PANANAMPALATAYA, PAGPUPUNYAGI, PAG-IBIG AT PAG-ASA: MGA KWENTONG CARMELYAN SA HAMON NG PANDEMYA

PANANAMPALATAYA, PAGPUPUNYAGI, PAG-IBIG AT PAG-ASA: MGA KWENTONG CARMELYAN SA HAMON NG PANDEMYA

A Poem by Mary Claire Maliberan
"

this is the longer version.

"
Karaniwa'y butas lahat ng bulsa't 'di man naging mabuti naranasan noong nakaraang taon
Ang papuri nami'y hindi magmamaliw bagkus mas lalo pang mananaig, aming dakilang panginoon
Lahat ay sabay-sabay at pareparehas na pupuksain mga naglalakihang mga alon
Pananampalataya'y mananatili't 'di matitibag, hanggang sa susunod pang mga panahon

Sa mga magulang na patuloy na sumusuporta't nagmamahal sa kanilang mga anak
'Di maipapaliwanag ang aming pasasalamat ngunit sa inyo kami ay lubhang nagagalak
Natuklasan namin kung paano niyo tinahak ang mapanganib na daang lubak-lubak
Ngunit kailanma'y hindi niyo ito inisip kahit kayo pa ay maaaring mapahamak

Kung iyong minamahal ay sinasaktan ka at patuloy na inaabuso 
Nawa'y pakawalan mo na sinta't ipahinga mo muna yaong pagod mong puso
Sapagkat pag-ibig ay kung saan tayo nakararamdam ng pagkaginhawa't pagkakontento
Datapwat mayroon ring araw kung saan pagmamahal ay nakakasakit, nakakapanibugho

Sinta, maghanda dahil sa ati'y marami rami pa'ng darating na nagbabagang pagsubok

Kayrami pa nating sosulusyunang problema't pupunasan pa'ng mga nakakapuwing na alikabok
Maging alisto, mapagkumbaba't huwag mawawalan ng tiwala sa sarili't pag-asa
Ika'y gumawa ng kabutihan sa kapwa, huwag kailanman isipin ang manira nang buhay nang iba

© 2022 Mary Claire Maliberan


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

33 Views
Added on March 23, 2022
Last Updated on March 23, 2022
Tags: pananampalataya, pagpupunyagi, pag-ibig, pag-asa