PAKWANA Chapter by Pinoy AkoMaalinsangan ang simoy ng hangin sa himpapawid Walang mabiling yelo sa pinakamalapit na tindahan Nagbakasakali si Juan na pumunta sa talipapa upang tumingin ng matamis at naglalakihang pakwan. Sakay ng pampasaherong trisikleta. Tatlong tindero ang nakahanay sa bangketa. Huling tindero ang pinili niya . Sampung piso ang isa pero ito raw ay matamis at mapula. Nagdudumaling bumalik si Juan sa kanyang tahanan Sa kamamadali pakwan ay kanyang nabitiwan. Pakwan ay nabiyak sa gitna at hindi kulay pula ang bumulaga kundi maputla Bumalik si Juan sa tindero upang magreklamo " Sinungaling na tindero kailangan ibalik ang bayad ko " " Sabi moy mapula ito pala ay maputla ! " " Pero teka " sabi ng tindero kay Juan na agresibo " Bakit anong nagyari sa pakwan ko, parang biniyak ang ulo ? " " Nadulas habang bitbit ko, nalaglag sa gitna ng trapiko " " Kaya naman pala ! rason ng tusong tindero. Puputla talaga iyan ! Ikaw kayang malaglag. Kahit anong tatag, Siguradong mamumutla ka rin na parang asong bahag. " !!! Napakamot si Juan sa ulo. Palaisipan sa kanyang sintido. Akda ni NeiL ArandA © 2014 Pinoy AkoAuthor's Note
Reviews
|
Stats
686 Views
1 Review Added on August 1, 2014 Last Updated on August 2, 2014 AuthorPinoy AkoPearl of the OrientAboutHalika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..Writing
|