AKO'Y ISANG BULAG, PIPI AT BINGI

AKO'Y ISANG BULAG, PIPI AT BINGI

A Poem by Pinoy Ako

Minahal ba kita

            dahil ba sa ikaw ay isang dyamante

            dahil ba sa ikaw ay isang ginto

            dahil ba sa ikaw ay isang nakakaakit na tala

                   na ang mundo'y sa iyo nakatingala

            dahil ba sa ikaw ay isang awit

                   na nakakahalina sa aking kaluluwa

                   at sa kadahilanang kapanglawan ay aking langit

                   at ang awit lang nakakagising sa aking kaluluwa

                   at sa pagising taglay ang aliw

 

Hindi lahat ng yan ay ang katwiran

        dahil ako ay di makakita at makarinig

 

Kung ano pa man ang dahilan

         minahal kita kahit papaano

 

Kung ano pa man ang dahilan

         minamahal kita dahil sa ikaw ay ikaw

 

Kung ano pa man ang dahilan

         at ano man ang sinasabi ng mundo

         laban sa iyo, di ko pinapakinggan

At ano pa man ang iyong nakaraan

         wala akong puna at masabi

         dahil manhid ang aking dila

At ano man ang iyong pinagdaanang karimlan

         itago mo lang, mata ko ay di mo mapilit sumilip

         at ako ay bulag sa ano man ang iyong pinagdaan

At kung ikaw ay naroroon pa rin 

         sa tatsulok ng karimlan,

         ako man ay pipi pero sasabihin ko sa'yo

         mapapakingan mo ang aking maamong salita

         ako man ay bulag, maigagabay  kita

         at ako ay magiging lampara mo tungo sa

         kaliwanagan ng buhay na marangya

         


Ako'y Isang Bulag, Pipi at Bingi

ni Ency Bearis


 

© 2014 Pinoy Ako


Author's Note

Pinoy Ako

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Reviews

Someone brought to my attention about the writings of Pablo Neruda. It was really good. I'm happy to see and hear that the song fared well with the poets message and piece.

Posted 10 Years Ago


Ah, isang napakagandang tula ng pag-ibig. Sa taong tunay na nagmamahal balewala ang mga pagkukulang kaya para siyang bulag, pipi at bingi. Naalaala ko sa tulang ito ang Sonnet XVII ni Pablo Neruda.
"I love you without knowing how, or when, or from where.
I love you straightforwardly, without complexities or pride"

Posted 10 Years Ago


Ency Bearis

10 Years Ago

Maraming salamat gabrielle sa iyong magandang puna sa aking katha.
Napakaganda nang mensahe ng tula na ito. Tutuo nga ba na puwedeng magmahal ang taong my kapansanan. O kaya meron bang pusong puwedeng magmahal sa mga tulad nito. Dakila ang pagibig at dalisay ang damdamin ang inihahayag ng manunulat ng tulang ito. Salamat Ency sa iyung kuntribusyon. Sana naway tularan at gayahin ng marami nating kabayan ( Neil Aranda )...

Posted 10 Years Ago


Ency Bearis

10 Years Ago

Maraming salamat sa iyong magandang kataga tungkol dito sa tulang ito, kaibigang Neil Aranda at sa '.. read more

Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

2440 Views
3 Reviews
Added on May 18, 2014
Last Updated on May 28, 2014

Author

Pinoy Ako
Pinoy Ako

Pearl of the Orient



About
Halika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..

Writing