Sana Itinadhana

Sana Itinadhana

A Poem by Melancholic Tellurian

Unang sulyap pa lamang sa'yo,
Tibok ng puso ko'y nagbago,
Mapupukaw mong mga mata,
Magandang tinig ng 'yong tawa,
At ang iyong mapulang labi,
Na nagpakinang sa 'yong ngiti,
Mga segundong lumilipas,
Huwag na sana pang kukupas.
Buong paligid ay nagbago,
Ako ba'y nasa paraiso?,
Diwata sa gitna ng syudad,
Imahinasyo't reyalidad,
Gusto kong ihinto ang oras,
Makapiling ka hanggang wakas.
Sana ay tayong dalawa nga,
Ang itinadhana; Sana nga.

© 2018 Melancholic Tellurian


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

85 Views
Added on October 6, 2017
Last Updated on November 25, 2018

Author

Melancholic Tellurian
Melancholic Tellurian

Bacoor City, Cavite, Philippines



About
My user says it all. more..

Writing