TALA AT ASINA Poem by Pinoy AkoSalt and LightTala at Asin Inisip ko ang mundo na ikaw ay wala. Ang kaibahan at kaibsan ng iyung simpleng presensya at impluwensya Inisip ko ang mundo na ikaw ay wala Makamtan man sa buhay lahat ng naisin Ay puro ulan at walang bahag-hari
Inisip ko ang mundo na ikaw ay wala Alapaap na makulimlim, araw na puro gabi Wala ni buwan ni isang bituin o tala
Inisip ko ang mundo na ikaw ay wala Malawak at malago na kagubatan. Batis na puno ng isda, napakatahimik, wala ni isang huni at awit ng ibon
Iniisip ko and mundo na ikaw ay wala Kahalintulad sa isang malaking kaharian Kahit napapalibutan ng karangyaan Na mayroong hari at walang reyna.
Inisip ko ang mundo na ikaw ay wala Magarbong buhay na akin may tamasain Ihain man ang pinakamasarap na pagkain .
Sagana sa lahat, lamesa na puno ng handa. Walang gana walang lasa . Para kang sangkap sa aking hapag. Kunting taktak kunting budbod kahit kapirangot ay nagpapaiba sa panlasa ..
Inisip ko ang buhay na ikaw ay wala Makulay man ang daigdig sa paningin ng madla Nanaisin ko pang mabuhay sa dilim, gutom, hirap Iyong tanging pagibig ang aking ilaw at asin ... Tula ni NeiL ArandA 5/26/14 Thoughts and words inspired by filipino poets and writers on this site © 2014 Pinoy AkoAuthor's NoteReviews
|
Stats
546 Views
3 Reviews Shelved in 1 Library
Added on May 26, 2014Last Updated on May 28, 2014 AuthorPinoy AkoPearl of the OrientAboutHalika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..Writing
|