I'm Hot And You're Cold

I'm Hot And You're Cold

A Story by Judy Angel
"

One thing to discribe Alyana Alliason, she's carefree. She doesn't care about what people will think about her. She does what she think she can without difficulty. She's easy, in every sense of the wo

"
bCHAPTER I
Maraming nagsasabing ang landi-landi ko raw, napakasama ng ugali ko, sana hindi nabubuhay ang mga tulad kong salot sa lipunan. Ang dali-dali sa ibang manghusga ni hindi kapa nga kinikilala o ni sarili nila hindi nila kayang ayusin. Ganun kapag maganda ka. Kilala ka ng lahat. Kinaiinggitan. Kaya lahat ng kahit konting galaw mo nabibigyan nila ng pansin. Pero ano ba naman ang pakialam ko eh seriously? Kaylangan ba may pakialam ako? Haynaku! Ang dapat sa kanila dedmahin! Kasi mas lalo mo silang pinapansin mas lalo ka nilang bubwesitin kasi yun naman talaga ang intensyon nila, ang atensyon mo. In short, feelingerang frog na kulang sa pansin dash inggeterang mukhang ipis. Kaya ako? Kapag napapansin nila ang bawat galaw ko imbes mahayblad eh natutuwa ako. Aba magbunyi ka! Kasi dahil sa kanila aber sikat ka! Kiber ko? Kasalanan ko bang dyosa ako at pang aliping saguiguilid lang ang beauty nila? Kaya ikaw na nakakarelate nito, flip your hair and smile lang ng bonggang bongga. Yung tipong Miss International. Sagarin mo na ang inis nila sabay kaway at flying kiss plus kindat. Naku tingnan ko lang kung sinong araw ang masisira. 
 Katulad ngayong araw. Naglalakad ako sa hallway nang may nakasalubong akong mga mukhang ipis at daga. Pesti. Makabili nga ng baygon mamaya. Yung pink. Sheyt!
 Kasalukuyan akong rumarampa nang makasalubong ko ang mga ka-officemate kong inggetera na ewan ko kung saan hinuhugot ang mga kakaibang pick lines nila. 
 "Naku gerl, yung iba jan late na naman pumasok. Namimihasa palibhasa kinakalantari si Sir Morgan kaya hindi tinatanggal. Hindi naman kagalingan, kung hindi yan sipsip wala sya sa posisyon nya ngayon.." sabi nung mukhang ipis. 
"Oo nga gerl, sipsip kasi. Parang straw lang, sipsip na plastic pa. Inaabuso ang kabaitan ng amo natin. Akala mo kung sinong magaling." yung mukhang dagang gala naman. 
 Tumaas ang kilay ko. Aba parami na ng parami tong dalawang to ah? Nung nakaraan malandi, keri, feelingera, malantod, at kung ano ano pa. Ngayon ito naman. Tsaka hindi uso ang 'girl' sa kanila? Imbes iwasan ay hinarang nya ang dalawa.  Tumaas ang kilay ng mga ito. Gusto tuloy nyang humagalpak ng tawa. Mga walang ka-appeal-appeal! Nagmukha silang Lucia Joaquin. Actually mas maganda pa ito kapag hindi inidet. Excuse moi, ako lang ang taong kahit sumimangot, magmukhang pulubi o kahit kalbo pa, dyosa pa rin. Eh ang dalawang kaharap nya? Trying hard! Sarap tadyakin nitong killer heels ko eh. 
 "Ahm excuse me. Miss ah�"oh I'm sorry I forgot your names�"" suminghap ang mga ito. Nanlaki pati butas ng ilong na kahit ata thumb ko kakasya dun. "�"but is that me you two are referring? I'm sorry but you got it all wrong. Anyways I don't have to explaine myself kasi sino ba naman kayo? Wala akong paki pero�"" dinuro nya ang nagulat na mukhang ipis at pinaningkitan ng mata ang katabi nito. "�"Pero wag na wag nyong iparirinig ulit saakin ng harap-harapan na hindi ako magaling or incompetent dahil una hindi kayo ang naging amo ko kaya hindi nyo alam ang kakayahan ko. Pangalawa, kung ano man ang meron ako ngayon pinaghirapan ko.  Kapag ako hindi nakapagtimpi sa inyo, magtago na kayong mga inggeterang mga mukhang peste kayo dahil ibabaon ko kayo pabalik sa lungga nyo. Tandaan nyo, hindi nyo pa ako kilala ng lubusan. Matagal ko na kayong pinagbibigyan. At! Masamang magalit ang mga taong mahaba ang pasensya."Binigyan nya ng matalim na sulyap ang dalawa at hindi nya ibinaba ang paningin hanggang sa umiwas nalang ang mga ito ng tingin. Good. I smirk.
 Pinameywangan nya ang mga ito sabay taas ng kamay. Yumuko ang dalawa at dali-dali nilagpasan sya para pumuntang canteen. Pero narinig pa nyang humirit ang isa. "Hmp! Akala mo kung sinong maganda!"
Abat! Grrr.
 Yan ang sinasabi ko. Sa araw na araw na ginawa ng Poong Maykapal,  palaging ganyan kasama ang sasalubong sa araw ko for three years. Imagine? Three years! Kung iba pa yun baka nagbigti na. Kaya natutunan ko tuloy ang Art of Dedmanism at Manhidnism dahil sa mga taong katulad nila.
 Mabilis na tinungo ni Alyana ang elevator nang masulyapan n'yang alas diyes na! Kahit naman sobrang maunawain ni Sir Morgan Elvidra ay nakakahiya parin. Actually, 10:30 pa talaga ang pasok nya dahil narin sa kagustuhan nito. Alam kasi nito kung gaano sya kapuyat dahil kahit late sya pumasok ay late din naman syang umuuwi. At dahil sa mga makikitid ang utak ay binibigyan ng iba yun ng ibang kahulugan. Kiber! Si Sir Morgan ang CEO and President of Elvidra Corporation. Mining ang negosyo nito na minana pa sa mga kanunu-nunuan daw nito ayon rito alongside with can foods, wine, clothing, and etc. Bukod sa maunawain at mabait ay sadyang napaka down-to-earth ng ginoo. Ayaw nga nitong magpatawag na Sir Elvidra dahil masyadong pormal daw.
Tinanguan nya pa si Marites, ang 45 taon gulang na receptionist ng matanda sa loob ng 25 taon.
 Pagpasok ay agad syang yumuko, Japanese style. 
"Sir sorry po, na late kasi naman�""tumayo sya ng maayos saka umupo ng pabagsak sa harap ng swivel chair nito at bumuga ng malakas sa mukha ng matanda na imbes mainis ay natawa lamang. Palibhasa ay sanay na ito sa pagiging asal pobre nya. Komportable syang ipakita rito ang pagiging 'sya' dahil alam nyang hindi sya nito huhusgahan basta. Kaya kahit napakaraming nag-alok sa kanya ng modelling ay tinanggihan nya dahil ayaw nyang iwan ito. Napakalaki ng utang na loob nya sa amo. Ito ang nagsilbing ama, guro, tagapangalaga at pamilya noong panahon na wala syang kakampi sa pakikipag-sapalaran nya sa buhay. Isa pa hindi nya tipo ang easy money na maghuhubad lang milyones na. Gusto pa rin nyang nagmula sa dugo't pawis nya ang perang ipanggagasta.
 "Ano bang nangyari sa iyo hija, sambakol na naman ang mukha mo?"nag-aalalang hinawakan nito ang kamay nya. Yan ang kinaiinggitan at pinagmumulan ng tsismis dito sa opisina na sa totoo lang ay walang katotoran dahil anak ang turing ng matanda sa kanya.
Umirap sya bago sumimangot, "Yung mga aswang na naman sa baba Sir. Panira sa buong taon ko. Naku kakarmahin din yang mga yan." natawa ito bago umupo ng tuwid.
Sa naaaliw na tinig ay sinabing, "Sabi ko naman sa iyo, itatanggal ko sa trabaho ang mga iyon."
"At sabi naman sa inyo Sir hindi rin papayag yan dahil ayaw nyan ng maraming tsismis. Pag tinanggal mo yung mga taong ganoon eh mas lalo silang mag-iisip ng masama."sabat ni Marites na kakapasok lang dala ang folder na kakailanganin ni Sir.
 "Ang mabuting gawin sa mga iyan, ipabarang mo!" imbes matuwa naiinis sya lalo.
 "Nay naman eh! Ang morbid mong mag-isip." Inay ang tawag nya rito dahil parang ina nya itong mag-advice. Kinatatakutan din ito sa opisina dahil mas strikta pa ito kay Sir Morgan palibhasa ay laon. Na kinatatakhan ng marami dahil kasundong kasundo nya raw. Sabi nung mga mahadera baka pinainom ko raw ng venom ko. Wateber.
"Aba bakit? Yan ang nararapat sa mga taong mapanghusga na hindi marunong tumingin sa sariling dumi nila!" natatawang anito.
 Napahalakhak na rin si Sir Morgan habang umiiling. Sanay sa pagiging makukulit nila Marites na pag sa labas parang dragong hindi mo malapitan. 
 "Padagdagan mo ng dila!" natawa silang pareho.
 "O di kaya palagyan ng nguso ng baboy sa noo nay!" sabay pa silang nag-apir habang nagtatawanan. Kahit waley naman. 
 Napahawak pa sya sa tiyan kakatawa na natigil lang nang may kumatok. Mabilis nyang inayos amg sarili at pinunasan ang luha.
Pinanlakihan pa sya ng mata ni Marites na parang sinisisi sya. Aba ito ang nag-simula!
 Tumikhim rin si Sir Morgan bago pinapasok ang bisita. Napahinga sya ng maluwag. Si Bea. Ang malditang maarte na bunso sa limang magkakapatid.
 Maarteng pumaypay ito at tinaasan sya ng kilay. Imbes yumuko ay tinaasan nya rin ito ng kilay sabay flip ng hair.
 She rolled her eyes. "Kahit kaylan your so gaya-gaya." anito. 
"Kahit kaylan your so maarteng conyo na super taray na akala mo sexy, e sexy naman talaga pero dyosa parin ako." she flip her hair again. 
 Kapag may nakarinig sa kanila akala ay nagbabangayan sila. Well totoo naman pero parang way of saying 'Hello' na nila sa isa't isa iyon. Kaya nagkakasundo sila. Sabihan mo lang na super sexy nito ay tatratuhin ka nitong tao since parang hayop kung ituring nito ang mga nasa paligid nya.
 Ngumiti si Bea nang marinig ang magic word nya.
Yung ngiting sing silaw ng brilyante bago kumekembot na lumapit sa kanya at humilig sa balikat nya since medyo mas matangkad ito.
"Kaya I so love eh. Masyado mo akong pinapamper." ngumiwi ako. Pamper na yon sa kanya? Aba ang tigas ng balat nito. Sabagay ganyan talaga yan. Mataray sya pero deep inside ay napaka maawain at isip bata nyan. In short pabebe lang talaga sya kanina.
 "Wag mokong inuuto akala mo kinalimutan ko yung atraso mo sakin?"
Nanigas ito. Saka nagtaas ng tingin na binalingan siya. Yung tipong galit na galit. Wag ka pero kinakabahan yan. Ganyan yan si Bea kapag alam nyang may kasalanan sya, nag-aastang mataray. Naku memoryado ko na yan.
 "You have no right�""
 "Hep hep! Wag mo ko dramahan, abir yung usapan natin dali!" nilahad nya ang kamay rito. 
Nagtatakang pinaningkita sya ng mata ni Marites habang si Sir Morgan ay naguguluhan.
 "But�"" hinarang nya ng palad ang mukha nito at nilakihan ng mata. Yung parang luluwa.
May usapan silang pupunta ito sa bahay nya noong linggo kaya nag effort pa talaga syang ipagluto ito pero hindi sya sinipot nito. Meron silang agreement na kapag hindi tumupad ang isa magmumulta ng Php. 6,000.00.
Umingos ito. "Fine, anong akala mo sakin, poor?" saka rumarampang pumunta sa gawi ng ama at yumakap sa harap nito na tila naglalambing na nagpapaawa
Naiiling na lumabas si Marites habang natatawa ang ama.
 "Aba may bangko si ineng." kumindat lang ang dalaga.
Naiiling na binigyan ito ng pera ng matanda.
 "Mamumulubi ako sa inyong dalawang mga bata kayo." biro nito. 
Ngumingising tinanggap nya iyong pera.
"Ito kasing si Yana dad eh! Ginawa akong BDO." banat nito. Sa kanya rin nito na-adopt ang asal kalye.
 Nanlaki ang mata ni Alyana. Nagrereklamo ganun? "Bakit? Mamayang tanghali ikaw rin naman ngangasab sa perang to dahil tiyak ako hindi ka na naman nagdala ng pocket money mo! Pera kong nilulustay mong gaga ka."
Nanlaki ang mata nito. "Grabe you sa 'ngasab' ha? Bakit? Pareho naman tayong makikinabang jan"
Napaingos rin si Alyana.
"Sabagay. Ang sexy mo talaga."
Bea smirked. "I know, right?"

CHAPTER II

"Ano? Matagal pa ba yan? I've been here for a long century and you're still not done with that s***s?" ani Bea

"Kung hindi mo ba naman ako iniistorbo eh matatapos na ako rito. Gaga."

Umirap lang ito. Sanay na sa mga patutsada nya. Ewan nga nya kung papaano sila nagging matalik na magkaibigan nito. Oo, matalik. Kilalang kilala na sya ng dalaga mula ulo hanggang paa. Ganun rin sya rito. In a way kasi ay may pagkakapareho sila ng ugali. Carefree, except that she's not brat and spoiled by her parents. Wala naman kasi syang ganun. Lumaki sya sa ampunan.

Inis na iwinaksi nya sa isip ang nakaraan bago mabilis na nagtipa ng mga kakaylanganin.

"I don't know why nagtitiis ka ditto kay Dad eh marami namang mas nababagay na trabaho sayo. You're beautiful with brain. This is not common nowadays."

"Dahil bobo ka ganun?" biro nya.

"Gaga ka talaga no? Dahil masyado lang mataas ang IQ mo para lang maging assistant secretary ni Dad, duh?"

"Gaga ka rin, duh? Alam mo namang napakalaki ng utang na loob ko sa tatay mo."

"Napaka gaga mo. I told you wala lang yun kay Dad. Kung pumayag ka lang sa alok ni Jessie na mag modeling baka Miss Philippines International kana now, yah know?"

"Pinaka gaga talaga, period. Tapos gagwin kitang personal julalay ko sa mga gatherings ko oh di ba bongga!" patuloy pa rin sya sa pagtipa sa kompyuter.

Pabirong tinarget sya ni Bea ng balat ng mansanas. Aray!

"Bruha you talaga!"

She just rolled her eyes. Arte ng conyang to.

Nang matapos ay mabilis nyang nai-print saka inilagay sa folder.

"Oh my effin' gosh! Finally after a long decade!" nag inat ang kasama.

Si Sir Morgan ay nasa Conference Room. Si Marites na ang bahalang ipagpaalama sila. Expected ng wala siyang OT ngayon. Which is good to her part anyway.

Umabrisyete ito habang naglalakad na sila palabas. Pinagtitinginan na naman tuloy sila.

Wala namang bago roon.

"Don't mind those paupers." Pinisil nito ang balikat nya. Rinig na rinig na naman kasi ang mga patutsadang sipsip sya, malandi, mukhang pera, plastic, at kung ano-ano pa. Ramdam na ramdam ang tension. Partly because they envy her. Maraming gusting maging kaibigan si Bea but only to her she will show the real her. Mataray ang gaga kapag hindi nito ka-close.

Natawa ako.

"Sira manhid na ako jan. Ang lupit mo ineng ha?"

Umirap lang ito. Sinasabing, perks of being Bea Paulene Elvidra.

Tupakin rin eh.

Bago tuluyang lumabas ng building ay hinarap nito ng nanlilisik na tingin ang mga mapanghusgang paningin.

"What are you looking at? Back to work! Hindi kayo pinapasweldo para pagtsismisan ang pagiging sexy ko beacause duh? I'm Bea Elvidra-"

"At dyosa ako." Dugtong ko para lalong mabwesit ang mga taong walang magawa kundi mambwesit din. Bwesit silang lahat.

Bea smirked and nodded. "Right. And because she's my bff, I won't allow you people talk behind her back, b*****s. Arghh! Palibhasa mga poor kayo kaya nararapat sa inyo arghh!"

"Pakuluan sa mainit na mainit na mantika na sing init ng dugo ko kapag nakikita ko kayong mga inggeterang frog slash mahadirang daga dash impaktita! Mga gaga!" aniya.

Kapag sagad na ang inis o galit ni Bea may tendency na maubusan ito ng Tagalog. Trying hard mag Tagalog eh ang tigas pa naman ng accent nito. Tuloy hindi nya mai-express ng mabuti yung galit nya. Ayaw namang magmura nito sa English since mas sosyal naman yung pakinggan kaso nahawa na ata ito sa pagiging balahura niya kaya lang medyo nangangapa pa.

Bea smirked. "You pala tong matindi eh. Come on, wag mong pag-aksayahan ng time ang mga mukhang pugita na yan like seriously? They're just poor kaya poor rin sila sa breeding and GMRC." Parinig nito. Natawa na lang sya. Tinding magtaray ni Bea. Kung naiba lang ito, baka hinambalos na niya ito ng sapatos niya sa sobrang kaartehan nito. But then, as what she said a while ago, they're bff. Which means sya lang ang pobreng nakakatiis sa pagiging matapobre ni Bea sa mga taong ayaw nito. Wala pa yung kanina. Hindi pa nga matatawag na warm-up yun para rito eh. Genern katindi!


Kung saan-saan pa sila naglibot sa 7/11 rin pala ang bagsak nila. Kung hindi ba naman gaga tong kasama nya eh disin sana'y nakakain na siya ngayon. Sarap i-jujitsu nitong babaeng ito.

When they entered, every female species looked at them with envy in their eyes and men ogling.

Kahit ng makaupo na sila ay pinagtitinginan parin sila ipinagkibit-balikat niya na lang. Paupo pa lang sila'y dagli ng inilabas ni Bea ang kanyang iPhone para mag-selfie. Nag-pout pa ito at 'peace sign' sa harap ng kamera. Adik. Feeling koreana e ang laki ng mata. Kalurkey. Nang matapos ay iniharap nito sa kanilang dalawa ang kamera pero tinaasan niya lang ito ng kilay. Seriously? Ano bang silbi ng 'peace sign' na iyan eh gyera pa rin naman ngayon sa ibang bansa. Koneksyon? Gumawa ng may sense at ng may silbi ka naman at ng makatulong sa ekonomiya. Umirap ang dalaga.

"Kj you."

"Dyosa me."

"And I'm cunningly sexy." She smirkes. I made a face.

Tumawa si Bea sa nakasimangot niyang litrato. Tawang maarte.

"You look hilarious babe." Tudyo nito sa nakanguso niyang mukha na pinost ng hitad sa IG nito. 'Bwesit.'

"I-delete mo yan kung ayaw mong takpan ko yang pinagmamalaki mong b***s na sing-laki nitong Fita na kinakain ko."

Inis na binura agad nito.

"Tse! You're so KJ. I hate you na talaga. Hmp. And why the freaking way are you even eating Fita? Nagtitipid?"

"Yeah and you're maarte. Oh eh bakit? Sa nag-iipon ako tsaka lagi naman akong may dala nito." Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Which is not right. Dyosa like her don't act like that in public places. She thought and rolled her eyes.

"By eating that?!"

"O-teka? Hindi ka nag-react sa b***s thingy?" Napangisi ako.

"Tse. Takot ko lang na takpan mo talaga." Irap nito

Napahalakhak siya.

"Gaga you. You think I really deleted that picture?" she smirked.

Gumanti siya ng ngisi. "Okay lang. Ang laki pa naman ng braso mo dun."

Bea widened her eyes in horror. Lalo siyang natawa dito nang inilabas nito ang salamin nitong hindi niya maintindihan kung bakit sin-laki ng libro ng elementarya. Lakas maka-hithit ng bruha. Loka-loka.

"Oh my gosh! Am I not sexy anymore?" Ininspeksyon pa nito ang mukha ng maigi kasama katawan pati pigi hindi pinatawad. Kinapa-kapa kung may bilbil.

"Tanga. Braso sinabi ko hindi mukha. Ang arte mo talaga no? Naku kung hindi ka lang anak ng amo ko matagal na kitang hinampas nitong stilletos ko." Biro ko pa.

Bea laughed. "Duh, you can't do that to your BFF."

"Oo." matabang na sagot ko. "Unfortunately." Umirap siya na sinabayan ng tayo para kumuha ng makakain nila. Nang makaupo, agad na rumatatat ang bunganga ng kasama tungkol sa mga kinaiinisan nitong mga kapatid nitong babae.

"Kung ako sayo umalis ka na lang kasi diyan sa mansyon niyo. Hindi ka pa ba nagsasawa sa mga kaartehan niyang mga kapatid mo? Ang kikitid ng mga utak."

"Like duh? Do I have a choice?"

Tsk. Dependent nga pala ito. Yan ang napapala ng mga mayayamang hindi sanay sa pagbabanat ng buto. Haynaku.

"Oh eh anong iaarte mo jan? Eh di magtiis ka."

"Hmp. Nakakainis lang kasi. Why would they meddle with my escapades when in fact I don't interfere in theirs? Ugh, I so hate them. It's like they still treat me like a baby, I mean duh? Do I look like I can't handle my own self?"

"Ang sagot ko? Ewan. Sila tanungin mo tutal sila itong mga pakialamera. Real talk lang amega ha? Kung ayaw mong bwesitin ka nila, wag mo na lang silang patulan like deadma-hin mo na lang. Dahil nakakapagod iyang mga walang kwenta niyong alitan na wala namang sense. Ngayon pa kayo mag-aaway-away kung kelan pa kayo matatanda. At isa pa, wala ka namang mapapala sa kanila so better yet just don't mind them. If I know insecure ang mga yan sayo. Kung hindi mo na talaga keri, aba! Edi bumukod ka. May pera ka naman hindi ka maghihirap kahit 50 years ka pang walang trabaho."

Napabuga ng hangin ang kaharap. "Looks like I don't have a choice."

"Of course you have a choice. Everything in this world have a choice. You just have to think which choice you will be happy."

Napatitig ito sa kanya. "You talk so deep. Its like you've been on that part before. No wonder my dad really likes you. Just like my brother." Then she smiled mischievously.

"Sinong kuya? Yung kapatid mo kamong natatanging kasundo mo? Sus hinigop na yun ni Opra Winfrey."

"As if I had any brother." Napahagikgik ang dalaga. "Minsan talaga nakakadiri kang magbiro."

"Morbid ka lang talaga mag-isip."

Ngumiwi si Bea. "I though so too."

© 2017 Judy Angel


Author's Note

Judy Angel
the edited part is on wattpad.

My Review

Would you like to review this Story?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

81 Views
Added on October 25, 2017
Last Updated on October 25, 2017
Tags: fiction, romanc, erotica

Author

Judy Angel
Judy Angel

Cotabato, Philippines