![]() AlapaapA Poem by Jofer Serapio![]() Translates to "Clouds". This was my first stab with Tagalog Poetry. RC Vagilidad made a video of this poem. This was our project in our Humanities class.![]()
Sa ilalim ng alapaap
Binuo natin ang ating mga pangarap Iniukit sa balat ng panahon Pangakong walang iwanan, walang limutan Pagkakaibigang walang hanggan Dumaan ang panahon Ang oras ay nagsipanaw Nag iba nag mga landas na tinahak Mula sa aki'y, di ka na natanaw Nawalay na tayo sa isa't isa Nagkita rin muli ang dalawang pusong uhaw Ngunit nagbago na ang isa Wala na ang init na sa pagsasama'y bumalot Hindi na tulad ng dati Hindi na sa isa't isa ay importante Baliw nga siguro ako Upang magtiwala sa ganoong pangako Isang pangakong alam kong di magtatagal Mahigpit ang naging kapit sa pangarap Martir nga ba ako o tanga lang talaga? Sa ilalim ng alapaap, ako'y nanunumbalik Doon ko nakakasama ang batang ikaw Sa ilalim ng alapaap, nakatago ang pangako Nakaukit pa rin sa balat ng panahon Ikaw ang bumitiw, ako'y narito pa rin © 2009 Jofer SerapioAuthor's Note
|
Stats
544 Views
1 Review Added on May 16, 2008 Last Updated on January 24, 2009 Author![]() Jofer SerapioParanaque City, Metro Manila, and Kalibo, Aklan, PhilippinesAboutPepe | bibliophile | coffee junkie | (pro)feminist | straight edge | writer Script Frenzy 2011 Art has no boundaries This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-.. more..Writing
|