MACAMELON

MACAMELON

A Chapter by Pinoy Ako
"

Ito ay tunay na nagyari

"


Pagkatapos ng klase sa kolehiyo sa huling araw ng linggo

Kasama ang barkada naglalakad sa iskinita.

May isang tindahan malapit sa kalsada.

Sari-sari ang produkto nila.


Galing na kami dito kahapon. Namili kami ng anim na melon

Ito ay bilog, kulay ay parang hinog at matamis na pinya.

Kayudin ay isalin sa pitsil. Lagyan ng yelo,

asukal at gatas ebaporada

Tikwas sa umaga.


Pagdating sa tindahan habang nagbobolahan

Parehong tindera parehong tinda

Anim na piraso ang binalot niya

Kami'y namangha sa halaga

Ito'y biglang nagmahal.


" Teka muna Aling Tindera.

Kahapon tatlong piso ang bawat isa.

Bakit biglang naging anim na !? "


Nagulat at natamimi ng saglit.

Sa namimiling kuripot ay may palusot

Pero ang kanyang sagot ay tunay na malupit

Gaya ng bagong puga sa preso hindi pahuhuli ng buhay

Kaya itong istorya ay aking naisalaysay.


" Eh kasi macapuno yan eh !!! "


Akda ni NeiL ArandA



© 2014 Pinoy Ako


Author's Note

Pinoy Ako
So meron palang melon na macapuno. Mula noon ang tawag namin sa kanya ay Macapuno Sari-Sari Store . Siguro kung may tinda siyang niyog ay mahal din kasi baka macamelon !

My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Reviews

Pilosopo ang tindera ah! Siguro ang melon macapuno ay bagong genetically engineered variety. Huling-huli na nga ayaw pang umamin. This story reminded me of my brothers’ creed when it comes to girls/marriage: “Tumakbo ka hangga’t may lupa, lumangoy ka hanggat’s may tubig at lumipad ka hangga’t may himpapawid” for a time they were able to do that but apparently, naubusan din sila ng lupang tatakbuhan, tubig na lalanguyin at himpapawid na liliparan. :). Point is, may hangganan din ang ating pamimilosopo dahil lahat tayo ay makakahanap din ng ating katapat. By the way, I used the term “pilosopo” in here in the context of Filipino culture (attributing someone as “pilosopo” when we believe him to be sarcastic or overbearing in reasoning) and not formal/ academic meaning.

Posted 10 Years Ago


Pinoy Ako

10 Years Ago

Very keen and good observation Gab. You are right in the sense that we have this never ending urge t.. read more

Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

544 Views
1 Review
Added on August 2, 2014
Last Updated on August 2, 2014


Author

Pinoy Ako
Pinoy Ako

Pearl of the Orient



About
Halika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..

Writing