8 Years Ago..A Story by rozel.raikoA real life story about me that happened 8 years ago...8 Years Ago... -1- Isang araw, I was browsing my Facebook homepage when I suddenly saw a post from my ex's wife. It was a collage of their pictures way back the time they met. With a caption, "8 years ago". I stared at their pictures. Then I remember it was 8 years ago when I also met the two of them. Bigla akong natawa. But deep inside me, I know there is something. I feel envy. 8 years ago... I was 15 then when I met this 19 year old, very tall guy. I met him by common friends. Exchange numbers, then started texting. He invited me to their house. Wala lang, tambay lang! Wala pa akong nagiging serious boyfriend noon. I never even have my first kiss. Siguro kaya pumayag din akong sumama sa kanya, just wanted to know him more. We talked about some sort of things. Then he asked me kung pwede daw ba niya akong maging girlfriend. That time, I must admit, excited din akong magkaroon ng boyfriend. Yung masasabi ko sanang seryoso. Pumayag ako. Anyway, he's good-looking and he looks kind. That moment, he kissed me. I had my first kiss. Pinili kong maging sikreto ang relasyon namin. Ayos lang din naman sa kanya. The next days of our relationship, palihim kaming nagkikita. Tatambay kami doon sa may bundok sa amin. Masaya na ako sa mga ganoong pagkikita namin. Doon ko naranasang mayakap, mahawakan ang kamay. Kaya sobrang mabilis na nahulog ang loob ko sa kanya sa saglit na panahon lang. Mahal na mahal ko na siya. Ilang weeks ang lumipas, may ilan na ring nakakaalam nang tungkol sa amin. Isang araw, he asked me. May hinihingi siya sa akin na of course, hesitant akong ibigay. Natatakot ako at hindi pa ako handa. Sinabi ko sa kanya na baka hindi pa tamang panahon para sa hinihingi niya. Though may tiwala naman ako sa kanya. Then days passed, naramdaman kong may nagbago. Naging cold siya sa akin. Hindi na rin kami masyadong nagkikita. I always exert an effort pero lagi siyang may excuse. Sabi nang kaibigan namin may pinagdadaanan daw siyang mabigat regarding his family. Para saan ba't naging girlfriend niya ako kung hindi ko rin naman siya madadamayan? Pero mas pinili niyang solohin ang kung anumang dinaramdam niya. Then one day nagtext siya sa akin. Gusto raw niya akong makasama at sana mapagbigyan ko siya sa matagal niya nang hinihiling. Yes!I was the most stupid girl that time dahil pumayag ako. Mahal ko siya eh! Gagawin ko lahat, ibibigay ko lahat, wag lang siyang mawala sa akin. Walang sinuman o anuman ang makakapagpabago ng desisyon ko. Basta ang alam ko lang ng mga oras na yun--MAHAL KO SIYA! After nang may nangyari sa amin, things turned out unexpected for me. Things get worst. Nagpaalam siya dahil kailangan niyang umuwi ng probinsya. Family issues as he say so. Wala naman akong magagawa. I expected na kahit nasa malayo sya, constant ang communication namin. Pero madalang pa sa patak ng ulan kung magtext siya. Lagi akong nagmimisscall sa kanya. Kung sumagot man siya, konting usap lang tatapusin niya na agad ang tawag. I felt so miserable. Hindi naman ako manhid para hindi maramdamang unti-unti na siyang lumalayo sa akin. Pero hindi ako bumitiw. Inisip ko na lang, baka nga marami siyang dapat ayusin, sa buhay niya, sa pamilya niya, sa sarili niya. Basta ako, nandito lang ako. Maghihintay at aasa sa pangako niya na babalik siya. I can even remember there is this one night, I was with my friend na friend din niya. Tamang kwentuhan lang. Then diko namalayan umiiyak na pala ako. Sabi ng friend ko tama na, umuwi na raw ako. Sabi ko hindi! Maghihintay lang ako. Malay ko ba sa gabing yun pala bigla siyang dumating diba? Umiyak lang ako ng umiyak. Pero hindi siya dumating. One month na ang lumipas at dumating na siya. Hinintay ko na magtext siya sa akin at makipagkita. Pero sa huli, ako pa rin ang naunang nagtext sa kanya. Pumayag naman siyang magkita kami sa bahay nila only to treat me cold. To let me feel so neglected. The next days hinayaan ko na lang siya. Hinintay ko na lang ulit siya. Then he texted me, when he feel so alone and needed someone "to lean on". Kahit minsan lang, kahit sa ganoong paraan lang, ayos na sa akin. Ang importante nakakasama ko siya, nahahawakan, nahahalikan, nararamdaman. For 3 months nasanay na lang ako sa ganoong set-up. Maghihintay lang ako sa oras kung kailan niya ako kailanganin. Hanggang isang araw, kagagaling lang namin sa bundok, at pauwi na ako nang makita ako ng friend ko. He told me na nagkikita pa rin pala kami. I said, oo naman, kami pa rin naman eh. Then he said na makipaghiwalay na daw ako. Dahil may iba na daw ang boyfriend ko. Sobrang lakas ng kaba ko. Tinanong ko siya kung sino, anong pangalan etc... Pero hindi nagbigay ng kahit anong impormasyon ang friend ko. So I did my own research. Uso pa ang friendster that time. Chineck ko ang friendster niya at doon nakita ko nga ang isang girl at masaya silang magkasama sa picture. Parang sasabog ang puso ko. Naisip ko na ni isang picture na magkasama ay wala kaming dalawa. Inalam ko lang ang pangalan ng babae. The next day kasama ko yung isa ko pang kaibigan. Madalas silang magkasama ng boyfriend ko kaya sa kanya ako kukuha ng impormasyon kahit alam kong hindi din siya magsasalita. Ang alam din niya ay wala na kami dahil hindi naman niya alam na nagkikita kami. Hiniram ko ang cellphone niya at sinabi kong makikitext ako. Agad kong hinanap sa contacts niya ang pangalang hinahanap ko. At Binggo! Got it! Agad kong kinopya ang number sa cellphone ko. That night, hindi ako makatulog. Nakatitig lang ako sa number na nasa screen ng phone ko. Hanggang sa tumulo ang luha ko. Ang sakit sakit ng puso ko. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Mas masakit pa ito sa naramdaman ko noong nireject ako ng crush ko. Paano ba naman, ipinagkaloob ko ang buong sarili ko sa kanya at wala akong ibang hinangad kundi siya na ang makasama ko habang buhay. Pugto na ang mata ko, barado na ilong ko, sugatan pa ang puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakita ko kung gaano sila kasaya sa picture nilang dalawa. Kaya ba palihim lang ang mga huli naming pagkikita at palagi pang sa pagtatalik nauuwi ang lahat? Kaya ba malamig na ang pakikitungo niya sa akin at hindi ko na maramdaman na mahal niya ako? Minahal nga ba niya ako o kinuha lang niya ang gusto niya sa akin? At ako namang si tanga, nagpapauto sa kanya. Dapat na nga ba akong sumuko? Ano pa nga ba ang ipinaglalaban ko? Bago ako nakatulog isang mensahe ang ipinadala ko sa number na kinuha ko sa cellphone ng kaibigan ko. -2- "HI. Don't bother to ask who I am. I just wanted to say.. Please take care of him. Mahalin mo siya nang higit pa sa pagmamahal na pwede ko sigurong ibigay. I've never seen him so happy hanggang makita ko kayong dalawa. Baka nga ikaw talaga ang mahal niya. Baka nga hindi ako ang para sa kanya. Basta sana pasayahin mo siya, ingatan at mahalin. Ikaw na ang bahala. Iyon lang! Goodnight!" Message Sent. Kinabukasan, nakita kong may message ako. Nagreply pala yung number na tinext ko. She asked kung sino daw ba ako? Bakit daw ganun ang mga messages ko? Pero pinili kong hindi siya sagutin. Hindi naman siya nagtext ulit. Pero pagdating ng tangahali may isa pang number ang tumawag sa akin. Sinagot ko ang tawag. Then I heard from the other line the voice of a woman. Bigla ang kabang naramdaman ko. Tinanong ko kung sino siya then binanggit niya ang pangalang pinaka-ayaw kong marinig. Nang mga oras na iyon, dapat ay ibababa ko na ang telepono, dapat tapusin ko na ang tawag at hindi na dapat makipag-usap pa. Pero hindi ko maigalaw ang kamay ko. Hindi ko magawang alisin ang cellphone sa aking tenga. Parang gusto ko pang pakinggan ang nagsasalita sa kabilang linya. Marami siyang tanong pero matagal bago ako nagsalita. "Ako ang girlfriend niya bago ka niya makilala." Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ko. Malumanay pa rin ang boses niya. Parang kampante lang siya habang nag-uusap kami. Ganoon nga ba siya kapanatag sa relayon nila? "Pwede ba tayong magkita?" Hindi ko alam ang aking isasagot. Narinig ko na lang na lumabas sa bibig ko ang mga salitang, "sige, magkita tayo." Pagdating ng gabi ay pinag-usapan namin ang aming pagkikita. Marami din kaming ibang napag-usapan. Matanda siya sa akin ng sampung taon. Career woman na pala siya at may mataas na posisyon na sa kanyang trabaho. Habang binabasa ko ang aming mga palitan ng text message, napaluha na naman ako. Ano nga ba naman ang panama ng isang disisais anyos na estudyanteng kagaya ko sa isang career woman na kagaya niya? Hindi rin naman nagkakalayo ang edad nila ng boyfriend ko/boyfriend niya sa kanya. Nalaman ko rin na nakapunta na siya sa bahay ng boyfriend ko at pormal na ipinakilala sa nanay nito. Isang beses ko pa lang nakita ang nanay niya, kasama pa namin ang mga barkada namin kaya ipinakilala niya kami, kabilang ako na barkada daw niya. Saklap! Pinagplanuhan namin ang aming pagkikita. Nagpatulong ako sa aking kaibigan. Inayos niya ang aking buhok. Nilagyan pa niya ako ng konting make-up at pinayuhan kung paano dapat humarap sa "kabit daw ng jowa ko". Habang papunta na ako sa aming meeting place, mukhang hindi umayon ang panahon. Umuulan at wala pa akong masakyan dahil sa sobrang traffic. Nagtext siya na naroroon na siya samantalang ako'y naglalakad pa. Wala talaga akong nasakyan dahil hindi din naman umuusad ang mga sasakyan. Wala akong choice kundi maglakad at suungin ang ulan at maputik na daan. Halos maiyak ako habang naglalakad. Kinalma ko ang sarili ko at nilakasan ang aking loob. Nang makarating ako sa meeting place, inayos ko ang sarili ko kahit alam kong mukhang lusaw na lusaw na ako. Nakita ko siya. Wearing her sexy yet elegant mini dress and a pair of doll shoes. Her hair long and silky na nakabagsak lang. muli kong sinipat ang sarili ko. I was wearing a simple pink blouse and a short pants. Nakapony tail pa ako. Hiyang hiya akong lumapit sa kanya. She smiled when she approached me at ininvite niya akong kumain. Nang makakuha siya ng table ay sinabi niyang oorder lang siya at iniwan niya muna ako. Muli ko siyang tiningnan from head to toe. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga siya manamit o baka naman nagpaganda lang siya para sa pagkikita naming ito. Well, I can say na maganda lang siya manamit pero believe me, she's not that pretty. I can see myself much prettier, NO! more beautiful than her when I reach her age. Pero naramdaman ko na naman ang sakit nang maaalala kong siya na nga pala ang babaeng minamahal ngayon ng lalaking patuloy kong minamahal. Nang bumalik siya sa table namin niyaya niya akong kumain. Hindi ko alam kung anong mayroon siya at nakukuha kong sumunod sa kanya. Nabura sa isip ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Plano ko pa sanang sumabatan siya but no words utter in my mouth. Nang matapos kaming kumain, she even asked things about me. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa lalaking pareho naming minamahal. Hanggang sa pareho kaming natahimik. I got the chance to speak. "Kaya ka siguro niya..nagustuhan. You.. you dress nicely. You speak so intelligent. You think so maturely. Baka 'yan ang mga bagay na hindi ko kayang gawin." Nakatingin lang siya sa akin expressing to me to go on. "Ako kasi.. hindi ako nag-iisip. Basta go lang ng go! Bigay lang ng bigay! Akala ko kasi, yun ang dapat. Yun ang kailangan niya. Without hesitations, I always give in. Ang alam ko lang kasi, mahal ko siya." Hindi ko alam kung paano ko nagawang ituloy ang pagsasalita sa kabila ng paghikbi at pag-iyak. "Pero ikaw, effortless! Parang hindi mo na kailangang gumawa ng kahit na ano, magbigay ng kahit ano, just be you! Sapat na! Mahal ka na niya ng ganun lang. You are so lucky. Hindi mo alam kung ano mga pinagdaanan ko, ano yung mga tiniis ko para lang sa kanya. Pero siya, parang ang dali-dali lang sa kanya na balewalain ako." Sa puntong iyon ay napahagulgol na ako. Ngayon lang kasi pumasok sa utak ko ang maraming realizations. Realization na hindi nga niya ako mahal. Na sa panahong nagdaan, ako lang ang nagmahal. At siya, nagmahal na nga iba! Hanggang sa napatigil ako ng magsalita ang babaeng kausap ko. "You looked at it na parang madali lang ang lahat para sa akin. But seeing you right now, make things so hard for me. Pero hindi kita sinisisi. Hindi ko lang alam kung saan ako dadalhin ng konsensya ko. Alam mo sa totoo lang, naiinggit ako sayo. Kasi sa murang edad mo, nakakapagbigay ka na ng ganyang klaseng pagmamahal. Maaaring nagkamali ka, at hindi mo na mababalik kung anuman ang nawala, pero ang mahalaga, yung pagbangon mo sa sarili mo. Kasi, I can't imagine kung ano pang klaseng pagmamahal yung kaya mong ibigay kapag dumating na yung taong totoong magmamahal sayo. And I hope na kapag nabuo mo na yung sarili mo na nasira at nasaktan, makapagbigay ka pa rin ng pagmamahal. Sana buksan mo pa rin ang puso mo para sa iba kasi saludo ako dyan eh! Sa puso mo na nagmamahal ng totoo. I hope you get well as soon as you can. It may be unnecessary pero gusto ko pa ring mag-sorry. Dahil naging parte ako ng sakit na nararamdaman mo. Salamat din sayo kasi, you open up your heart to me. Baka kung sa iba yan, unang kita pa lang sa akin, ineskandalo na ako. Alam mo naniniwala ako, when you reach my age, mas mature ka pa sa akin at as maganda ka pang manamit kesa sa akin. Nakikita ko yan sayo." Wala akong masabi. What can I say? Stupid mouth say something please! Pero hanggang sa tuluyan na siyang nagpaalam sa akin nananatili akong nakatiwangwang, absorbing all her words. -3- It's been a week nang makatanggap ako ng text galing kay "boyfriend" at hanggang ngayon wala pa rin siyang kamalay-malay sa mga naganap at sa naging pagkikita namin ng current girlfriend niya. He asked kung pwede daw kaming magkita. Hindi ko alam kung kailangan na naman ba niya ako para sa pangangailangan niya. I admit I miss him so much. Hindi ko alam kung makakaya ko bang tuluyan nang tapusin ang lahat sa amin kapag nagkita kami. Sa huli, nanaig ang puso kong nagmamahal. Napagdesisyunan ko na ring sabihin sa kanya ang lahat at kung magtatapos na ang relasyon namin, I have to accept it. Nang matanaw ko na siya, pakiramdam ko tutulo na naman ang luha ko. Gusto ko siyang sugurin ng yakap. Nang makalapit siya sa akin tinanong niya kung ok lang ba ako? Tumango lang ako. Tinanong ko sa kanya kung saan kami pupunta. Pero malamang pupunta na naman kami sa bundok o di kaya sa abandonadong bahay na madalas namin "tambayan". Pero ipinagtaka ko ang sagot niya. Maglakad-lakad lang daw muna kami. Pasado alas-diyes na ng gabi. Bilog na bilog ang buwan kaya naman kalat ang liwanag nito sa paligid. Habang naglalakad kami ay tahimik lang siya. Nagulat ako ng hawakan pa niya ang kamay ko. Holding hands while walking. Hindi ko na siya maintindihan. Hindi naman siya ganito. Madalas lang kapag nakarating kami sa aming pupuntahan, gagawin niya na ang gusto niyang mangyari at pagkatapos ay uuwi na kami. Hindi nga niya ako inihahatid sa aming bahay. Pero ngayon, kay higpit pa ng hawak niya sa kamay ko. Nagpatuloy lang kami sa paglakad. Hanggang sa napagawi kami sa isang lumang playground. Niyaya niya akong maupo sa bench. Hinintay ko muna siyang maunang magsalita. "Kamusta ka naman?" "Ok lang ako. Ikaw ba?" "Ok lang din." Saglit na katahimikan. "Gusto ko nga palang...humingi ng sorry sayo." Ito na yata ang kinatatakutan ko. Ang pagtatapat niya. "B..bakit?" "Alam ko, marami akong pagkukulang sayo. Hindi lang yun. Marami akong kasalanan na nagawa sayo. Sorry ha!" Nagsimula ng pumatak ang luha ko. "Ayos lang yun! Ayos lang ako. Ako pa ba? Alam mo gusto ko nga ring magpasalamat sayo..kasi hindi ko makikilala yung sarili, hindi ko malalaman yung ganitong side ko kung hindi dahil sayo. Salamat din kasi natuto akong magmahal. Mahal na mahal kita." Nakatungo lang siya. Tumingin siya sa akin at pinahid niya ang mga luha sa aking mukha. "I am so sorry for hurting you like this. Hindi ko deserve yung mga luhang yan eh. Hindi ako deserving para sayo. Kasi gago ako. Hindi kita iningatan. Sinaktan pa kita ng sobra." "Ang gusto ko, sabihin mo sa akin lahat. Sagutin mo yung tanong ko. M..may iba ka na bang mahal?" Matagal bago siya sumagot. "I..I'm sorry. I didn't mean to.. to fall in love with somebody else." Nakita kong tumulo ang luha niya for the first time. At mas lalong nadudurog ang puso ko. "A..alam ko. Alam kong may mahal ka ng iba. G..gusto kong malaman kung minahal mo ba talaga ako?" "Noong una, sinubukan ko ang relasyon natin. Sa dami nang nangyayari sa buhay ko noon, pakiramdam ko kailangan ko ng taong masasandalan. Kaya nung pumayag kang maging girlfriend ko, natuwa ako. Naging masaya ko kasi nandyan ka. But things in my life becomes worst. I don't know how to handle them all kaya kahit ikaw naidamay ko sa mga problema ko, sa mga kapalpakan ko. Hindi ko masabi sayo kasi baka hindi mo maintindihan atsaka hindi dapat problema ko yung iniisip mo. Dapat hindi ako maging problema sayo. Kaya umiwas na lang ako. Pero maniwala ka, minahal kita." "Kung mahal mo naman pala ako, at kung may mga pinagdadaanan kang problema, paano mo pa nakuhang mainlove sa iba?" "There was a time na sobrang frustrate ako. I was in a bar. Hindi ako nagyaya ng ibang friends, ako lang. Then sobrang lasing na ako, muntik na akong mapaaway. Pero nandun siya. She saved me. She saved me from everything. At sa puntong yun,pakiramdam ko nakita ko na yung taong nagsagip sa akin. She's my lucky charm. Everything in my life changed. Unti-unti naayos ko lahat at dahil yun sa kanya." Halos hindi na ako makahinga sa sakit. "You're so unfair! Isang gabi mo lang siya nakilala, feeling mo, siya na ang sagot sa lahat ng dasal mo, na siya na ang nakapagligtas sayo, samantalang ako lagi lang akong nandito, naghihintay sayo. Pero ipinagdamot mo sa akin yung pagkakataon na sana nadamayan kita. Ang masakit pa dun, binalewala mo ako eh. Sana sinabi mo na lang agad. Sana hindi mo na ko pinagmukhang tanga. Ang sakit eh!" "Alam ko. Patawarin mo ako. I know naging selfish ako. Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo, gagawin ko." "Wala ka ng ibang magagawa pa. Kahit anong gawin ko hindi na rin naman kita makakalimutan eh. Habang buhay ka ng parte ng pagkatao ko. Pero wag kang mag-alala. Kakayanin ko to! Babangon ako. May nagsabi kasi sa akin na kailangan kong ibangon yung sarili ko. Kasi itong puso na meron ako, kaya nitong magbigay pa sobrang pagmamahal, doon sa taong magmamahal din sa akin. Salamat din sayo. Sana maging masaya ka. Sana maging masaya kayo." Sa huling pagkakataon, niyakap ko siya nga mahigpit. That was the last time I saw him. -Finale- 8 Years Ago... It's been 8 years since I last saw them. The last time I heard, one year after, they got married and now they have two kids. At heto ako ngayon. Staring at their pictures, seeing how happy they are. A beautiful family. Isn't life so unfair? Kung sino pa yung taong sinaktan, niloko at pinaasa ka, sila pa yung masaya. Pero I realized, maybe at some point, they also suffer, they also got hurt. Hindi ko naman pwede i-claim ang lahat ng sakit eh. Pero masasabi ko naman, nakabangon na ako. Actually, matagal na. Since the day I feel happy for them. I am happy. No matter what life gives me, I accept it wholeheartedly. Yun naman ang mahalaga eh. Yung ilang beses ka mang madapa, ang importante ay kung paano mo ibabangon ang sarili mo, at sa pagtayo mo, ngingiti ka sa buong mundo. Dahil alam mo sa sarili mo na kahit anong mangyari may puso kang handang magmahal at handang magpatawad. This is how life goes on. _raiko000
© 2016 rozel.raikoAuthor's Note
|
Stats
103 Views
Added on January 18, 2016 Last Updated on January 18, 2016 Authorrozel.raikoCalamba, 4, PhilippinesAbout♥ no one can't force me 2 b a loner, but then no one can't force me 2 b happy.. ♥ i want 2 notice evryone, but i don't want 2 b noticed by anyone.. ♥ i spend a lot..i lost money.. more..Writing
|