Chapter 1: Unexpected Meeting

Chapter 1: Unexpected Meeting

A Chapter by rielovella
"

longest chapter and in tagalog

"

“Happy birthday to you.” awit ng mga bisita sa birthday party ni Ella.

“Thanks for all who are here to celebrate my daughter’s 23rd birthday.” sinabi ni Mr. Chen at pagkatapos ng ilang oras ay umalis na ang lahat ng mga dumating.

“Hay… I’m so tired... Uh... I mean... Nakakapagod grabe. Dad, can I go up now?”

“No, you have to open up these presents.” Tinuro ni Mr. Chen ang isang bundok ng regalo na natanggap ni Ella.

“Dad, can we open it tomorrow? Mingling with different persons is so tiring and wearing these heels is tiring too.” sabi ni Ella habang tinatanggal niya ang 2 inch na heels niya at sinuot ang fluffy slippers niya. “Dad, aakyat na ako ah.”

“Teka lang Ella, di mo pa natatanggap ang regalo ko.”

Paglingon ni Ella ay si Jiro pala iyon. Nakasuot siya ng puting tuxedo at pulang tie.

“Jiro! Ikaw pala! Bakit ngayon ka lang?” agad bumaba si Ella sa hagdan at umalis muna si Mr. Chen para makapag-usap sila.

“Nagkaroon kasi ng meeting ang company for Pennant exporting eh. “

“Ah ganun ba. Pero, saying at wala ka kanina. Tuloy, puro mga businessman, businesswoman at ang kanilang mga anak ang kausap ko kanina. Hirap na hirap nga ako maka-relate sa kanila eh.” Inisa-isa ni Ella ang pinagdaanan nya kanina sa kanyang birthday. Para bang kaysa sa magsaya siya sa kanyang birthday ay mas

     1

nahirapan pa siya.

“Ok lang yan. Kailangan din naman natin yan.” Napatingin si Jiro sa suot ni Ella na black dress. “Aba! Ang ganda mo ngayon ah.”

“Sexy ba?” tanong ni Ella at ngumiti siya. “Pero di halos ako makahinga dito sa suot kong ito eh. O sige aakyat na muna ako ah.” Tinuro ni Ella ang hagdan at umakyat ng ilang steps.

“Teka lang Ella.” Pinigilan ni Jiro si Ella sa pag-akyat at agad bumaba si Ella.

“Bakit?”

“Eto nga pala regalo ko sa iyo.” Inabot ni Jiro ang isang lalagyan ng singsing na kulay pula.

“Ano ito? Sin--”

“Buksan mo muna.” Agad pinutol ni Jiro ang dapat na sasabihin ni Ella at binuksan ito ni Ella. Pagkabukas niya ay may nakitang papel si Ella na nakatupi at agad na binuksan ito. Nabasa niya na binibigyan siya ni Jiro ng Michael Jordan edition Nike shoes. Napa-laki ang mata ni Ella at natuwa dahil ito ang pinaka-aabangan niyang sapatos ng ilang buwan. “Alam ko naman na matagal mo na iyang hinihintay at nakita ko iyan sa website ng Nike kaya yan, nagpareserve ako para sa iyo.”

“Wow! Salamat Jiro!” Napatalon si Ella kay Jiro at niyakap niya si Jiro. Pero biglang bumitaw si Ella sa pagkakayakap kay Jiro. “Ay sorry.”

“Naku, ok lang yun. Magkaibigan naman tayo at ikaka…”

“At ikakasal pagdating ng ika-25th birthday ko.” Agad dinagdagan ni Ella ang sinasabi ni Jiro. Napatango na lang si Jiro sa sinabi ni Ella. “Tama naman ako di ba. Ikakasal tayo dahil sa pera.” Malungkot na

     2

sinabi ni Ella.

“Ayaw mo?”

“Hindi naman sa ayaw. Mabait ka naman, matalino kaya ok lang din sa akin kaso turing ko lang talaga sa iyo ay kuya.” Biglang nabago ang ngiti ni Jiro sa lungkot dahil sa mga sinabi ni Ella.

“Ah.. Pero kasi… May gus--” Naputol ang sinabi ni Jiro nang naghikab si Ella.

“Sorry! Ano yung sinasabi mo uli?”

“Ah, isipin mo wala akong sinabi.” Ngumiti si Jiro kay Ella. “O sige, umakyat ka na. Good night.”

“Good night din.” Pagkatapos ay umakyat na si Ella. Nung nakapasok na si Ella sa kanyang kwarto ay biglang may narinig na pagbukas ng pintuan si Jiro.

“Gusto mo si Ella?” napalingon si Jiro sa nagsasalita at si Mr. Chen iyon.

“Nakikinig po ba kayo kanina?”

“Sagutin mo muna tanong ko.”

“Uhmmm…” Tumingin si Jiro sa paligid kung andun ba si Ella o wala at noong nasigurado na niya ay tinuloy na niya ang kanyang sinasabi. “Opo sir.” Nahihiyang sinabi ni Jiro.

“Eh di mabuti.” Lumapit pa lalo si Mr. Chen kay Jiro.

“Paano po iyon mabuti, eh tingin lang naman ni Ella sa akin ay isang kuya lang naman niya.”

“Alam mo bang kahit wala ang deal namin ni Mr. Wang ay ikaw

     3

ang gusto kong maging asawa ni Ella. Dahil matalino, Mabait, at responsible kang lalaki. At alam ko na maalagaan mo si Ella ng mabuti.”

“Di naman po sa ganun.” Kahit na nahihiya siya kay Mr. Chen ay napangiti si Jiro dahil at least gusto siya ni Mr. Chen bilang asawa ni Ella.

“Kaw talaga Jiro, pa-humble ka pa. At nga pala. Wag mo na akong tawaging Mr. Chen. Tawagin mo na lang ako na Pa.”

“Kailangan po ba?”

“O sige po… Pa.” Nahihiya si Jiro na tawaging Pa si Mr. Chen pero masaya siya.

“Well, that’s my boy.” Ngumiti si Mr. Chen

“O sige po, aalis na ako.” Itinuro ni Jiro ang pintuan.

“Ok. Good night.” At agad umalis si Jiro at pumunta na sa kwarto si Mr. Chen.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

Kinabukasan, tuwang-tuwa gumising si Ella dahil mabibili na niya ang pinapangarap niyang sapatos. Naligo siya at nag-ayos siya ng kanyang sarili. Sinuot nya ang baggy shirt at jogging pants niya at pagkatapos ay agad siyang bumaba.

“Dad, aalis na ako.”

“Di ka pa ba kakain ng breakfast?” Tanong ni Mr. Chen.

“Di na po Dad. May Kailangan po akong bilin sa may labas.”

“Pero Ella, Kailangan mo munang kumain kahit tinapay man lang.”

     4

“But Dad?!!!! Sige Dad, una na ako. Bye.” At kumaripas ng takbo si Ella.

“Ella!” Napatayo si Mr. Chen sa kanyang upuan at agad umupo. “Kailan pa ba nagging mabilis tumakbo si Ella?”

“Ganun po talaga si Ms. Ella pagdating po kay Michael Jordan.” Sinagot ng katulong ang tanong ni Mr. Chen habang dala ang pitchel ng tubig.

“Ah yun pala rason niya.” Tapos nang kumain si Mr. Chen at tumayo na. “O sige, aalis na ako.”

“Sige po sir.” Pagkaalis ni Mr. Chen ay inayos na ng katulong ang pinagkainan.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

Sa isang maliit na bahay, si Chun at Arron ang nakatira. Kumakain noon si Arron at bagong gising lang si Chun.

“Good morning.” Sabi ni Chun habang nag-stestretch up.

“Good morning din.” Ngumiti si Arron at umupo si Chun. Habang nagbabasa si Arron ng dyaryo ay napansin nya ang isang advertisement. “Ch…Ch…Chun!” tawag niya.

“Ano? Mangungulit ka nanaman?”

“Hindi, pero andito na ata ang pinakahihintay mo.” Inabot ni Arron ang dyaryo kay Chun at nakita niya na nasa bansa na nila ang pinakahihintay niya na sapatos, ang Michael Jordan edition Nike shoes.

“Yehey! Kaso…”

“Kaso ano?”

     5

“Mahal yan sigurado pero titignan ko pa rin.” Napangiti si Chun at Napatayo siya. “Alika na.”

“Agad?” Ayaw pa umalis ni Arron dahil gusto pa niya kumain.

“O sige, dalian mo na lang.” Sabi ni Chun.

“Oo alam ko. Alam ko naman na hinihintay mo na iyan ng matagal.”

Pagkatapos ay kumain ng mabilis si Arron at umalis sila agad.

♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥•♥

Habang hinihintay ni Ella ang pagbukas ng Nike store. “Ang tagal naman. Siguro tama si Dad na dapat magbreakfast ako.” Naiinip na sinabi ni Ella. Pagkatapos ng ilang minute ay nagbukas na ang store. “Ay! Sa wakas!” Pagkapasok niya ay kinuha niya agad ang sapatos at sinukat ito. “Wow! Kasyang-kasya sa akin.” Pagkatapos ay binili na niya ito.

Habang bumibili si Ella, ay pumasok si Chun at Arron sa store.

“Chun, di ba iyon ang gusto mong sapatos?” Tinuro ni Arron ang isang rack na mayroon nung gusto ni Chun.

“Oo nga.” Pumunta kaagad si Chun sa rack at dinampot ang sapatos para tignan ang presyo. “Huh?! 20,000?! Ang ganda sana nito kaso mahal, di ba Arron?” Napalingon siya sa kanyang tabi at wala si Arron.  Binatawan niya muna ang sapatos at hinanap si Arron. Lumabas si Chun sa store at nakita si Arron kasama ang isang babae.

“Huy Arron! Mamaya na ang babae.” Sigaw ni Chun.

“Oo na.” Makulit na sinabi ni Arron. Bago pumasok si Arron ay

     6

ningitian niya ang babae at kinidatan niya ito. Halos himatayin ang babae sa gwapo at ganda ng ngiti ni Arron.

“Kaw talaga Chun!” Galit na sinabi ni Arron. “Basta pagadating sa idol mo ay ang liksi mo.”

“Ako pa.” ngiti ni Chun.

Si Ella naman ay umalis na pagkatapos magbayad. Bago tuluyang Lumabas si Ella ay nakita siya ni Arron at binuksan ni Arron ang pintuan para kay Ella. Pagkabukas ng pintuan ay ningitian ni Ella si Arron at sinabing “Salamat, Guard.”

Pumunta si Arron kay Chun at nagsumbong. “Haist! Nakakainis.”

“Bakit Arron?”

“Kasi ba naman, may nakita akong magandang babae, pinagbuksan ko ng pintuan at sinabi ba naman na ‘Salamat guard.’. Sa gwapo kong ito, gawin ba naman akong guard.”

“Kaw kasi… Yan Tuloy ang tawag sa iyo ng babae. Alika na nga.” Pagkatapos ay umalis na sila Chun at Arron.

Habang naglalakad sila at biglang nag-ring ang cell phone ni Arron.

“Wait lang Chun.” Kinuha ni Arron ang cell phone niya sa kanyang bulsa at umalis muna. Habang wala si Arron, nakita ni Chun si Ella. Napatitig siya sa ganda ni Ella.

“Oh Chun, alis muna ako, si Selina kasi eh may ginawa nanaman sa talyer.”

“O sige alis ka na, bago pa lumala yan.” Natawa si Chun dahil sa clumsiness ni Selina. “May kailangan din akong puntahan.” At pagkatapos ay tumakbo na si Arron.

     7

Si Ella naman ay masayang-masaya naglakad. “Lalala” Awit nya. Hindi niya alam na may nagbabalak na nakawin ang kanyang binili. Naglalakad si Ella sa tapat ng store ng may biglang may kumuha ng bag na ang laman ay ang bagong bili niyang sapatos.

“Huy! MAGNANAKAW!” Sigaw ni Ella at hinabol niya ang magnanakaw.

Nung sumigaw si Ella ay narinig ni Chun. Hinabol niya ito at nahuli niya.

“Hoy ikaw magnanakaw! Wag mo nang gagawin ito uli ah.”

“Oo na. Oo na. Ito na!” Binigay ng magnanakaw ang ninakaw niya na paper bag at tumakbo ng mabilis.

“Haist! Bakit ka tumakbo?” Napakamot siya sa kanyang leeg. Tinignan ni Chun ang laman ng paper bag at nagulat siya. “Wow! Michael Jordan edition Nike shoes! Ang yaman naman ng babaeng iyon.” Nung nakita ni Chun ang may-ari nung bag ay sinalubong niya at ibinigay ang bag.

Si Ella naman ay napagkamalan na magnanakaw si Chun.

“O eto na po yung bag ninyo.” Binigay na ni Chun ang bag.

“Ikaw, ikaw! Kayo talagang mga magnanakaw. Bakit ba yan ang ginagawa niyo kaysa sa magtrabaho?”

“Teka lang Ma’am, nagkakamali po kayo. Hindi po ako ang ku---“

“Gagawa ka pa ng rason ha?!” Naputol ang sinabi ni Chun nung sinabi ito ni Ella.

“Pwede bang tapusin mo muna ang sinasabi ko.”

“Aba! At may plano ka pa magsinungaling?” Sa sobrang galit ni Ella

     8

ay tinadyakan niya ang ‘xiao di di’ ni Chun.

“Aray ko! Ano ba? Ni hindi mo pa nga alam kung ano nangyari eh.” Galit na sinabi ni Chun.

“Alika na nga sa Police Station.” Piningot ni Ella ang tenga ni Chun at kinaladkad niya ito papuntang Police Station.

Chun’s POV

Kakaiba itong babae na ito ah. Halos patayin niya ako sa sakit sa ginawa niya tapos ang binili niya pa ay iyon. Para kaya sa kanyang boy friend iyon?

End of POV

Habang kinakaladkad ni Ella si Chun ay pinagtitinginan ng tao si Chun. Pagkadating nila sa Police Station ay tinulak niya si Chun.

“Ikulong niyo yan.” Galit na sinabi ni Ella.

“Hoy babae! Hindi nga ako ang nagnakaw niyan eh.” Galit na sinabi ni Chun.

“Magsalita ka na lang sa korte.” Ipinasok na si Chun sa kulungan. Galit na galit si Chun at nakulong siya sa walang rason.

Chun’s POV

Lagot talaga sa akin yung babaeng iyon.

End of POV

Pagkatapos ay umalis na si Ella sa presinto. At umupo muna si Chun sa isang tabi at umiglip muna.

 

     9



© 2010 rielovella


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

246 Views
Added on January 1, 2010
Last Updated on January 1, 2010


Author

rielovella
rielovella

Muntinlupa, Philippines



About
I'm Liriel. 15 years old girl living in Philippines I like writing stories about love(especially about S.H.E. and Fahrenheit. In short, fanfic. :) ) and poems(if I'm inspired). I write likeS.. more..

Writing
Mirror Mirror

A Poem by rielovella