Lihim sa HanginA Poem by Melancholic TellurianMga salitang 'di ko kayang bigkasin Siguro'y ibubulong na lang sa hangin At baka sakaling sa'yo ay tangayin Salitang mula sa puso ko't damdamin Gusto kong sabihin ang aking hangarin Na sana nga ikaw ay mapa-saakin Ngunit 'wag sana magbago ang pagtingin Layuan, iwasan, at 'di bigyang pansin Aantaying magka-lakas loob umamin Dal'wang salita ba't kay hirap banggitin "Gusto kita", 'yan ang gusto kong sabihin © 2019 Melancholic Tellurian |
Stats
29 Views
Added on May 18, 2019 Last Updated on May 18, 2019 Author
|