Papel, Lapis at TulaA Poem by MirraSa mundong ating tinitirhan Hustisya kaya'y napapansin pa? Kung sa mga taga-silbi't protekta ng taong bayan Hatol sa bawat krimen ay barya? Pagmasdan at magmasid sa iyong kinatatayuan Sabihin sakin kung may silbi pa ang mga mata. Mga tunay na kriminal ang bahay ay dapat kulungan Sa daan naghahari't naghahanap ng bagong biktima. Mula pa kay Rizal katotohana'y nalilihis Dahil ang mga tao'y walang pagkakaisa Madami sa atin ang nagtitiis Habang ang mga tao sa gobyerno'y nagpapakasaya. Paano uunlad ang bayang sinumpaan Kung kani-kaniyang nabubulag ng salapi. Bukas kaya'y atin pang madadatnan O ang lahat ay magwawakas sa isang gabi? Ako'y isang batang makata Isa sa mga tinawag ni Rizal na pag-asa ng bayan Paano ang tungkulin ay magagawa Kung puro mali ang nakikita't natututunan? Gayon pa ma'y ako'y umaasa, Na tulad ng dakilang bayani may magbabago Gamit ang mumunting papel, lapis at tula. Maiparating ang nais sabihin sa mundo. © 2014 MirraAuthor's Note
Reviews
|
Stats
793 Views
4 Reviews Added on May 30, 2014 Last Updated on May 30, 2014 AuthorMirraPhilippinesAboutI am from a distant island, far from the real civilization. English is not the primary language here, although they teach it in school but grammars, pronunciations and the like are still a problem to .. more..Writing
|