TAYO NGA LAMANG BA?

TAYO NGA LAMANG BA?

A Story by mark
"

a filipino essay

"

Dama ko ang kanyang pangunulila, dama ko ang kanyang kalungkutan, at dama ko ang kanyang labis na paghihinagpis. Sa bawat kong galaw, sa bawat kong hinga, wari bang ako ay walang magawa. Nais kong pigilan ang mga pangyayari, nais kong matigil ang lahat, at nais kong mabago ang kanyang pagtingin. Mabilis ang mga naging pangyayari. Nagbunga ang ilang buwan ng pagsusuyuan at ang sanggol ay sumibol. Tila ba nakabibigla ang mabilis na galaw ng panahon, hindi na namalayan ang mga pangyayari.


Isang araw ay dumating ang isang dilag; maganda, marilak at puno ng misteryo. Noong una’y nais na mapaalis at hindi nakita ang kanyang kahalagahan. Marahil ay hindi lubos na kilala, hindi alam ang pinanggalingan, hindi kilala, hindi alam ang pagkakakilanlan. Ngunit bakit kaya tayo ganoon? Hindi natin mapagkatiwalaan ang iba at hindi natin sila iniintindi?


Di nagtagal, mga ilang buwan muli ang lumipas. Ang dilag ay pinagkatiwalan at tinanggap ngunit di lubusang minahal bilang isang kapamilya. Araw- gabing nagtanod, di natutulog hanggang hindi nalalamang ligtas ang lahat. Ito baa ng estrangherong noon ay hindi man lamang binigyang pansin, ngayon ay lubos na ang tulong at pagmamahal na inihahandog. Sapat na ng aba na siya ay pakainin at painumin, ni hindi lamang bigyan ng masisilungan at ang kanyang pinakaaasam?


Dumating na ang panahon na siya ay nagkaroon ng pag-irog. Sininta ang lalaking nakatira sa kapitbahay. Pinilit mang itinaboy, hindi sila napigilan at itinuloy ang kanilang pag-iibigan. Ilang buwan pa ang lumipas at sumibol ang binhing itinanim. Nadagdagan ang buhay sa mundong ibabaw, nadagdagan ang mga nilalang na nagmamahal, at maaaring mahalin. Hindi man sila inasahan, sila ay bahagi na ng ating mundo; kahati natin sa regalo ng May Kapal.


Ngunit bakit ganoon? Para bang pati sila’y hindi natanggap. Bakit pati ang mga walang kamalay-malay na musmos na ngayon lamang nasilayan ang sinag ng araw ay binalewala rin? Bakit pati silang walang kalaban-laban ay isinantabi at pinaglaruan ng tadhana? Ngunit iisa ang tanong: sila nga ba ang pinaglaruan ng tadhana o sila’y mga pagsubok na ipinadala ng Ama?


Ang mga kaawa-awang nilalang itinaboy, inilabas sa tahanan na akalay ko’y naguumapaw ng pagmamahal. Ang mga walang kalaban-laban na nilalang ay ibinalik sa dilim at dinala sa kakaibang mundo; mundong hindi nila alam. Akala siguro nila’y magiging masaya ang kanilang mga buhay ngunit itim at puti lamang ang mga kulay na kanilang magigisnan. Ang mga sanggol, wala pang isang araw ay inilayo sa kanilang ina.


Dama ko ang kanyang pangunulila, dama ko ang kanyang kalungkutan, at dama ko ang kanyang labis na paghihinagpis. Wari bang nais niyang lumaban, wari bang nais niyang magsalita at pagilan ang pagwawalay sa kaniyang mga anak. Ngunit, gaya noong siya ay unang napadpad sa kung nasaan siya sa kasalukuyan, wala siyang nagawa. Wala siyang nagawa kundi umiyak. Naisin man niyang humabol sa mabilis na paglayo ng kaniyang mga pinakakamamahal ay wala siyang magawa. Wari bang naghahabol sa isang bagay na kailanma’y hindi pa nakikita.


Maaaring maisip natin na ang mga tao lamang ang nakakaramdam ng sakit. Maari nating masabi na ang ibang mga nilalang ay walang ibang emosyon kundi galit. Ngunit sa mga pangyayaring ito, nadama ko ang sakit ng isang kaawa-awang nilalang na hindi man lamang nakuhan maipahayag ang kanyang sarili kung saan lubos na maiintindihan ng kaniyang mga kinakausap. Naintindihan ko ang kanyang sakit, ang kanyang pangungulila at paghihinagpis.


Ang nilalang ay isang aso at hindi isang tao. Minsan masasabi na lamang natin na mas may puso pa sila kaysa sa atin. Minsan inaakala natin na tayo ay mas matalino ngunit gayon nga ba talaga? Alam natin ang tama at mali ngunit bakit minsan ay nagagawa natin ang mga maling bagay? Pantay- pantay lamang dapat ang mga karapatan at pagturing natin sa iba pang mga bagay at nilalang dito sa mundo. Matandaan nawa natin na ang mundong ating ginagalawan ay hindi lamang ginawa para sa mga tao kundi para na rin sa iba pang nasa paligid natin dahil sa katapusan ng ating araw, masusukat tayo kung paanong naging TAO tayo at hindi kung paano nagpakatao.

 

© 2014 mark


Author's Note

mark
first time publisher, please be kind:)

My Review

Would you like to review this Story?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe

Advertise Here
Want to advertise here? Get started for as little as $5

Stats

156 Views
Added on June 4, 2014
Last Updated on June 4, 2014
Tags: filipino, essay, human, tao, mundo

Author

mark
mark

Rizal, Philippines