Ang pagbuo ng isang istoryaA Poem by leticia
Kapag dumating ang oras na magbiro ang tadhana at pagtagpuin tayong muli
Sa eksaktong lokasyon Sa eksaktong oras Ngunit sa ibang taon Hindi ako iiwas Hindi ako tatalikod Hindi ako mag-iiba ng landas Sapagkat nais kong maramdamang muli Kung paano magtagpo ang ating mga mata At bumagal ang takbo ng mundo Kung paano ako suyurin ng iyong matang kulay pula na para bang nagbabagang apoy sa gitna ng tag-ulang panahon Kung paano mo ako suyuin Kung paano mo ako lambingin Kung paano mo ako mahalin Nais kong maramdamang muli Bawat segundong aking nasisilayan ang tamis ng iyong mga ngiti Ang gaspang ng iyong mga palad Ang malambot mong buhok Ngunit bukod pa rito, nais kong maramdamang muli Kung paano nating buuin ang ikaw at ako Kung paano natin nabuo ang tayo At baka sa pagkakataong ito, Ang mga pagkakamali ay maitama At ang sakitan ay mauwi sa pagkaunawaan Subalit ayaw na tayong paglaruan ng tadhana Dahil ngayon pa lang, Sa iba ka na nakatadhana © 2020 leticia |
Stats
14 Views
Added on August 7, 2019 Last Updated on April 12, 2020 |