GUITAR KEYCHAINA Story by Harlie Queena short story i made..greatly inspired by my admiration to Kean Cipriano. HAHA sorry but it's tagalog. I passed this as a project sa Filipino nung 1st year college ata, ginawa pa namin tong Comics. “Sana’y maging akin siya.. hmmm…”, papikit na binulong ni Alexia habang nakahiga sa itaas ng rooftop nila. Kinaugalian na niya ito gabi-gabi. Doon siya nangarap ng gising at iniisip na naman niya ang iniidolo niyang si Kean na vokalista ng isang sikat na banda. “Lex! Nako ang batang to. Bumaba ka na nga diyan at kakain na tayo. Nagugutom na ang Papa mo”, sabi ng ina ni Alexia. “Opo Ma, nandiyan na po”, agad na sagod nito. Si Alexia, 17 taong gulang. Nasa katamtamang estado ng pamumuhay. Maganda, masiyahin at astig. Tulad ng karamihang kabataan ay mahilig siya sa musika at pagdating naman sa paborito niyang banda ay nagkakandaloka siya. Lex ang palayaw niya.. Bumaba na siya para kumain.. Habang kumakain.. “Ma, Pa, pwede po ba akong pumunta bukas sa Mall?”, tinanong siya ng kanyang ama. “Ba’t ba anak, ano ang gagawin mo doon?”, tinanong siya ng kanyang ama. “Hai nako Pa, pupuntahan na naman niyan ang paborito niyang si Kean, ba’t ba obsess na obsess ka sa kaniya”, sabi ng ate ni Alexia. “Ewan ko sayo Ate Danita, eh kasi naman ang KJ mo… Killjoy! Killjoy! Sige ka magiging matandang dalaga ka niyan. Ikaw din.” Dalawa lang si Alex at ang Ate niyang si Danita ang magkapatid. “TUmigil na nga kayong dalawa. Ang mga batang ito, wala ng ginawa kundi magbangayan”, sabi ng ina nila. “Ok na Lex, napagkasunduan na naming ng Papa mo. Basta ba’t may kasama ka lang.” “Opo Ma, kasama ko naman si Toni.” “Toni, Toni ka diyan. Baka boyfriend mo yan,” sabi ng Ate niya. “Ate naman eh, kung mayroon nga eh di mabuti. Kaso wala pang nagkakamali.” Nagtawanana ang mag anak. “Maganda ka anak. Bata ba’t pag may boyfriend kana ay ipakilala mo samin ng Mama mo.” “Naks naman Pa, ‘Lam niyo naman na ang pangarap ko ay si Kean.Hmmm…” “Huwag ka masyadong umasa doon ‘nak, mag-idolo ka lang at gawin mong inspirasyon. Kasi pag hindi masasaklatan ka lang.” “Opo Pa.” Pagkatapos ng hapunan ay agad naman itong bumalik sa rooftop. Duamting na ang araw ng gig ng banda ni Kean. Hapon na ‘yun, nagmamadali na si Alex na pumunta sa mall kasama ang kaibigan niyang si Toni. “Mare, bilisan mo naman… Baka malate tayo sa gig at hindi ko na maabutan si Kean. Iiyak talaga ako, masyadong traffic! Next time mas aagahan natin,” sabi ni Alexia. Nagising si Alex. Pagtingin niya sa kalangitan, nakita niya ang uwan na pawang nakangiti sa kanya. Biglang umambon kaya agad siyang pumasok sa loob at uling natulog. “Lex, gising na, may pasok ka pa,” ginising si Lex ng Ate niya. “Lunes po ba ngayon? Napasarap tulog ko eh. Hehe.” Agag-agad itong naligo at bumihis at umalis ng hindi nag aalmusal. Nang malapit na siya sa paaralan niya at ng papatawid na ay mahina siyang nabundol ng isang kotse, natumba siya pero agad siyang tumayo at pinintahan ang mga taong nagmamaneho ng kotse at kinatok ang bintana nito na tila ba’y galit na galit at nagmumura pa. At nang bumukas ang bintana ng kotse… “Ano ka ba!Papatayin mo ba ako?!,” pasigaw na sinabi ni Alexia Nang mahimasmasan ay nagulat siya ang nagdadrive pala ng kotse ay si Kean. Biglang hinimaytay si Alex. Agad naman siyang dinala ni Kean sa pinakamalapit na clinic. Malipas ang tatlumpong minute, nagising si Alexia at agad nitong nakita si Kean na tumingin sa kaniya. “Miss, okey ka na ba? Pasensiya kana ha, nagmamadali lang kasi ako kanina at may tumawag sa’kin kaya di ‘di kita napansin,” sabi ni Kean sa kaniya. Walang masabi si Alexia. Gusto niyang magsalita pero walang kataga ang lumalabas sa bibig niya. Tila gulat na gulat pa rin ito. “Heto pala ang gamit mo. Alexia pa la ang name mo. Ang astig ha!, dagdag pa ni Kean. Nakatingin lang si Alexia kay Kean, tuliro na nga siya. Palagay niya’y nanaginip pa rin siya. “Okey ka nab a Miss? Kasi aalis n asana ako. May pasok pa ako at may gig pa ko mamayang hapon. Pero ok lang ‘yun, kasalanan ko naman. Sorry talaga ha. Hayaan mo, babalikan kita para bumawi sa sayo, I’ll just make it up to you.” Si Alexia at tumango lang at tahimik pa rin. Tanging maririnig lang niya ay ang lakas ng kabog ng ibdin niya. Nang mahismasan na ay tumungo siya sa paaralan nila at agad ikinukwento sa kaibigan niyang si Toni ang mga pangyayari. Dumating ang hapon… Palabas na sila ng gate. “Sige Lex, mauuna na ako. May date pa ako. Well, goodluck sa’yo, sana Makita mo ulit si Kean mo Mare”, patawa nitong sinabi. “Kaw ha, are you questioning my sanity?Haha gising na gising ako kanina. Inggit ka lang..Hehe. SIge, ingat sa date mo.” Maya-maya lang ay may humintong tsekot sa harap niya at namumukhaan niya ito. Sabi niya sa sarili niya, “ Parang heto yung kotse na bumundol sa’kin kanina.” At kay lakas na naman ang tibok ng puso niya. Lumabas si Kean at kinausap nito si Alexia, “Miss buti naman naabutan pa kita. Ok ka nab a? Na-cancel yung gig namin. Kaya heto pinuntahan kita, babawi na ko sayo. At guilty rin kasi ako.” Nanahimik lang si Alexia at pumasok sa kotse ni Kean. “Miss, huwag ka nang mahiya. Magsalita ka naman. Nagwoworry na ko kung na’pano kana.” Kinain na ni Alexia ang hiya at nagsimulang magsalita sabay pikit ng mata, “Nakakainis dahil sa dinami-dami ng tao na makabundol sa akin, ay ikaw pa ang nakagawa! Hindi ko magawang magalit sayo. Eh kasi naman idol na idol kita at hindi ako makapaniwala na nandito ako ngayon at kasama ka!” Dahan dahan niyang binuksan ang kanyang mata… “Ahmm.. okey lang yun.” Hinawakan ni Kean ang kanyang kamay. “Nako, ang lamig naman ng kamay mo.” “Eh, pano ang lamig-lamig ng aircon ditto sa kotse mo.. at isa pa kinikilig ako. Hehe.” “Buti naman tumawa ka na. O, saan mo ba gusting kumain? Treat ko.” “Kahit san lang po.” “O, ba’t naming pinu-“Po” mo ako. Kean na lang Miss.” “Okey Kean, huwag mo rin akong tawagin na Miss, Lex na lang.” “Wow. Ang cute naman ng nickname mo ha. Sige Lex, saan na tayo kakain?” “Kahit san lang nga”, sabay ngiti ng wagas. “O, sige dito na lang tayo sa Sbarro.” “Ang sosyal naman nito.” “Ano?” “Wala, sabi ko nga ang gwapo mo talaga.” “Ano?” “Wala, sige dyan na lang tayo.” Pumasok na sila sa Sbarro at nag-order. Nagsimulang magkwentuhan. Inumpisahan na ni Kean. “So what course are you taking?” “Ahmmm… Nasa Consevatory of Music ako sa UST.” “Cool, dyan din ako noon. Kaso nasa ESA na ko ngayon, I’m taking up Bus. Ad.” “I know, avid fan mo ata to!” “Ah Oo nga pala pero ngayon huwag mong isipin na malayo ang agwat natin. Just think that we’re friends. So mahilig ka sa musika ano?” “Siyempre naman, idol nga kita, iniinspire mo ako. Yan tuloy ang daldal ko na. Comfortable na kasi ako. Kaw kasi. Haha pero nanginginig pa mga tuhod ko. HAHA!” “Haha. Pinapatawa mo ako. Ang ganda mo naming ngumiti.” “Huwag mo naman akong bulahin. Hindi ka nakakatuwa. Kinikilig ako.” “Uy, hindi. Totoo yun! Promise.” Pagkatapos ng mahabang pag-uusap ay umuwi na sila at nagpalitan ng mga cellphone numbers. Hinatid na ni Kean si Alexia. “Bye Lex. Thanks sa time and nice knowing you. Next time ulit. Keep in touch lang ha. I’ll text you.” “Ahehe. Sana nga may next time. Bye Kean, ingat po!” “Halos linggo-linggo nga ay ganoon ang nangyari. Naghahanap talaga si Kean ng time para makadate si Alexia. Sa text… <Pano ako lalayo sayo, eh sa mga ngiti mo pa lang di na ko makatayo.><Korny mo naman Lex. Haha> <Heto yung sakin, Screw kaba?> <Ha? Bakit?> <Kasi the more na umiikot ka sa isip ko, lalo kang bumabaon sa puso ko.>
“Haha! Talaga bang si Kean ang nagtetext sakin? Nakakaloka na ang kilig!”, sabi ni Alexia sa sarili. At araw-araw na nga sila nagpalitan ng text at mga banat. At sa halos isang buwang pakikitungo at pagpaparamdam ni Kean, tinanong nya si Alexia, “Lex, could you be my girlfriend?” Nagulat si Alexia at napaiyak na lang sabay sagot ng “Oo naman!”. Di pa rin makapaniwala si Alexia sa mga nagaganap. Pinakilala na niya ito sa kaniyang pamilya at ganoon din si Kean sa kaniya. Naging masaya ang kanilang pagsasama at sa kunting panahon lang ay talagang naging maganda ang pakikitungo nila sa isa’t- isa. Palagi silang magkasama at masayang nagkukukwetuhan. Kapag may gig ang banda ay nandiyan si Alexia na nakasuporta, ganoon din si Kean pag may mga espesyal na palabas itong si Alexia. Masayang- masaya si Alex. Natupad ang kanyang hiniling. At nang dumating ang kanilang 1st monthsary, ibinigay ni Alexia kay Kean ang gitarang keychain na lagi niyang dala. “Uy, gwapo, ito’y para sa’yo. Happy Monthsary!,” sabay yakap sa nobyo. “Ibinigay nito sa akin. Kaya magpasalamat ka sa kanya,” dagdag niyang sinabi at tila bang nakangiti na lumuluha-luha ang mata.” “Naks, salamat mahal! Ang sweet mo naman! Sige thank you po guitar keychain! Hehe” “Hehe. Totot mahal, binigay ka niya sa’kin. Ibulong mo lang hiling mo dito.” “Di ko nay un kailangan mahal, basta ba’t nandiyan ka lang.” “Lam mo ang swerte-swerte ko sayo Kean! Mahal kita dahil yun ang nararamdaman ko. Hindi dahil sikat ka, gwapo ka. At mas lalo kitang minahal sa mga pinakikita mo sakin.” “Pero kun’diman tayo hanggang dulo ay huwag mong kalimutan. Narito lang ako laging umaalalay, hindi ako lalayo.” “Naks ang drama naman ng mahal ko. Ito mahal, gift ko for you.” Agad naman binuksan ni Alexia ang regalong binigay ni Kean at nang binuksan niya ito at may lamang unan na may picture nilang dalawa. At muli naman itong lumuha. Araw-araw na silang magkasama at tila bang gusto ni Kean na makasama si Alexia kaysa mag banda. Kahit anong pilit ni Alexia sa kaniya ay ayaw niya talaga. Umabot ng isang taon ang kanilang relasyon. Hanggang sa nawala ang kasikatan ng banda ni Kean. Isang gabi, sa araw ng kanilang anniversary at nakaupo sila sa rooftop ng bahay ni Alexia ay nagkaroon ng meteor shower. “Lex, mahal, nakita mo ba yun? Ang ganda! Hehe Happy Anniversary!” Inilabas ni Kean ang gitarang keychain. “Mahal, di ba sabi mo tinitupad ng keychain na to ang mga kahilingan na binibulong ditto. Mag- wish ka mahal para sa anniversary natin.” “Lam mo mahal, tinupad mo na ang mga pangarap ko. Sandali lang mahal ko, kukunin ko lang sa baba ang pinadeliver ko.” Kinuha ni Alexia ang gitarang keychain at may binulong. “Salamat, dahil binigay mo siya sa akin pero gusto kong matupad niya ang lahat ng kanyang pinapangarap maliban sa akin,” sabay ang patak ng luha niya. Nabalot ng katahimikan ang paligid. At parang napalibutan ng nakabubulag na ilaw ng paligid. Ngayon nasa entablado na si Kean at si Alexia naman ay nasa ibaba. Hindi na kilala ni Kean si Alexia. Hindi na niya naalala ang mga pangyayari. Ganoon din ang mga tao na nakakaalam tungkol sa kanila. At naiintindahan naman ito ni Alexia. Natanggap na niya ang lahat ay pawing isang hiram na pangarap lang na kailangan ding isauli. Tangi niyang pinanghahawakan ay ang alaala. Ngayo’y patuloy niyang sinusuportahan si Kean bialng isang fan. At milagrosong namang suot-suot ni Kean ang gitarang keychain na ginawa niyang kwenta. Masaya na si Alexia sa kinalalagayan niya at ni Kean ngayon. Hindi man natin masasabi. Baka darating rin ang araw na sila’y muling pagtagpuin na hindi hinihiling o pinapangarap kundi sadya mangyayari lang. © 2011 Harlie Queen |
Stats
305 Views
Added on September 23, 2011 Last Updated on September 23, 2011 Tags: Kean Cipriano, guitar keychain, dreamboy Previous Versions AuthorHarlie QueenIloilo City, Region VI, PhilippinesAboutdaydreamer who dreams of her own fairytale. hopeless romantic. sentimental fool. craves for blueberry cheesecake and coffee jelly frappe. em a videoke freak. pictureholic. music is my sanctuary.. more..Writing
|