PANGUNGULILA (Bersyon 2)

PANGUNGULILA (Bersyon 2)

A Poem by Pinoy Ako


Hindi ko ninais na malungkot
Hindi ko ninais na umiyak
Subalit sa bawat halakhak
At sa bawat paggasta
Ang lawak ng mga dagat
Ang taas ng mga bundok
Ay tila malalagim na mga sumpang
Nakakapit sa aking pagkatao
Katulad ng isang balaraw na nakabaon 
sa kaibuturan ng aking dibdib

Hindi ko ninais na malungkot
Hindi ko ninais na umiyak
Subalit sa bawat paghagod
At sa bawat paghimas
Ng mga butil ng palay
O ng mga masasarap na ulam 
Na nakahain sa hapag-kainan
Ay parang may bikig na bumabara
Sa aking lalamunan

Kailan ka nga ba namin huling nakita?

Kailan ka nga ba namin huling nakasama?
Ang pagod mong mga kamay,
Ang namamanhid mong mga binti
Kailan nga ba namin huling nahaplos?

Kailangan nga bang ikaw ay lumayo?
Kailan matitighaw ang uhaw naming mga puso
Sa pagkasabik na muli kang masilayan?

Saan nga ba matatagpuan ang tunay na kaligayahan,
ang kapayapaan at ang marangal na buhay?





PANGUNGULILA ( Bersyon 2 )

                               ang sariling bersyon ni Dhaye 

                              hango sa unang bersyon na sinulat ni Pinoy

© 2014 Pinoy Ako


Author's Note

Pinoy Ako

Maaring bisitahin ang pahinang eto http://www.writerscafe.org/hearmymind para sa iba nya pang mga sinulat na pampanitikan.

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

310 Views
Added on May 11, 2014
Last Updated on May 31, 2014

Author

Pinoy Ako
Pinoy Ako

Pearl of the Orient



About
Halika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika... Ang Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..

Writing