BuhanginA Poem by Randolf RamosTula
Lakbayin mo ang dalampasigan,
na wari'y nagpipinta ng iyong pares na paa. Tulad ng mga ibong malaya na naglalaro sa kahel na langit. Sadyang maganda ang umaga sa bukang liwayway Ang araw ang saksi ng iyong paglalakbay Na wari'y nagbabantay sa bawat hakbang na iyong tinatahak. Hindi kailanman kumurap. Hindi kailanman nagpabaya. Lakbayin mo ang dalampasigan Na tila walang katapusan. Sadyang marupok ang mga buhangin kung saan mo nilalapat ang iyong mga paa. Ngunit kailanman huwag kalimutan ang musika ng mga alon. Ang halik ng hangin sa iyong paglalakbay Malaya mong iukit ang iyong mga paa sa buhangin hanggang sa dulo ng dalampasigan sa dakong takipsilim. Hindi kailanman maaaninag ang iyong mga paa Sa lona na mga buhangin sa dakong takipsilim. Ngunit sa panibagong umaga kahit nilamon na Ng mga alon ang bakas ng iyong mga paa. Saksi mo ang araw. Saksi mo ang dagat. Saksi mo ang ibong malaya. Saksi mo ang hangin na minsan ng dumampi Sa iyong mga talampakan. Na minsan nang naging abala at nagganyak sa iyong paglalakbay. © 2021 Randolf RamosAuthor's Note
|
Stats
151 Views
Added on March 30, 2021 Last Updated on March 30, 2021 Author
|