Hindi Ako

Hindi Ako

A Poem by Annabel Lee
"

Putting my 2 am thoughts into one poem.

"

Nakatulala sa dingding
Ako'y nakapikit at halos di na magising
Sa katotohanang ika'y di na babalik
Sa piling ko at sa matamis kong halik

Kasing-itim ng diwa ko
Ang aking puso na nabalot ng bato
Inakala ko'y ikay ang makakapagpasaya sa puso kong nasawi
Pasensya na, mahal ko, nagkamali ako't bumabawi

Nakatingin sa mga tala, naalala ko na hindi ako para sayo
Kaya pala isang araw napagtanto kong ika'y lumayo
Hindi nga pala ako ang babaeng nararapat
Pero sana ika'y naging matapat

Hinawakan mo ang mga kamay ko ng saglit at ito'y binitawan
Mga masasayang ala-ala nauwi sa kalungkutan
Unan at kumot na bumabalot sa'kin
Ako'y lumuluha, nakapikit at nananalangin

Oo nga pala, hindi ako sa'yo
Ako'y tumakas at tumalikod sa mga payo
Mga kamay mong malalambot aking hindi na mahahawakan
Mga matatamis mong salita saglit lang pala mararamdaman

Sana man lang sinabi mo sa una na hindi mo kakayanin
Nang ang pakiramdam ko'y hindi inaalipin
Sa mga paglalambing mo't pagbibigay atensyon
Ngayon, kung nakikita mo lang na sa pangyayari ako'y di sang-ayon

Naalala ko, hindi nga pala ako ang nakatakda
Na lumakad sa simabahan na puno ng nakakatakda
Mga bulaklak na dapat kong dadalhin, bibitawan ko din pala
Habang ako'y papalayo sa mga nasirang alaala

© 2016 Annabel Lee


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Reviews

[send message][befriend] Subscribe
.
2am thoughts. Very familiar to me.

I have no idea what it says, Ellie. But the language is fascinating! Perhaps if you cannot translate it into English, leave a little Author's Note for those of us who cannot understand the language?

Just a thought. I did take a look! Hahaha.

Posted 8 Years Ago



Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

79 Views
1 Review
Added on May 3, 2016
Last Updated on May 3, 2016
Tags: tagalog

Author

Annabel Lee
Annabel Lee

Manila, NCR, Philippines



About
Just another human spilling out her emotions by means of writing. more..

Writing
12: 45 pm 12: 45 pm

A Story by Annabel Lee