AKO

AKO

A Poem by Pinoy Ako

 

 

 

Ang sabi nyo'y ako ang pag-asa nitong ating Inang Bayan
Ako ang sasagip sa nararanasan nitong kahirapan;
Ako ang gagamot sa mahapding sugat na nararamdaman
Ng lahat ng anak na nangakahimlay sa kanyang kandungan.

Madalas sabihin ng ilan sa inyong ako ang siyang sagot
Sa mga tanong n'yong magpahanggang- ngayo'y 'di pa rin malimot;
Paano si Juan? Kailan tataas ang sweldong karampot?
Sino ang mabuti at karapat-dapat maging isang lingkod?

Nariyan sa kalye ang napakaraming matang nang-uuyam
Mayro'ng nanlilibak, mayro'ng nagmamaktol at mayro'ng palaban;
Mayroon din namang naglalahad-kamay upang magkalaman
Ang mga sikmurang kahit tanghali na'y hanap ang almusal.

Mga kapuspalad, kaawa-awa nga kung ating isipin
Kapatid raw sila kaya nga dapat lang na sila'y sagipin;
At ako ang sagot sa madalas nilang dinadaing-daing
Ako ang pag-asa sa muling pagbangon nitong bayan natin.

Paano nga kaya matutupad itong hinahanap ninyo?
Ako'y walang-wala kundi ang mumunting pag-asang dala ko;
Ang kaalaman ko'y dapat pang hubugin ng mga kamay n'yo
Kasama ang pusong makauunawa sa kalagayan ko.

O, paano kaya ang bulsa kong butas lalo kapag 'exam'?
O kaya'y ang 'project' na di ko magawa pag walang 'materials'
Batid ko rin naman, kaya kong umawit, kaya kong sumayaw
Subalit 'ni walang pangrenta man laman niyong kasuotan.

Sana naman ako'y handugan n'yong muli ng malaking puso
Sa tuwing papasok na nakatatawa ang suot kong baro;
Nais ko lang namang marinig na muli, mahalagang turo
Upang sa pagdating ng bagong umaga'y wala ng susuko.

Oo, payag ako, ako ang sasagot sa mga tanong n'yo
Ako ang sasagip, ang s'yang magbabago sa lupaing ito;
Ako'y kabataan, mag-aaral akong sana'y tulungan n'yo
Isa akong dukhang nagsisikap maging 'di lamang 'sang AKO!


                         ---Dhaye

© 2014 Pinoy Ako


Author's Note

Pinoy Ako


Masdan Mo Ang Mga Bata by ASIN

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Reviews

I came to write this piece remembering Jose Rizal's words that "the youth is the hope of our nation". Then as a teacher, nakikita ko naman yung ibang students, hindi active or tinatamad mag-aral kasi walang baon, walang pambili ng materials para sa project, hindi makasali sa activities kasi walang pera.
Wala akong sinisisi sa mga nakikita ko kasi hindi ko naman talaga alam ang dahilan kung bakit mahirap ang mga magulang ng mga mag-aaral na yun, at hindi ko rin alam kung bakit hindi sapat ang pondo para masabi nating ang "Education For All" ay talagang libre para sa lahat...kaya maaring tama yung mga sinabi ni Gab.
Medyo pinakita ko na lang na humihingi ng suporta ang mga bata upang magamit nila ang kanilang mga kaalaman at kasanayan. Maaaring humihingi sila ng tulong sa mismong mga magulang, sa komunidad, sa gobyerno, o sa mga guro at sinumang may mabuting puso na makatutugon sa kanilang mga karaingan.

Salamat sa pagbasa at paglathala ng aking akda, Kabayan.

Posted 10 Years Ago


0 of 1 people found this review constructive.

Pinoy Ako

10 Years Ago

OK I will check that out ...thanks for input Dhaye
Pinoy Ako

10 Years Ago

Awit Sa Mga Bata or Masdan Mo Ang Mga Bata by ASIN ... I think the latter hit your main point of vie.. read more
Daisie Vergara (Dhaye)

10 Years Ago

Ah pareho lang message nyan. Okay na yan. Thanks, Neil.
Una sa lahat maligayang araw ng kalayaan =) May pagkatibak ang tema ng tulang ito ako tuloy ay nag-aalangan na ibato mo sa akin na hindi pa natin nakakamit ang tunay na kalayaan dahil tayo pa rin ay nananatiling lugmok sa kahirapan.

This tackles a heavy topic pero ipinapakita niya dito ang isang katotohanan na ang pag-asa ng bayan ay kailangan din bigyan ng suporta upang sila talaga ay maging pag-asa ng bayan. For how can we become the hope of the fatherland if and when we are not being honed to be as such.


Posted 10 Years Ago


Daisie Vergara (Dhaye)

10 Years Ago

Hehe. Rivermaya yan. Hanap ako ng ballad. Mahirap nga pala hanapan noh? =)
Daisie Vergara (Dhaye)

10 Years Ago

LOL. Parang choice ko ang piece ni Noel Cabangon. Now, listening to his songs. Tatapusin ko to...buo.. read more
gabrielle

10 Years Ago

i love rivermaya. Like ko rin yung awit ng kabataan..also yung "Noypi". naisip ko lang kasi na medyo.. read more

Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

379 Views
2 Reviews
Added on June 10, 2014
Last Updated on June 14, 2014

Author

Pinoy Ako
Pinoy Ako

Pearl of the Orient



About
Halika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..

Writing