So this is the original version and dedicated to another Filipino poet and writer. I would like to place a song here that would compliment the piece ....I like the wordings of this piece Dhaye. Good dedication
Ang lalim naman, Kabayan...parang karagatan sa lalim ha? Hehe.
At dahil Pinoy naman ako at nagustuhan ko ang iyong tula, gagawa na lang ako ng aking bersyon mula sa iyong mga linya. Maari mo itong angkining sa iyo dahil sa iyo naman nagmula ang konsepto.
Ang aking mga bersyon:
PANGUNGULILA (Bersyon 2)
Hindi ko ninais na malungkot
Hindi ko ninais na umiyak
Subalit sa bawat halakhak
At sa bawat paggasta
Ang lawak ng mga dagat
Ang taas ng mga bundok
Ay tila malalagim na mga sumpang
Nakakapit sa aking pagkatao
Katulad ng isang balaraw na nakabaon
sa kaibuturan ng aking dibdib
Hindi ko ninais na malungkot
Hindi ko ninais na umiyak
Subalit sa bawat paghagod
At sa bawat paghimas
Ng mga butil ng palay
O ng mga masasarap na ulam
Na nakahain sa hapag-kainan
Ay parang may bikig na bumabara
Sa aking lalamunan
Kailan ka nga ba namin huling nakita?
Kailan ka nga ba namin huling nakasama?
Ang pagod mong mga kamay,
Ang namamanhid mong mga binti
Kailan nga ba namin huling nahaplos?
Kailangan nga bang ikaw ay lumayo?
Kailan matitighaw ang uhaw naming mga puso
Sa pagkasabik na muli kang masilayan?
Saan nga ba matatagpuan ang tunay na kaligayahan,
ang kapayapaan at ang marangal na buhay?
------------------------------
PANGUNGULILA (Bersyon 3)
Hindi mo nakikita, hindi mo naririnig
Ang kanilang mga daing, ang kanilang mga tinig
Mula sa umaga at hanggang sa gabi
Inaasam pa ring muli kang makatabi.
Subalit sa pagpatak ng malakas na ulan
Sa bawat paghampas ng alon sa dalampasigan
Sa taas ng mga bundok, at lalim ng dagat
Ang alalahanin ka ay di pa rin sapat.
Nais ka nilang mahagkan, nais kang mayakap
Subalit nasaan ka, hindi pa rin matanggap
Na sa sandaling ito'y nakikipagsapalaran
Naririyan ka't nagtitiis sa lupain ng dayuhan.
Sa bawat paggasta, sa bawat paghalakhak
Walang nakakaalam, walang nakatitiyak
Kung kailan mawawala ang lihim na kirot
Ang sakit ng paglayo'y di pa rin malimot.
Kung ang hanap nila'y ang iyong mga bisig
Sapat na bang kaloob ang para sa bibig?
Kung ang nais nila'y muli kang mamasdan
Sapat na ba ang salapi upang lungkot ay maibsan?
Sabihin mo, ipakita mo, kaibigan
Na sa magkalayong mga puso'y may bukas pang nakalaan...
------------------------------
Maginhawang buhay--yan ang dahilan kung bakit nangingibang-bansa ang ating mga kababayan. Minsan, mailap ang magandang trabaho sa sariling bayan kaya nagbabakasakali silang sa ibang bansa nila iyon makikita at makukuha. Sa isang banda, hindi naman natin sila masisisi. Itinuturing na sila ngayong mga bagong bayani. Iyon nga lang, iba-iba ang pananaw ng bawat tao. Iba-iba ang prayoridad sa buhay. Subalit minsan may hindi magandang bunga ang pagkakalayo- may mga relasyong nasisira, may mga anak na naliligaw ng landas, at may mga taong nangungulila...
Makahulugan at madamdamin ang iyong tula, Kabayan. Ang totoo, wala akong maisulat kahit na ano kaya talagang pahinga ko sana sa pagsusulat, pero pagkabasa ko ng tula mo, biglang mayroon akong naisip. Ipagpatuloy mo lang yan. =)
Salamat sa napakagandang inspirasyon na dala mo kasabay ng repasong eto, Kabayan. Ang mga bersyon na.. read moreSalamat sa napakagandang inspirasyon na dala mo kasabay ng repasong eto, Kabayan. Ang mga bersyon na iyong inilahad ay talaga namang isang magandang pagbubuyo sakin at sigurado sa iba pa nating kasama dito na makapagsulat gamit ang sarili nating wika. Isang karangaln na ikaw ay kasama ko, kasama namin dito sa adhikain na eto.
Malugod kong minimithi na patuloy mong ibahagi dito sa amin ang mga susunod mo na tula, at kung ikaw ay papayag, nais ko na itampok sa pahina na eto yangdalawa mong bersyon. Maraming Salamat!
10 Years Ago
Sis, parang buhay ko ito. Don't show Pax. He will feel more melancholic. I need a happier Art Dir.. read moreSis, parang buhay ko ito. Don't show Pax. He will feel more melancholic. I need a happier Art Director.
10 Years Ago
@ Pinoy: Katulad ng sinabi ko, ariin mong sa iyo ang mga tulang naibahagi ko. Walang anuman.
<.. read more@ Pinoy: Katulad ng sinabi ko, ariin mong sa iyo ang mga tulang naibahagi ko. Walang anuman.
@ Rachelle: Sus, hindi naman po akin itong yung unang tula, sis. Nakisali lang ako. Kaya yan ni Pax. Napapag-usapan na namin dati pa ang kalagayan nya sa ibang bansa at pati yung mga iniwan nya dito sa Pinas.
This speaks truthfully of the plight of our Overseas workers and their families. NAkapagbagabag ng damdamin. Baka malunod taayo ng luha pag nabasa ito ni pax :)
Posted 10 Years Ago
10 Years Ago
Honga. Nga lang Gabs, weekend vacation daw nya ngayon kaya kunyari wala sya muna dito at hinid nya t.. read moreHonga. Nga lang Gabs, weekend vacation daw nya ngayon kaya kunyari wala sya muna dito at hinid nya to nababasa. :D
Halika subukan natin magsulat gamit ang sariling wika...
Ang Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas. Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang pal.. more..