Pilipinas, Marami Ngunit Nagkaka-isaA Chapter by The Philosopher's NotebookThis is an entry to a Philosophical essay writing contest in the Philippines. It is in Filipino... Translating it would be difficult. I won 2nd runner up for this essay.Pilipinas, ang ating pinakamamahal na bansa. Binubuo ng pitong libo, isang daan at pitong (7,107) isla. Mula Batanes hanggang Jolo, maraming nagsasalu-salo sa maluwalhating bansang ito. Binubuo rin ito ng maraming wika. Ngayon, tayo ay binigyan ng isang tanong na maaaring makapagbago sa ating bansa. Isang tanong na, simula’t sapul, ay itinanong na natin. Paano nga ba magiging susi sa kaunlaran at katatagan ng ating bansa ang pakilala sa bawat wika? Ang wika daw ay ang tawag sa buong dagat ng istilo ng pag-uunawaan at pakikipag-unawa. Kaya daw tayo mayroong wikang Tagalog, wikang Ilokano, wikang Bisaya, wikang Bikolano, atbp. Ang bawat dagat na ito ay may pagkakaiba sa isa’t isa. Ngunit, kahit na sila’y iba’t iba, ang mga dagat na ito ay bumubuo pa rin sa sangkaragatan ng kawikaan na may iisang diwa. Paano ito magiging susi sa ating kaunlaran at katatagan? Kung ating titingnan ng mabuti, sa iba’t ibang lugar n gating bansa ay may iba’t ibang ring wika. Kung pagsasama-samahin ang mga mamamayan ng bawat wika, sila ay hindi magkaka-unawaan dahil iba iba ang kanilang mga wika. Sa makatwid, ito ay maaaring magdulot ng pagka-kanya-kanya sa ating bansa. Maaari ngang iba iba ang ating mga wika. Maaari rin itong magdulot ng pagka-kanya-kanya. Kung ganoon nga, bakit matatag pa rin ang ating bansa? Bakit umuunlad pa rin tayo? Ang kasaysayan na mismo ang nagsasabi kung bakit. Una, dahil sa ating mga ninuno, mayroon na tayong isang wika na ginagamit ng lahat ng mamamayan sa Pilipinas. Ito ay ang wikang Filipino. Ginagamit natin ito bilang pambansang wika upang ang lahat ng istilo ng pakikipag-unawaan ay mapag-isa sa pamamagitan ng wikang ito. Ito ang ginagamit natin sa pakikipag-usap sa iba’t ibang lahi. Ito rin ang ginagamit natin sa pagtuturo as ating mga silid aralan. Ang wikang Filipino, sa makatwid, ay kumakatawansa lahat ng wika sa Pilipinas. Ikalawa. Ang bawat lahi ay may naitutulong sa ating pag-unlad dahil sa kanilang masipag na paggawa. Maaari natin tawagin itong “kanya – kanyang pagbabayanihan” sapagkat, kahit na may iba’t ibang uri ng gawain ang mga mamamayan, ang bawat lahi naman ay may naipapamalas na pagbabahagi sa ating bansa at sa iba. At ang huli, ang bawat wika, kahit na iba-iba ang mga salita sa kanilang istilo ng pakikipag-unawaan, ay iisa pa rin ang diwa ng mga ito sa bawat wika. Halimbawa ay ang salitang “maganda” sa wikang Tagalog. Sa wikang kapampangan, ang maganda ay “malagu”. Iba rin naman sa wikang Ilokano. Sa Ilokano, ito ay “napintas”. At sa wikang Bikolano, ito ay “magayon”. (kaya, kung gusto mong sabihan ang isang dalaga na siya ay maganda sa wikang Bikolano, ang sasabihin mo ay “magayon ka.”) at ang salitang “maganda” ay iba rin sa iba pang mga wika. Ngunit sa kanilang pagkaka-iba ng baybay, iisa pa rin ang kanilang tinutukoy. Iisa pa rin ang kanilang diwa. At itong salitang kanilang tinutukoy ay wala nang iba kundi ang “maganda”. Sa makatwid, ang kaunlaran at katatagan ng ating bansa ay hindi imposible. Ang pagkamarami ng mga wika sa ating bansa ay hindi hadlang sa ating kaunlaran at katatagan ngunit ito ay ang simula lamang ng pagkakaisa ng ating bansa. At ang pagkakaisang ito ay nagpapahiwatig ng kaunlaran at katatagan ng ating bayan, ang Pilipinas, ang perlas ng silangan. © 2008 The Philosopher's Notebook |
Stats
893 Views
Added on October 22, 2008 AuthorThe Philosopher's NotebookCromwell, CTAboutMy name is Keith, 19 yrs old from Cromwell, Connecticut... Likes to read books, play the flute, sing, compose sonnets and write essays (in short, artistic and creative)... Friendly and sweet... .. more..Writing
|