Ang Pagtataksil ng Isang Tela

Ang Pagtataksil ng Isang Tela

A Poem by Chara

Isinilang ako nang hubo’t hubad
Sa kalaunan ay ibinalot sa tela
Sa mga aral na nagsasabi
Ikaw anak magbihis ka
Maging mapanuri sa iyong pananamit
Ang blusa mong itim ay maluwag ang leeg at masyadong hapit
Kita ang tali ng iyong bra
Bakat ang karikatura ng iyong katawan
Saluwal mo ay maiksi mistulang panty na lamang
Sa iyong pananamit maria clara ang iyong poon
Ako ay nagpalit
Sa aking paglakad sa isang iskinita
Bahid ng takot nang marinig ang huni ng ibon
Ngunit batid sa aking kaalaman
Sipol ng mga asong nananakmal ang paningin
Akala ko ako’y maproprotektahan ng mga telang makapal
Bakit? Eh aking poon nama’y si maria clara
Di ko mapagtanto ang lohika
Na kung saan ang kadalisayan ng isang kababaihan ay nasusukat sa libo-libong mga sinulid at mga hibla
Di ko mawari kung paano nakasalalay sa tela ang pag-iisip
Bakit kailangan ko pa maging katulad ni maria clara
Kung siya rin naman ay binigo ng mga tela

© 2021 Chara


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

54 Views
Added on June 17, 2021
Last Updated on June 17, 2021
Tags: Filipino, Tagalog, Poem, Women, Woman, Rape