TANONG NG KAHAPONA Poem by Pinoy Ako
Kaibigan, Kapatid, Kabayan
Mahirap nga ba na tayo'y magkaisa ? Kung parehong kulay ng dugo ang nananalaytay sa ating mga ugat Bangis ng unos, sungit ng dagat
Mahirap nga ba na tayo'y maglingkod ? Kung iisipin natin ang hirap at pagod Patakaran ng gobyerno, maliit na pasahod
Mahirap nga ba na tayo'y magbago ? Pansariling kapakanan ang tanging nasa ulo Walang pakialam sa kapwa tao
Mahirap nga ba na tayo'y umunlad ? Pawis, sipag, tiyaga ay ating itinanyag Laki sa hirap, kalyo sa palad
Mahirap nga ba na tayo'y umasenso ? Ibayong Manggagawa tangi nating produkto Tagas Diwa nakinabang, ang bansang dayo
Mahirap nga ba na tayo'y umangat ? Gaano kataas ang bawat agwat Talangkang isip sa ati'y pinamulat
Mahirap nga ba na tayo'y magkalinga Kung ito ay utos ng Banal Na Bibliya Daing ng dukha ay walang pahinga Huwag sanang ilabas sa kabilang tainga
Mahirap nga ba na tayo'y magtiwala ? Sa Puong Maykapal na Siyang may gawa, Ng mga bituin, ng langit at lupa
Manumbalik sa Kanya tangi nating pag-asa Sa ikauunlad at kinabukasan ng ating bansa...
Tula ni NeiL ArandA 5/28/14
© 2014 Pinoy AkoAuthor's Note
Reviews
|
Stats
496 Views
2 Reviews Added on May 28, 2014 Last Updated on May 30, 2014 AuthorPinoy AkoPearl of the OrientAboutHalika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..Writing
|