![]() Alam Ko NaA Poem by Enknt![]() Sa bawat katanungang iyong pinupuna 'Sang hudyat ng aking 'di makatarungang kaba Tungo sa tusong titig ng iyong mga mata Sa 'king palagay, ako'y nabihag mo na . Ngunit sa paanong kalagayan ang saya Kung sa 'ting pagsasama, ako'y talo na? Ang simula ng mga pag-aalala At pagsasakripisyo nitong dala . Marahil sa 'king kaibuturan ay tanggap ko na Bagkus ako'y isa nanamang pamana Ng isang panaginip na naantala At katotohanang sa mundong ito'y nagkakasala . Subalit anong patunay ang makukuha Sa munting pagaalinlangan at pagpapadala Sa kinang ng iyong mga mata At kalaliman ng iyong mga salita? . Sana'y ipagpatawad mo ang aking pagsinta Siguro ako'y naiintindihan mo na Mga pala isipang habag sa 'king pananalita At karagdagang pangkaloobang pagkadismaya . Ngayon at alam ko na, Ako'y lalayo nalamang ba? Ito'y isang pagtatanggal ng maskara Sapagkat ika'y napapanaginipan ko na... © 2017 Enknt |
Stats
148 Views
Added on June 12, 2017 Last Updated on June 12, 2017 Tags: pagibig, philippines, love, tagalog, filipino Author![]() EnkntPhilippinesAboutI'm a nineteen year-old lad who chose the path to a life of complex roads and myths. Yet, I have decided to breathe, and add a beating of my heart with everything I come to face. I run better when the.. more..Writing
|