PEKEA Chapter by Pinoy AkoSi Aling Kusing ay may anak na nakapagtapos sa kolehiyo. Iginapang nito sa hirap para maging abogado Gustong bilhan ng ina ang anak ng aginaldo. Pulseras na ginto ito'y pakunswelo Sa tagumpay ng anak isa itong premyo. Nagtanong-tanong si Aling Kusing sa bayan nila Tunay na alahas ay napakamahal pala Sa paghahanap napadpad sa bangketa Dito kaya matatagpuan ang hanap niya ? " Manang ano pong sadya nila ? " Tanong ng Bombay. " Lahat po ng nakasabit ay tunay na pilak. Kung ginto ang hanap may sagot sa pangarap." Husto sa naipon na pera ang halaga ng pulseras. Bago iabot ni Aling Kusing ang bayad. Nagtanong siya sa Bombay pang-siguridad. " Paano malalaman kung tunay na ginto ? " May nakalaang sagot ang negosyanteng Bombay. " Pag peke ang ginto at inilubog sa suka at namuti ang ginto. Peke ang ginto. " " Pag tunay ang ginto at inilubog sa suka at namuti ang ginto. Peke ang suka ! ...
Akda ni NeiL ArandA © 2014 Pinoy AkoAuthor's Note
Reviews
|
Stats
9433 Views
2 Reviews Added on August 2, 2014 Last Updated on August 2, 2014 AuthorPinoy AkoPearl of the OrientAboutHalika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..Writing
|