Chapter 2: Chun saved someone

Chapter 2: Chun saved someone

A Chapter by rielovella
"

action scene this time

"

Pagkalipas ng ilang minute ay dumating si Arron na bitbit ang isang lalaki.

“Mga pulis, ito ang totoong kumuha nung bag ng babae kanina.”

“Paano mo nasabi?” Tanong ng pulis.

“Hoy! Umamin ka na.” Pinagtutulak ni Arron ang lalaki at nilabas niya ang kamao niya at hinila ang damit.

“O~~Opo! Ako po ung kumuha nung bag.”

“O sige, palayain niyo na ang lalaking iyon.” Tinuro ng pulis si Chun at may Lumapit na pulis sa harap ng kulungan ni Chun.

“Laya ka na.” Inunlock ng pulis ang kadena at lumabas si Chun. Nakita ni Chun si Arron at pinuntahan agad ito.

“Arron? Ikaw?”

“Syempre, ako pa.” Nagmalaki si Arron at siya ang nakatulong sa kanyang kuya.

“Paano ako nakalaya?” tanong ni Chun pero natutuwa siya at nakalayas na siya sa lugar na iyon.

“Basta, kwento ko na lang habang pauwi na tayo.”

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

 “Ah, yun pala ang nangyari. Pero Nakakainis talaga ang babaeng iyon! Hindi man lang niya ako pinakinggan o initindi tapos tinamaan niya ang�"“ Tiningnan ni Chun ang kanyang ‘xiao di di’ at tinignan din ni Arron. “At pinahiya niya ako sa madaming tao.’

“Naku, kung ano man iyang galit na iyan ay idaan mo na lang sa

     10

Boxing.”

Agad na nagpalit si Chun ng damit at nagboxing.

“Ikaw humawak ng punching bag.”

 Pagkahawak niy Arron ay sinuntok niya agad ito. Nabigla si Arron at ngayon niya lang naramdaman ang lakas ng suntok niya na ganun.

“Ingat naman ng onti Chun, wag masyadong mainit ang ulo.”

“Kahit… isipin… ko na… babae siya… kung ito siya… kanina ko pa… binugbog.”

“Kahit naman ako, medyo galit sa babaeng iyon. Naalala mo ba kung sino ang tumawag sa akin na guard. Siya yun.”

“Oh tignan mo! Pero bakit hindi ka mukhang galit?”

“Kasi siya, maganda siya at  type ko yung mga babaeng palaban.”

“Pero, di ko pa rin matiis ang ginawa ng babaeng yun.”

“Teka, sino ang babaeng tinutukoy niyo?”

Nabigla si Chun at Arron at may biglang nagsalitang babae. Pagkalingon ni Arron sa pintuan ay si Selina pala iyon.

“O Selina, ikaw pala. Paano na yung ukay-ukay?” Nag-aalalang sinabi ni Arron.

“Don’t worry, andun naman si Rainie at si Angela.”

“Huwag mag-alala? Eh si Angela pa naman ay nakakasira ng kahit anong gamit lagi eh.” Tanong ni Arron.

“Eh, hayaan mo na! Kanina pa kasi ako andun eh, nakakatamad na. Nga pala, sino ang babaeng tinutukoy niyo kanina?”

    11

“Ah yung babaeng pinagkamalan akong magnanakaw.”

“Bakit naman?”

“Dahil nung nakita ko na ninakawan yung babae, hinabol ko yung magnanakaw at binigay sa akin nung magnanakaw ang ninakaw niya kaya ako ang napagkamalan na magnanakaw.”

“Ah, pinaliwanag mo ba?”

“Oo, kaso ayaw man niya making o maniwala.”

“Pero~” biglang ngumisi si Selina. “Narinig ko na maganda ang babaeng iyon ah.”

“Oo naman.” Inalala uli ni Arron kung gaano kaganda ang babaeng iyon. “Kaso nga lang, nung pinagbuksan ko ng pintuan ay sinabi niya na ‘Salamat guard’ “

“Hay naku! Kaw kasi Arron, pagkatapos ka lang iniwan kasi ni Guigui ay ni wala ka na atang plano mag-ayos ng iyong sarili eh.”

Nalungkot bigla si Arron sa mga sinabi ni Selina. Tama nga naman siya, pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na talagang nag-ayos ng kanyang sarili. Napatingin si Chun kay Arron at napansin ang kalungkutan na nasa kanyang labi.

“Selina, kaw talaga, alam mo namang nalulungkot si Arron kapag naalala si Guigui.”

“Ah… hindi hindi. Ok lang ako.” Itinanggi niya na malungkot siya at ngumiti na lamang.

Nanahimik ang paligid nang may pumasok sa gym.

“Ate Selina!” Tawag ni Rainie. “Pumunta po kayo sa shop, may ginawa nanaman po si Angela.”

    12

“O sige, susunod na ako.” Sagot niya. “Chun, Arron una na ako.” Nagpaalam si Selina kay Chun at Arron.

Pagkaalis ni Selina ay itinuloy na ni Chun ang gingawa niya kanina.

“Arron?” Napatingin siya kay Arron. “Di ka pa rin nakaka-move on noh?”

Nanahimik si Arron kaysa sa sumagot at napansin ito ni Chun.

“Sige kaw naman ang sumuntok.” Sabi ni Chun. Sa sobrang naalala ni Arron si Guigui ay hindi niya narinig si Chun. Nagsnap ng daliri si Chun at nabigla si Arron.

“Huh?! Bakit?”

“Kaw na. Kanina ka pa kasi tulala dyan eh.”

“O sige.” Nagpalit na ng pwesto si Arron at Chun at nagboxing.

Arron’s POV

Guigui, musta ka na? Pagkatapos ng ilang taon, naalala mo pa ba ako?

End of POV

Pagkatapos nila magboxing ay pumunta na sila sa talyer para magtrabaho uli. Nagpalit si Chun at Arron ng damit at pagkatapos inayos na ni Chun ang isang kotse.

“Aayusin ko na itong kotse ah.” Sabi ni Chun habang dala ang tool box.

“O sige. Nga pala, mag-ingat ka ng onti, mayaman ang may-ari niyan.”

“Salamat sa pagpapaalala.” Ngiti ni Chun.

    13

 ♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

Si Ella naman ay nakabalik na sa bahay nila. Habang papasok siya ng gate ay nakita niya ang kotse ng kanyang kapatid na si Calvin.

“Aba!” Nabigla si Ella at dumating ang kuya niya. “Anong mayroon at andito si kuya?”

Agad siyang pumasok ng bahay para salubungin ang kanyang kuya. Pagkapasok niya ay nakita niya si Calvin kasama ang isang babae na maiksi ang buhok at payat ang katawan.

“Hi kuya! Bakit ka andito?”

“Siyempre, andito ako para sa maganda kong kapatid.” Ngiti ni Calvin.

“Naku! Nagbiro naman siya.” Natawa silang dalawa. “Anong gusto mo kuya?”

“Wala, ano ba?! Andito ako dahil birthday mo kahapon di ba? Happy Birthday sis!”

“Salamat.”

Napatingin si Ella sa katabi na babae ni Calvin dahil ngayon lang niya nakita ang babaeng ito.

“Sino siya?” Tinuro ni Ella ang babae.

“Ah siya si Hebe, ang girlfriend ko.”

Tumayo si Hebe at lumapit si Hebe kay Calvin.

“Hebe, siya si Ella. Ella, siya si Hebe.” Ipinakilala ni Calvin ang dalawang babae na mahalaga sa buhay niya.

 

    14

“Ah, hi Ate Ella.” Nakipag-hand shake si Hebe kay Ella. Ngumiti si Hebe at Ella.

“Wag mo akong tawaging ate, Ella na lang.”

Tumango si Hebe at ngumiti uli. Natuwa si Calvin at napakilala na niya si Hebe kay Ella.

“Ah Ella, muntikan ko nang makalimutan.” Kinuha ni Calvin sa sofa ang regalo niya kay Ella. “Ito nga pala regalo ko sa iyo.”

Kinuha ni Ella ang malaking box na binigay ng kanyang kapatid at binuksan ito. Pagkabukas ay nakita niya ang isang yellow dress.

“Kuya naman!” Nagreklamo si Ella. “Bakit ito binigay mo? Alam mo namang ayaw ko ng mga ganito?”

“Pero kailangan mo ng mga ganyan di ba?”

“O sige na nga. Salamat.” Pilit na sinabi ni Ella.

May inilabas din si Hebe na box at nahihiyang binigay ito kay Ella.

“Ella… Uhmmm… Eto regalo ko po sa inyo… Happy birthday!” Bati ni Hebe.

“Ow? Salamat!” Nabigla si Ella at may regalo kaagad siya mula kay Hebe na ngayon lang niya nakilala. Pagkabukas niya ng box ay nagulat siya.

“Wow! Jersey! Tapos 23 pa ang number.” Natuwa si Ella at natanggap niya ay jersey. Napayakap siya kay Hebe sa sobrang tuwa. “Paano mo nalaman na gusto ko ng ganito?”

“Kasi, nakukukwento ka ni Calvin minsan at nabanggit niya na mahilig ka sa jersey at number 23 dahil kay Michael Jordan.”

    15

“Aba kuya! Magaling ka naman pumili ng babae eh. Buti pa si Hebe, marunong pumili ng regalo sa akin. Di katulad mo, sarili kong kapatid, binigay dress.” Nagtatampo si Ella kay Calvin dahil mas higit na nakuha ni Ella ang regalo na maganda kay Hebe kaysa sa sarili niyang kapatid.

“Syempre. Kasi siya ang Hebe ko.” Ngumiti si Calvin at niyakap niya sa baywang si Hebe. Tapos may biglang may naalala si Calvin at Napatingin siya sa kanyang relo. “Ay! 12 na pala. Alis na kami Ella.”

“O sige, bye! Ingat kayo ni Hebe ah.”

Pagkatapos ay umalis na sila ni Hebe.

“Hay!!” Napabuntong hininga si Ella. “Si kuya talaga. Buti na lang at may nagkagusto kay kuya.”  Pagkatapos ay umakyat na si Ella at pumasok sa kanyang kwarto.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

Pagkatapos ng buong mag-araw ng pagtatrabaho ay pumunta si Chun sa isang food store para bumili ng pagkain.. Habang naglalakad siya ay may nakita siyang isang grupo ng mga lalaki dala ang isang matandang lalaki.

Tumakbo kaagad siya at tinulungan ang matandang lalaki.

“Teka! Anong nangyayari dito?” Sabi ni Chun habang tinutulungan niya ang matanda.

“Wala ka nang pakielam. Umalis ka na dito hangga’t maaga pa kundi sasaktan namin ang matandang yan kasama ka.” Galit na sinabi ng isang lalaki.

“Hindi ako aalis dito hangga’t di ko siya naililigtas.” Tumingin si Chun sa matanda. “Wag po kayo mag-alala, ililigtas ko po kayo.”

    16

pabulong na sinabi ni Chun .

Sa sobrang galit ng lalaki, biglang sinuntok ng lalaki si Chun at nagdugo ng onti ang labi ni Chun.

“Yun lang ba kaya niyo?” nagmayabang si Chun. “Akala ko pa naman, mapapatay niyo na ako sa sapak niyo, yun pala hindi.” Natawa si Chun at sinuntok ang lalaki.

Nabigla ang lahat dahil ang lakas ng pagkakasuntok ni Chun sa lalaki.

“Ang lakas nun ah.” Sabi ng isang lalaki. Biglang nagbulungan ang mga lalaki sa grupo.

“O ano? Gusto niyo pa?” Hamon ni Chun.

Lumapit naman ung mga lalaki at susubukan sana nilang suntukin si Chun pero nagantihan kaagad sila ng mga malalakas na suntok ni Chun. Sa sobrang takot ay lahat sila umalis.

“Ok lang po ba kayo?” Nilapitan ni Chun ang matanda.

“Ok lang ako Iho. Salamat sa pagtulong mo sa akin.” Ngiti ng matanda.

“Ah ok lang po iyon.” Nakangiting sinabi ni Chun. “Oo nga pala po, kailangan ko na po mauna.” Nagpaalam si Chun sa matanda. At agad umalis si Chun.

Ang matandang lalaking iyon ay si Mr. Chen pala.

“Hmmm… Ang lakas naman ng lalaking iyon. Mukhang maganda kung siya ang…” sabi ni Mr. Chen. “Kailangan kong mahanap ang lalaking iyon.”

 

    17



© 2010 rielovella


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

221 Views
Added on January 1, 2010
Last Updated on January 1, 2010


Author

rielovella
rielovella

Muntinlupa, Philippines



About
I'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..

Writing
Mirror Mirror

A Poem by rielovella