Ngiting nakaukitA Poem by Melancholic Tellurian
Hindi ko maipaliwanag kung bakit
Sa iyong tawa't ngiti ako'y naakit Bawat letra't salitang 'yong binabanggit Gusto kong naririnig sa bawat saglit Nakikita ka kahit ako'y pumikit Ngiti mong sa isip ko ay nakaukit 'Kaw lang at 'di kailanman ipagpapalit Sa mga mata ko'y hindi ka papangit Ikaw ang liriko sa'king mga awit Inspirasyon sa pagsulat at pagguhit Ang nagbibigay lakas kapag nangangawit Pangalan mo'y sa puso ko nakadikit Ikaw ang paraiso at aking langit © 2019 Melancholic Tellurian |
Stats
25 Views
Added on May 18, 2019 Last Updated on May 18, 2019 Author
|