TAGHOY SA TAG-ARAWA Poem by Pinoy AkoSa dalampasigan ng ating libis Nabuo ang mga munting pangarap Sa tag-araw tayo’y maglalakbay Bilang magkasangga sa buhay. Ngunit anong pait ng poot ng karagatan-- Nilunod niya ang taimtim nating sumpaan! At sa pampang na ito, mundo’y gumuho Na siyang nagpuno ng luksa dito sa aking puso. Panahon ay nagdaan, ang sakit ay nabawasan At ako’y bumalik sa ating dalampasigan. Ah, masdan! Ang araw ay nagningning muli! Mula sa langit, mahal, abot dito ang iyong ngiti.
Sa panulat ni Gabrielle
© 2014 Pinoy AkoAuthor's Note
Reviews
|
Stats
438 Views
2 Reviews Added on May 11, 2014 Last Updated on May 29, 2014 AuthorPinoy AkoPearl of the OrientAboutHalika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..Writing
|