Senti-myento ng  isang maliit na bundok. . .

Senti-myento ng isang maliit na bundok. . .

A Poem by Pinoy Ako

Ilang bagyo man ang paulit-ulit na dumaan

Upang hagupitan ang mga sanga ng aking mga puno

Maghapon mang sunugin ng araw ang aking luntiang damo

Patuloy man na subukang sirain ng mapanirang mga kamay

Ang yaman na nilalaman ng aking ilalim

Ako ay patuloy at taas noong mananatili

Sa lugar na kung saan ako ay nakatayo

Upang ipamalas sa mga matang mapanuri

Na ang anumang nilalang na sagana sa totoong yaman

Sa gitna at iba’t ibang palo ng unos

Ay mananatiling nakatayong marikit, matatag at higit sa lahat

Matayog.  

                                                   Sa panulat ni Belle

© 2014 Pinoy Ako

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register

Featured Review

Ah ito ay napakagandang comparison ng isang bundok sa katatagan ng tao. Itinuro sa atin na huwag tayong mambato o tumadyak ng taong nakalugmok na pero sa kabila nito minsan binabato tayo ng sunod sunod na pasakit. Pasakit na pwedeng sumira o magpapakatatag sa ating pagkatao... Pero hanggat meron tayong tamang pundasyon at disposisyon para tayong bundok na nanatiling nakatayo. napakapositibo ang ending ng tulang ito.

Posted 10 Years Ago

1 of 1 people found this review constructive.

Belle

10 Years Ago

Naintindihan mo,Gabs...Lagi mong naiintindihan...Salamat.

Reviews

Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe

Stats

571 Views
1 Review
Added on August 3, 2014
Last Updated on August 3, 2014

Author

Pinoy Ako
Pinoy Ako

Pearl of the Orient

About
Halika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..

Writing
BAKIT DAIG ? BAKIT DAIG ?

A Chapter by Pinoy Ako