PARAWA Poem by Pinoy Ako
Sa mundong aking tinitirikan Akoy nalihis at naligaw ng landas Nawalan ako ng tiwala at ganang magdasal Napakahirap ng buhay, may oras na gusto ko ng magpahinga at magpatiwakal
Pero akoy naghunos-dili dahil naisip ko na meron paring Panginoong nagmamahal Kung akoy babalik lalapit at hanapin Siya Buhay ko ay mahalaga pa rin sa Kanya
Napakalungkot ng daan na aking tinatahak Napakabigat ng bato na pasan ng aking balikat Minsan naisip ko na napakalayo ng Diyos Milyong milya, malabong makita at maabot
Para bang wala Siyang pakiaalam kung akoy nalulunod . Gaya ng asong gala sa lansangan Pagod at patay-gutom. Wala ni isang gustong tumulong Kaibigan at pamilyay naglahong parang bula
Ang buhay ko ay nahalintulad sa paraw Na walang layag at putol ang isang katig Parang kaha ng posporo sa unos ng dagat Walang direksyon at patid ang angkla
Pero naalala ko ulit ang Kanyang pangako at salita Akoy natauhan at nagkaroon ng pag-asa . Hindi pala Niya ako iniwan at kinalimutan Bagkus ako ang kusang lumayo at napariwara ...
akda - NeiL ArandA. 6/1/14 © 2014 Pinoy AkoAuthor's Note
Reviews
|
Stats
599 Views
3 Reviews Shelved in 2 Libraries
Added on June 1, 2014Last Updated on June 2, 2014 AuthorPinoy AkoPearl of the OrientAboutHalika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..Writing
|