Chapter 5: You?!A Chapter by rielovellaElla and Chun met again. this chapter is kinda brutal for Chun.“Ikaw nanaman?!”
sabay nilang sinabi. “Daddy, ano ba?”
galit na sinabi ni Ella. “Bakit pa siya?” “Alam mo naman na
nanganganib ang buhay mo sa Black Fire at hindi natin alam kung kailan sila uli
gagawa ng masama.” Nag-aalala na sinabi ni Mr. Chen. “At niligtas niya ako
kahapon mula sa grupong iyon.” “Pero, Dad!!! Kaya ko
naman ang sarili ko.” “Naku, Sir, sorry po
at hindi ko na po matatanggap ang binibigay niyong trabaho.” “Pero Mr. Chun,
sayang naman po yung 10,000 NTD na sweldo mo every month.” Biglang napaisip si
Chun sa sinabi ni Mr. Chen. Chun’s POV Hmmm… Mukhang
makukuha ko na ang Michael Jordan edition Nike shoes kung pagtitiisan ko itong
babaeng na ito. End of POV Nagtaka si Ella at
nakatingin si Chun sa kanya. Ella’s POV Bakit kaya nakatingin
sa akin itong lalaking ito? Hmmm… Mukhang may plano siya na nakawin ako uli. End of POV “Bakit ka ba
nakatingin sa akin?” sabay na sinabi ni Chun at Ella. ♥26♥ “Eh bakit ba? Masama
bang tumingin sa iyo,” galit na sinabi ni Ella. “At tsaka ikaw naman ang
mukhang magnanakaw dito. Dad?!! Please naman oh, kahit sino ok lang huwag lang
siya.” “Mukhang nagkita at
nagkakilala kayong dalawa at masama pa ang nangyari. Pero Ella, siya ay malakas
at gagaan ang loob ko kung siya ang bodyguard mo.” Sabi ni Mr. Chen. “O Chun,
payag ka na ba?” “Opo sir, payag na po
ako.” “Tignan mo Dad,
halatang may gagawing masama sa bahay na ito at mukhang pera pa.” Napatingin
siya ng masama si Ella kay Chun. “Aba! Hindi ako
katulad ng iniisip mo.” Nagalit si Chun sa binintang ni Ella. “Ewan ko kung anong
nangyari nung nagkakilala kayong dalawa pero kailangan magkasundo kayo dahil
simula ngayong araw na ito ay dito na titira si Chun, sa kwarto ni Calvin.”
Sabi ni Mr. Chen. Lalo pang nagalit si
Ella sa narinig niya sa kanyang tatay. Ang magnanakaw sa kwarto ng kanyang
kapatid? Hindi niya matatanggap ang nais ng kanyang tatay. Nagtaka naman si
Chun at bakit sa bahay na iyon siya titira. “Dito ka titira Chun
para higit na mababantayan mo si Ella.” “Pero Dad?! Kwar-“
Naputol ang sinabi ni Ella nang nagsalita uli si Chun. “Paano na po yung mga
gamit ko po?” “Don’t worry at
dadalhin ng driver ang mga gamit mo mamaya.” Sabi ni Mr. Chen. ♥27♥ Tumango si Chun sa
sinabi ni Mr. Chen. Tumahimik ang paligid at nagtitimpi si Ella sa kanyang
galit dahil nasa harap niya ang kanyang tatay. Biglang pumasok ang
secretary ni Mr. Chen. “Sir, may meeting po
kayo ngayon sa mga exporters.” Sabi ng secretary. “O sige.” Sabi ni Mr.
Chen. Bago siya umalis ay pinalalahanan niya si Chun. “Chun, ikaw bahala
kay Ella.” At pagkatapos ay umalis na si Mr. Chen. Pagka-paalam ni Chun
kay Mr. Chen ay tumingin siya kay Ella. Nabigla siya at nakaturo sa mukha ni
Chun ang daliri ni Ella. “Ikaw! Ikaw!” galit
na sinabi ni Ella. “Ikaw na magnanakaw at manloloko. Paano mo naloko si Daddy
na kunin ka bilang bodyguard ko?” “So… ako pa ngayon
ang sinisisi mo?” Lumapit si Chun kay Ella. “Eh hindi nga ako ang kumuha sa
binili mo.” “Tignan mo,
nagsisinungaling pa.” Natawa ng konti si Ella. “Hanga din ako at naloko mo ang
mga pulis at si Daddy.” Nagagalit na talaga
si Chun pero nagtitimpi pa rin siya dahil alam niyang babae ang kaharap niya.
Umalis na lang si Chun para mapigilan niya ang galit niya. Nang nakita ni Ella
na umalis si Chun ay inasar lalo ni Ella si Chun at dahil dun ay di na
napigilan ni Chun ang sarili na magalit. Sa sobrang galit ni Chun ay hinawakan
niya ang braso ni Ella ng mahigpit. “Ano ba?! Bitawan mo
ako.” Pumipiglas si Ella sa higpit na ♥28♥ pagkakahawak ni Chun. “Wag na wag mo na ako
uli pagbibintangan na magnanakaw, sinungaling o kung ano man.” Nilapit niya ang
kanyang mukha kay Ella at galit na galit siya. Lalong nasasaktan si
Ella sa pagkakahawak ni Chun dahil lalo niya ito hinigpitan. Dahil dun,
napapikit na lang si Ella sa sakit. Nang nakita ito ni Chun ay bigla niyang
naalala na dapat ay di niya ito ginagawa sa isang babae kaya binitawan na niya
ang braso ni Ella. “Sorry.” Sabi ni Chun
at agad siyang umalis. Naiyak si Ella sa
sakit. Pinunas niya ang kanyang luha at umakyat na siya sa kanyang kwarto. ♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥ Habang naglalakad,
iniisip ni Chun kung ano ang nagawa niya sa anak ni Mr. Chen. Sa isip niya,
paulit-ulit itong pumapasok at para bang nakukunsensya. “Bakit mo ba nagawa
iyon Chun?” tinanong niya sa kanyang sarili.” Siguro, ayaw mo lang
mapagbintangan… Pero…” napabuntong hininga siya. “Mali pa rin iyon eh.Ah!”
Napakamot siya sa kakaisip nun. Siguro na-feel niya ang guiltness. ♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥ Habang sa bahay ng
mga Chen, si Ella ay nanonood ng mga laban ni Michael Jordan sa DVD.
Sinusubukan niya na makalimutan ang sakit na naramdaman niya na ginawa ni Chun. ♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥ “Lalala” awit ni Selina habang inayos ang mga gamit sa rack nang ♥29♥ may nagbukas ng
pintuan ng shop. “Good afternoon po.
Pili po kayo ng damit dyan.” Sabi ni Selina. “Huy ako lang ito.”
Sabi ni Chun habang tinitignan ang mga damit. “Ah, akala ko kung
sino.” Sabi niya habang inayos ang mga gamit. “Nga pala, bakit ka nandito, eh
may trabaho ka pa dapat di ba?” “Oo meron, pero hindi
na sa talyer.” Lumapit si Chun kay Selina at tinulungan sa pag-aayos ng gamit
sa rack. “Saan ito Selina?” tanong ni Chun habang hawak ang isang figurine. Itinuro ni Selina ang
isang rack at agad niya inilagay. Tinanong uli ni Selina kung bakit hindi na
siya sa talyer nagtatrabaho. Kinuwento naman ni Chun lahat ng nangyari at
nakwento rin niya ang nagawa niya kay Ella. Habang kinukwento ni Chun iyon ay
biglang may nangyakap sa kanya. “Ange-“ napabuntong
hininga na lang si Selina sa ginawa ni Angela. Tinanggal ni Chun ang
pagkakayakap ni Angela sa kanya. “Hi Kuya Chun! Namiss
kita.” Ngiti ni Angela. “Oo na, alam ko.”
Sabi ni Chun. “Oo nga pala Angela,”
naalala ni Selina na may kailangan sa shop. “Bumili ka ng sinulid, wala na
tayong puting sinulid eh.” “Ate naman eh.”
Nagtatampo si Angela dahil every time na makikita niya si Chun ay laging may
iniuutos si Selina. Kinuha niya ang pera kay Selina at bago siya tuluyang ,lumabas
ay nag-fly kiss si Angela kay Chun. “Bye Kuya.” Pagkatapos ay umalis na si
Angela. “Si Angela talaga.”
Napailing si Selina sa mga kalokohan ni Angela. ♥30♥ “Ok lang iyon.”
Napangiti si Chun. Pagkatapos ay intinuloy na niya ang kanyang kinukwento. ♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥ “Yun ang nangyari.”
Sinabi ni Chun pagkatapos ikwento ang lahat ng nangyari. “Ah kaya pala mukha
kang problemado.” “Mukha ba?”
Napatingin si Chun sa salamin. “Hindi naman sa
makikita talaga, napansin ko lang. Eh ano gagawin mo sa amo mo?” tanong ni
Selina. “Bibigyan ko siya ng
regalo parang peace offering sa ginawa ko.” “Actually, hindi
madadaan sa regalo ang ginawa mo Chun. Sinaktan mo ba naman siya eh.”
Napatingin siya ng masama kay Chun. “Oo alam ko na masama
ginawa ko sa kanya at hindi ito matutulungan sa regalo. Pero ito lang ang
paraan ko na mas makahingi ng tawad sa kanya.” “Kung yun naman ang
usapan ay tutulungan kita.” Ngumiti na muli si Selina. Napaisip siya kung ano
ang pwedeng maibigay. “Alam ko na!” pagkaisip niya ay ibinulong niya kay Chun. “Salamat sa advice.” “Ok lang yun. Syempre
ikaw pa at para mawala na ang mga guhit sa mukha mo.” Biglang natawa si Selina. “Kaw talaga.”
Napangiti si Chun. At pagkatapos ay umalis na siya at bumili ng sinabi ni
Selina. Pagkabili niya ay dumeretso na siya sa bahay ng mga Chen. ♥31♥ © 2010 rielovella |
Stats
247 Views
Added on January 1, 2010 Last Updated on January 1, 2010 AuthorrielovellaMuntinlupa, PhilippinesAboutI'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..Writing
|