Bakit Nga Ba?A Poem by Le SapphireSa bawat oras na ako'y nag-iisa Bakit nga ba laging naaalala ka ang nais at gusto ko ay makita ka At ika'y makakapiling sa tuwina
Bakit nga ba? ang tanong ko sa sarili Kung bakit ikaw pa ang aking napili Pinapangarap ko na ako'y mapansin mo At malaman mo ang laman ng puso ko
Bakit nga ba ang aking nararamdaman Ay di ko lubos na maintindihan Pagtingin at pagibig na walang hangan Handang maghihintay magpakailan pa man
Kailan mo pa kaya ako mapapansin At magkaroon ka ng kunting pagtingin Ikaw ba kaya'y nararapat sa akin? Ikaw ba ay dapat na pakamahalin? © 2017 Le Sapphire |
Stats
65 Views
Added on April 18, 2017 Last Updated on April 18, 2017 AuthorLe SapphireCagayan de Oro City, region 10, PhilippinesAboutI'm Ms. Lenie Pama, from Philippines. I'm 29. I love writing. more..Writing
|