.

“Ikaw?” itinaas niya ang kanyang kilay. “Kahit ikaw na lang ang lalaki sa mundo, hindi ako magkakagusto sa iyo.”

“Alam mo bang ang lalaking itinatanggi mo ay ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae.” Itinuro niya ang labas. Natawa si Selina dahil sa mga sinabi niya. “Sabi ko na nga ba eh,” Napangiti si Arron. “Mapapatawa kita sa sasabihing kong iyon eh. Pero, Selina, seryoso talaga ako sa mga sinabi ko kanina. Andito ako para sa iyo Selina.” Naging seryoso si Arron.

“Kasi wala na si Guigui?” tanong ni Selina.

“Sino iyon?” ngumiti si Arron.

“Naku! Itatanggi rin niya.” Natawa si Selina.

“Sige una na ako. Magtatrabaho na ako uli.” Biglang umalis si Arron.

    35

“Uy Arron!” hinanap niya si Arron. “Tumakas nanaman siya.”

Si Arron naman ay nasa likod ng pintuan ng kwarto kung saan sila nag-usap.

“Sorry pero hindi tayo pwede.” Ito ang mga salitang sinabi ni Guigui bago niya iniwan si Arron. Hindi makalimutan ni Arron ang mga salitang ito dahil sa ganda ng kanilang realsyon ay ngayon lang niya narinig na sinabi ito ni Guigui.

“Bakit mo ako iniwan?” tinanong niya ang kanyang sarili at pagkatapos ay bumalik na siya sa trabaho.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

Hinatid ni Ella si Chun sa kwarto ng kanyang kuya.

“Ito ang kwarto ni kuya.” Sabi ni Ella. Pagkabukas ng pintuan ay pumasok si Chun at ibinaba ang mga gamit niya. Umupo siya sa kama at natuwa siya dahil an lambot ng kama.

“Puntahan mo lang ako sa kwarto ko kung may kailangan ka.” Sabi ni Ella.

“Ay wag na po, nakakahiya naman po kung hihingi pa po ako ng tulong sa iyo.” Sabi ni Chun.

“Hindi ok lang. Sabi rin ni Dad kung may tanong ka ay puntahan mo lang daw ako.” Pagkasabi niya ay umalis na siya pero Pinigilan ni Chun.

“Miss?” tawag ni Chun kay Ella.

“Bakit?”

“Salamat!” ngiti ni Chun. Pagkasabi ni Chun ay umalis uli si Ella pero may naalala siya at bumalik.

    36

“Chun, I need you 7 am tomorrow.” Sabi ni Ella.

“Sige po Miss.”

At pagkatapos ng ilang ulit ng balik ni Ella ay tuluyang na siyang bumalik sa kanyang kwarto.

     37



© 2010 rielovella


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

272 Views
Added on January 1, 2010
Last Updated on January 1, 2010


Author

rielovella
rielovella

Muntinlupa, Philippines



About
I'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..

Writing
Mirror Mirror

A Poem by rielovella