PAPEL, LAPIS AT TULA

PAPEL, LAPIS AT TULA

A Poem by Pinoy Ako

 

Sa mundong ating tinitirhan
Hustisya kaya'y napapansin pa?
Kung sa mga taga-silbi't protekta ng taong bayan
Hatol sa bawat krimen ay barya?

Pagmasdan at magmasid sa iyong kinatatayuan
Sabihin sakin kung may silbi pa ang mga mata.
Mga tunay na kriminal ang bahay ay dapat kulungan
Sa daan naghahari't naghahanap ng bagong biktima.

Mula pa kay Rizal katotohana'y nalilihis
Dahil ang mga tao'y walang pagkakaisa
Madami sa atin ang nagtitiis
Habang ang mga tao sa gobyerno'y nagpapakasaya.

Paano uunlad ang bayang sinumpaan
Kung kani-kaniyang nabubulag ng salapi.
Bukas kaya'y atin pang madadatnan
O ang lahat ay magwawakas sa isang gabi?

Ako'y isang batang makata
Isa sa mga tinawag ni Rizal na pag-asa ng bayan
Paano ang tungkulin ay magagawa
Kung puro mali ang nakikita't natututunan?

Gayon pa ma'y ako'y umaasa,
Na tulad ng dakilang bayani may magbabago
Gamit ang mumunting papel, lapis at tula.
Maiparating ang nais sabihin sa mundo.

 

tula ni Ink Splotch

© 2014 Pinoy Ako


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Reviews

Nakikita ko dito sa tulang ito ang kabataang nag-oobserba at may concern sa pagbabago. Sabi nga ng isang kanta "ang awit ng kabataan, ang awit ng panahon." Makapangyarihan ang tinig ng kabataan lalo na ngayon na halos ng lahat ng opinyon ay accessible sa social media (pero sana maging responsible naman tayo sa lahat ng ating isinusulat). A political and socially relevant piece.

Posted 10 Years Ago


Pinoy Ako

10 Years Ago

Salamat Gab sa pagbasa . You have sense and wisdom in your words . I do need to hear that for my own.. read more
Thank you Ink Splotch for sharing your piece to us. I'm sure it will be like by many writers and members of this group. My review will be forthcoming. I like to ponder this a little deeper. It does have some historical side that not all wars are won my numbers and strength alone. I will give my example. The Pen Will Always Be Mightier Than The Sword if its wielded in the noble way and right cause... ( Neil Aranda )

Posted 10 Years Ago



Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

791 Views
2 Reviews
Shelved in 1 Library
Added on May 31, 2014
Last Updated on May 31, 2014

Author

Pinoy Ako
Pinoy Ako

Pearl of the Orient



About
Halika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..

Writing