ANG PAG-IBIG MO

ANG PAG-IBIG MO

A Poem by Pinoy Ako

Katulad ng isang tala ang pag-ibig mo, aking mahal
Tanglaw ko sa bawat gabi, sa mundo ko'y nagbigay-kulay
Tanging hiling, tanging nais, ang tangi kong dinadasal
Huwag mawalay sa akin dahil ikaw lang ang aking buhay

Ikaw nga ang aking tala, ilaw ka ng aking daigdig
Dahil sa 'yo ang gabi ay tila umagang naghihintay
Bawat ngiti sa labi mo'y kumikinang na pag-ibig
Liwanag na dulot nito sa puso ko'y nagbabantay

Katulad din niyong asin na siyang nagpapalasa
Ikaw ay walang kapantay, pag-ibig mo'y walang kapara
Dahil sa 'yo ang puso ko'y patuloy na umaasa
Ang mundo mo para sa 'kin, sana'y huwag magsasara

O, tanging ikaw lamang ang s'yang ilaw ko at asin
Sana'y 'di na magmaliw ang dakilang pag-ibig natin.

 

Tula ni Dhaye

© 2014 Pinoy Ako


Author's Note

Pinoy Ako


" With A Smile " song by Eraserhead. Hope you like this song to go along with your wonderful and beautiful piece. Please let me know if I need to change it. Enjoy!


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Reviews

Pag si Dhaye ang gumawa siguradong maganda =). ang asin ay siyan nagpapalasa ng ating pagkain. para rin ang isang nagmamahal, walang lasa ang buhay kung hindi kapiling ang tunay na minamahal. Gustong-gusto ko ang kanta ng eraserheads (along with the other Filipino alternative/pop rockbands). But the song "Panalangin" (originally by Apo Hiking Society but was revive) came to mind after i read dhaye's piece.

Posted 10 Years Ago


Pinoy Ako

10 Years Ago

Idi bassit ak . Ada magasin idyay balay nga Liwayway and then Bannawag . Nagregat nga basaen . Ngem .. read more
gabrielle

10 Years Ago

Agbasbasanak met idi ti Bannawag and Liwayway uray month old na yung mga news dun. lol. "naturod" is.. read more
Pinoy Ako

10 Years Ago

Its ok ... well go back to our national dialect after this brief intermission number . HaHaHa. Banna.. read more
Dhaye nilagay ko dito ang iyung tula
kasi ito ay taimtim at napakaganda.
Sana maraming dito ay makabasa ...
Tutuo nga ang iyung sabi
Sa asin at tala ... Itoy aral sa Banal
Na Tipan. Huwag sanang ikahiya ...
( Neil Aranda )

Posted 10 Years Ago


1 of 1 people found this review constructive.

Daisie Vergara (Dhaye)

10 Years Ago

Salamat din, Neil.
Pinoy Ako

10 Years Ago

I add a song Dhaye. Hope you like it. Please let me know if this is right for your piece. Its pinoy .. read more
Daisie Vergara (Dhaye)

10 Years Ago

Tamang-tama, Neil. Salamat.

Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

358 Views
2 Reviews
Added on May 27, 2014
Last Updated on May 29, 2014

Author

Pinoy Ako
Pinoy Ako

Pearl of the Orient



About
Halika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..

Writing